4.5 | Him

22 10 32
                                    

4.5 | Youth
#TMBTTSwp

Pupunta ako kina Rowie ngayon, bumaba na ako at as usual, naka-abang na naman yung tatlo. Kailan ba sila titigil?

Buti nga hindi na sila nag-tanong o nang-asar pa pero alam kong pinipigilan nila. Buti nga hindi nila ako inasar yung tungkol kahapon. Dun sa . . . confession? Confession nga ba 'yun?

Dumeretso na ako kina Rowie, pag-katapos ng ilang minuto, nakarating na rin ako. Napatingin ako sa gate nang may nag bukas nito, si Dracey. "Pasok ka", sabi niya at tumango na lang ako.

Pag-pasok ko, hinanap ko na agad si Rowie. "San si Rowie? Tulog na naman?" Tanong ko, baka kasi 'di siya natulog ng maaga kasi. . . 'di ko alam. Sabi niya kasi late siya matulog eh.

Nakita ko din yung Zeon. . . ? At si Marco — yung bestfriend ni Francisca.

"Actually. . . hindi ko alam. Teka tingnan ko", sabi niya at may tiningnan sa isang computer. "Gising siya, pero wala sa kwarto niya".

"Nasa studio", sabi naman ni Marco. Tumango na lang ako "Sa tapat lang 'yun ng kwarto niya. I'm sure alam mo na kung saan", tumango na kang ulit ako.

Umakyat na ako papunta sa studio na tinutukoy nila kung nasan si Rowie. Binuksan ko yung pinto at pumasok, naabutan ko siyang nag gigitara. Saktong kumakanta rin siya.

Hindi ko alam na marunong pala siyang mag-gitara and her voice. . . wow.

Sinarado ko yung pinto at sumandal sa pader para makinig sa kanya. Hindi ko maintindihan yung lyrics but I can feel her emotions. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti habang pinapakinggan siya. Bawat araw mas nahuhulog pa ako sa kanya.

Nang matapos na siyang kumanta, pumalakpak ako. Medyo nagulat pa siya nang makita ako. "Y-Youth?" Kinusot niya pa yung mata niya. Eh? Akala niya ba nananaginip siya? "Yeah" hinawakan ko yung balikat niya.

Tinusok niya na naman yung pisngi ko. "Totoo ka nga! Ah... eh... anong ginagawa mo dito?" Pinatong niya yung dalawang kamay sa balikat ko. "Tatambay din", sabi ko. Try ko lang tumambay dito, tumambay din naman siya sa Trace eh.

"Anong pwedeng gawin kung tatambay ka?" Hindi ko rin alam, tatambay lang talaga. "Nga pala, nandun si Yoder sa loob ng kwarto ko, tinititigan si Pawie", sinong Yoder? "Sabi ko mag-titigan muna sila kasi dito muna ako sa studio".

"Yoder?" Tanong ko. Napatawa naman siya "ahh. . . binigyan ko ng name yung spider mo hehe", paliwanag niya at nag peace sign. "Bakit Yoder?"

"Uhh. . . Youth plus spider". Natawa naman ako, oo nga 'no? Parang yung kay Pawie lang, Panda plus Rowie. "What? I'm bad at names, sorry ah", sabi niya habang natatawa.

"Okay lang, 'di ko din naman pinapangalanan yung akin eh", sabi ko. Yung  ga alaga ko lang na tarantula yung pinangalanan ko.

"Oh jinjja? Anong klaseng spiders nga pala ung nasa aquarium mo?" Tanong niya, oo nga pala nakita niya na yung mga tarantula nung pumasok siya kwarto. "Tarantula".

"All of them?" Tanong niya. Tumango na lang ako "Oo. Bawal naiiba kasi baka kainin yung isa't isa."

"Ahh", napatango siya tapos ngumisi. Hinawakan niya yung kamay ko at lumabas kami ng studio. Saktong pag-labas namin, dumaan yung epal na kapatid nung mahal kong cute na siopao. "Hi—ate".

Take Me Back to the StartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon