3 . 5 | Francisca
#TMBTTSwpMaaga akong nagising. Ay hindi pala maaga. Ni hindi ko nga naramdamang natulog ako. Basta ngayon, walang pumapasok sa utak ko na pu-pwedeng gawin.
Ang alam ko lang, nandito ako sa harap ng gate ng Trace, nakasandal sa bars, at naghihintay na may magbukas ng gate para sa akin. It probably won' t open on it' s own. So heto ako, matiyagang naghihintay. Sa totoo lang nagiisip na ako kung mag-over da bakod na lang ako. Kaso wag. Una sa lahat, naka shorts lang ako. And it' s unladylike. Isipin niyo na lan kung anong sasabihin ng boyfriend ko 'pag nalaman niyang nag-over da bakod ako sa bahay niya? Na nag jowa siya ng unggoy? Nakakahiya yun.
Matapos ang ilang minuto ng pag tayo ko sa bars, sa wakas may lumabas din. "Kanina ka pa jan?"lumingon ako at nakita ko si Jayzam. "Ako?"tanong ko sabay turo sa sarili ko.
"Baka yung gate noh?"sagot niya. Eeh. Pasensya naman, Jayzam. Ako' y lutang. Kulang ako sa beauty sleep. Ay sleep lang. Walang beauty. "Halika pasok ka" aya niya. "Salamat" sabi ko habang nakangiti.
Naglakad ako papasok. Asa tapat na ako ng pinto pero hanggang ngayon nagdedebate pa rin ako deep down kung tama bang makitamabay dito o ano.
Pagbukas ko ng pinto, napamura ako pero mahina lang. Nagulat kasi kay Red, nakaabang siya sa pinto.
"Hi, Red" bati ko tsaka kinawayan siya. Sa 'di kalayuan, nakita ko rin si Zeith. "Hi, Zeith" sabi ko at kinawayan si Zeith.
"HI ROWIE"nagulat na lang ako nang magsalita si Red. Bakit ang lakas ng boses niya ngayon? Nalipat ba sa kanya yung energy ko kahapon? I mean. Ganito ako kahapon ka hyper sa pagkakaalam ko.
"Eyy"sinundan ko lang ng tingin si Red habang tumatakbo papunta sa taas. Tumigil siya sa tapat ng kwarto ni Youth. "HOY KUPAL KUNG GISING KA MAN O TULOG NANDITO YUNG GIRLFRIEND MO" sabi niya. Pucha. Umaalingaw-ngaw yung kaingayan ni Red ngayon ah.
Napatawa na lang ako at naglakad papunta sa sofa sa sala. Saktong pagkaupo ko, lumabas si Youth ng nakakunot-noo. Masama ba gising nito?
"HAY SALAMAT LUMABAS KA RING TUKMOL KA"sabi ni Red. Teka. Anong tukmol? Ah 'di bale. Tumingin ako kay Youth at tsaka kinawayan siya.
Wala akong nakuhang tugon hoho. Beri bad ah. Napanguso na lang ako. Nagulat na lang ako nang bigla na namang nagsalita si Red. "OO NA ITO NA NGA AALIS KAMI"sabi niya. Napaubo na lang ako. Ganito ba 'to si Red pag nasa bahay?
Pinanood ko si Red na hinila sina Zeith at Jayzam para sumama sa kanya. "Teka saan kayo pupunta?"tanong ko.
"SA LUNGGA NAMIN"sagot ni Red. Napangiwi na lang ako. Kanina pa yun ah? Magsabi na lang siya kung trip niya akon sigawan, nahiya pa siya eh.
Napailing na lang ako. Nakita kong naglalaka papalapit sa akin si Youth. For one moment, bigla na namang bumilis yung tibok ng puso ko. Peste. Ano bang ginawa nito sa akin kagabi? Tapos umupo siya sa isang upuan malapit sa akin.
"Kanina ka pa dito?"tanong niya. "Kararating ko lang." Sagot ko. Tumango lang siya. Heto na naman tayo sa walang magawa at walang masabi portion.
"Naso-suffocate ako sa KSR."sabi ko habang natatawa ng mahina. "Bakit?" tanong niya.
"Saan pupunta yung mga Kupal na yun?" tanong ko. "Dun sa kabilang bahay"sagot niya. "Ahh"sagot ko.
Sinagot ko yung bakit niya sa na una kong sinabi. "Ang daming tanong ni Papa -"
"Fu-- bakit?"gulat niyang tanong. Nahampas ko siya tsaka ako natulala nang may maalala ako.
Lumingon ako sa kanya habang nanlalaki ang mga mata. "Naiwan ko yung gagamba mong laruan" sabi ko.
BINABASA MO ANG
Take Me Back to the Start
Fanfiction[A Glimpse of You and Me, special extention] One week and we had each other. One week and then there was us. One week and there was second chances. "One week and we knew we loved each other" By: ArieshaChamiraDanica, 2019 ©Crazyeshaa, Ariesha Torres...