2.5 | Him

45 11 65
                                    

2.5 | Youth
#TMBTTSwp

Nagising na ako at naalala ko na mag rarides pala kami ngayon. Umupo ako at kinusot yung mata ko. Kung ako naman kaya yung pumunta sa kanila 'no?

Bumaba ako para mag breakfast, buti na lang hindi pa gising yung tatlong ungas. Peaceful ang umaga ko ngayon.

Pag-katapos kumain ay bumalik na ako sa taas para maligo.

•••

Alas nueve na ng umaga, message ko kaya si Francisca?

Hindi siya sumasagot, baka nga tulog pa talaga siya. Bumaba na ako at dumeretso sa garahe, madaanan pa nga ako ni Zeith na nag-tatakang nakatingin sa'kin.

Bakit ba kahit anong galaw ko dito nakakagulat na para sa kanila? Umiling na lang ako at kinuha yung motor ko at sumakay na.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na ako sa tapat ng gate ng KSR, kung saan nakatira si Francisca.

Nag-hintay lang ako dito sa labas at tiningnan yung relo ko.

•••

"Anong meron? Ba't ka napunta dito?" Tanong sakin ni Mich nang makapasok kami sa KSR.

Hindi ko na lang yun pinansin at hinanap yung talagang pinunta ko dito "san si siop - Rowie?"

"Uh," nakita kong ngumisi si Dracey.

Napakunot-noo ako nung nagkatinginan silang dalawa ni Mich. Nag-uusap ba sila? Telepathy? Bawal share?

"Tulog pa si Rowie. Pero kung mag-hihintay tayo na magising siya, baka next year pa kayo maka-alis" sabi ni Dracey.

"Grabe sa next year. She meant, feel free na oasukin yung lungga niya hahaha", sabi naman ni Mich. Pwede ba? 'Di ba personal space yung kwarto?

"Baka bawal pumasok dun", hintayin ko lang siya dito.

Umiling si Mich at ngumisi "Ano ka ba, pwede yan. Sumunod ka lang samin", sabi niya at nag-lakad na papunta sa space ni Francisca.

Pagkatapos ng ilang pasikot-sikot nakarating na rin kami sa tapat ng kwarto ni Rowie. . . hindi ako sure kung ito na ba talaga yun pero dito tumigil sina Dracey at Mich eh, sumusunod lang ako.

Binuksan na ni Mich yung pinto. Eh? Hindi ba nag lalock ng pinto si Rowie?

"Welcoms sa lungga ni Aling Francia. Sige baba na kami ah", hinila na agad ni Dracey si Mich. Anong problema nung dalawang 'yun? So weird.

Nag dalawang isip pa akong kung papasok ba ako o hindi pero sabi naman nina Mich na okay lang kaya pumasok na ako.

First time kong makapasok sa kwarto ng babae. . . wala din namang pinagkaiba, may mesa, couch, kama, ilaw, bintana at cabinet naman.

Napatingin ako kay Francisca na tulog na tulog pa. Nakapajama siya tapos yakap niya yung plushy na bao tapos ang daming unan na nakapalibot sa kanya at halos matabunan na siya nung comforter niya.

Napatingin din ako dun sa side na puno ng alien na blue, nandun nga yung binili namin kahapon eh.

Lumapit ako sa kanya. Pano ko ba gigisingin 'to? Naalala kong dala ko pala yung spider na plushy, nilagay ko yun sa tapat ng mukha ni Francisca.

Take Me Back to the StartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon