2 . 5 | Her

42 7 39
                                    

2 . 5 | Francisca
#TMBTTSwp

"Hoi Siopao,"sabi ng kung sinong walang hiya habang niyuyugyog ako. Puta kitang tulog ako oh.

"Hmm."irita kong sabi habang nakapikit pa rin.

"Gising na~"sabi nung lalaki tapos pinaglaruan yung buhok ko. Lapastangan ah? Hambalusin kita jan. "Eih."iritable kong sabi.

"Hulugin kita jan sa sahig eh."sabi niya. "Gising na"dagdag pa niya. Alam mo, kung sino ka man, tang ina mo, epal ka sa beauty sleep ko.

Binaon ko yung mukha ko sa unan, baka sakaling matigil yung pagaalingaw-ng9aw ng tampalasan na 'to. Pero ang gago, tinanggal yung unan sa pagkakatakip.

"Hmm"inis kong sabi. Tinakip ko na lang yung yakap-yakap kong Bao sa mukha ko. Pero kinuha niya yun! At dun. Dun na ako napatayo. Buwisit eh. "Bao!" Inabot ko yung Bao mula doon sa lalaki pero dumulas yung kamay ko sa gilid ng kama at sumubsob yung mukha ko sa isang. . .

"AHHHH!"napatili ako dahil doon sa spider. "Holy shit!"tinapon ko papalayo sa akin yung spider. Hinila ko yung comforter ko at tinakipyun sa buong katawan ko. BAKA KASI LUMAPIT SA AKIN!

May biglang tumawa ng malakas."Sabi kasing gising na." Napatili ako sa gulat niung biglang may nagsalita sa tabi ko. Nilingon ko yung kung sino bang salita ng salita kanina pa. Nadedemonyo na ako eh.

What the fuck? Youth Zarnel?! Sinong---

"A-anong--"napaturo ako sa kanya. Then sa spider, na hindi pala spider, ito yung binili kahapon ni Youth na spider plushy.
Napaiyak na lang ako sa inis. Buwisit talaga 'to.

"Sorry?"sabi niya. Alam mo, tang ina mo. Bahala ka jan. Bigla na lang siyang tumayo at naglakad ng dire-diretso palabas ng kwarto ko. Ni hindi man lang ako nilingon!

Luh? Nagalit ko ba lalo? ㅠ~ㅠ

Nang sinara niya na yung pinto, napatingin ako kay spider. Yung gagambang laruan na sinasabi ko. "IKAW KASE!"sabi ko habang umiiyak pa rin.

Nanahimik na lang ako at sinubukang tumigil sa pag iyak. Pero wala, ayaw tumigil ng mata ko. Walang kwenta.

Ilang segundo ang lumipas at hindi pa rin ako natitigil sa pesteng pag iyak nang biglang bumukas yung pinto. BAKIT BA HINDI SILA KUMAKATOK KAPAG PAPASOK SA KWARTO KO?

"Oh."sabi ni Youth. Napatingin ako sa hawak niya. Napatigil ako sa pag iyak nang ma-realize ko na kung ano yung hawak niya. Cream O at gatas. Pa'no niya alam kung papano ako patahanin? Astig.

"Kunin mo na"sabi niya. Kinuha ko naman talaga. Hindi ako tumatanggi sa Cream O. Napangiti na lang ako at sinimulang lantakan yung pag kain. Hindi ko siya pinansin pero alam kong naupo siya sa couch sa tabi ng kama ko.

"Bakit ka nga pala nandito?"tanong ko kahit may Cream O pa sa bibig ko. "Baka gusto ko lang makitambay dito?" Sabi niya.

Napakunot noo ako. "Dito talaga sa kwarto ko? Mukha na palang tambayan ang kwarto ko?"sabi ko habang natatawa ng konti.

"Kumain ka na lang" sabi niya. Napakibit balikat ako at uminom ng gatas. "Rides tayo."dagdag niya. Muntik kong maibuga yung iniinom ko dahil sa sinabi niya. "Oo nga pala!"sabi ko. Bakit ko ba yun nakalimutan?!

Take Me Back to the StartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon