1 . 5 | Her

58 9 28
                                    

1 . 5 | Francisca
#TMBTTSwp

Nagising ako ngayong umaga na may ngiti sa mukha. Madadagdagan na ulit yung supply ko ng Cream O hehe. Teka ako ba yung pupunta sa kanya? Ah...oo nga pala.

Bumangon na ako at pumunta sa step in closet para pumili ng kung anong damit ang susuotin ko.

5 minutes later...

Napatango na lang ako. Mukhang mahihirapan ako dito. Hindi ko alam kung anong susuotin ko. Saya.

Limang minuto na akong nakatingin sa mga damit at kung anong progress ang nagawa ko? Wala, tumitig lang ako.

Kinuha ko na lang yung razor back kong white crop top, skinny jeans, tapos denim jacket.

Pumasok na ako sa banyo para maligo.

30 minutes later...

Nandito ako sa harap ng gate ng Trace. Shit. Ang init. Pero hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya napilitan akong maghintay. Mga ilang segundo pa yata yung hinintay ko. Ang tagal. Kinausap ko yung gate. Baka sakaling naririnig ni Youth kung kakausapin ko yung gate. Wala sadyang matopak lang ako.

"Yoth. Wuy Yoth."sabi ko sa gate, syempre hindi sumagot. "Sige kayo jan, mago-over the bakod ako." Sabi ko pa. Wala pa ring lumalabas. May tao ba talaga dito? Tama ba talaga yung pinuntahan ko? Napanguso na lang ako.

Sumandal na lang ako doon sa poste ng gate habang naghihintay. Nakapahalukipkip ako habang hinihintay na may lumabas. Then it happened. Napatayo ako ng maayos at humarap sa nagbukas ng--"kanina ka pa jan?"sabi ni Youth.

I let out a nervous laugh. "Hindi naman, mga 30 seconds siguro ganun." Liar.

•••

Tahimik lang siya habang nagda-drive ako. Well, ako magmamaneho. Kotse ko eh. Napakagat-labi ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung magkwento kaya ako? Ay. Baka ma-bored lang siya. Lagi namang walang kwenta yung mga pinagsasasabi ko eh.

Pero gusto ko namang mag ingay. Alam ko na. Huminga ako ng malalim para mabawasan kahit papano yung kaba ko.

"Wuy, Mahal"buti at hindi ako nautal. Lumingon siya sa akin. "Kamusta naman yung pilay mo?" Sabi ko sabay palo sa binti niya na napilayan dahil kay Jayzam haha.

Sinamaan niya lang ako ng tingin. Dahan-dahan kong inalis yun kamay ko sa binti niya. Nainis ko ba siya? Hmm. Ang hirap pala nito. Haha. Binalik ko sa manibela yung kamay ko at tumahimik na lang. Napalingon ako sa kanya ng bigla siyang magsalita.

"Tatanongin mo kung kamusta, tapos papaluin mo."seryoso niyang sabi. Mukhang nainis nga siya. Pero ngumiti na lang ako. Baka sakaling mahawa siya. But I won' t expect. "Check lang 'di ba. Hehe. Pag umaray ka, edi hindi ka pa okay." Sabi ko.

"Okay." Sabi niya. Shet. Pano ba maging girlfriend? Ang hirap naman pala. Katangahan nga naman, Rowie. Pero tatapusin ko 'tong linggong 'to.

Buwisitin ko pa nga. Cute niya kaya mainis. I poked his cheek then I let out a chuckle."cute cute mo mainis, Mahal."sabi ko. Haha. One sided talaga yung pag tawag ko ng Mahal haha. Ano pa nga ba? Ako lang naman may gusto nito. Ni hindi ko nga alam kung bakit pumayag siya na maging boyfriend ko ng isang linggo.

Take Me Back to the StartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon