5 . 5 | Francisca
#TMBTTSwpPagkatapos na pagkatapos kong mag message kay Youth ay bumaba ako para kunin yung susi ng motor ko.
Kabisado ko naman na yung daan papuntang Trace kaya 'di na ako nahirapan. Pero pagdating ko sa Trace, may bumungad sa akin na hindi ko nagustuhan.
Si Youth binibigyan ng flowers si Daniella. Natigilan ako dun ah? Masakit yun ah? Haha. Akala ko seryoso ka? Ano 'to?
Nakakainis na nakakatawa. Napatawa na lang ako ng mahina at tsaka ako napailing. Ang tanga ni Rowie.
Lumingon-lingon ako sa paligid kung may nakakita sa akin. Wala naman. Babalik na lang ako n gang house. Wala naman pala akong dapat ipunta dito eh.
•••
Binuksan ko yung pinto ng gang house at bumungad sa akin si Michiko at Marco na parang may tinatrabaho sa mga laptop nila. "Oh? Ang bilis mo naman ata?" bungad sa akin ni Michiko.
"Obviously,"sagot ko kay Michiko. Isinabit ko na yung susi ng motor ko sa shelf. Pumunta ako sa marksman' s room at nilagyan ko ng bala yung dalawang baril.
I removed my hair tie and ran my fingers through my hair in a harsh way. After that, I put on the earmuffs.
Nagsimula akong magpaputok ng mga baril. Sabay ko lang na pinapaputok yung mga baril at iniinda yung bigat sa mga braso ko. Hindi ko nilingon yung mga dummy, pero nang matapos ko naman hanggang sa unahan, sumakto naman lahat sa gitna. Wala, ganun lang ako kainis ngayon.
Thanks to that guy that nearly made me believe in everything that he' s saying. Naiinis ako. Naiinis ako sa kanya, pero mas naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba kasi ako nagpadala agad?
I groaned. Gusto kong umiyak. Pero walang luhang lumalabas. Napasigaw na lang ako at binaril yung basong nasa ibabaw ng mesa dito sa loob.
Napabuntong hininga na lang ako. Nilapitan ko yun at sinubukan kong pulutin yung mga piraso nung basong nabaril ko. Ako namang si tanga, napamali ako ng hawak. Ayun, nasugatan ako. Punyeta talaga.
Lumabas na lang ako ng kwartong yun at pinabayaan yung basag na baso. Umakyat ako sa kwarto ko. Huminga ako ng malalim at sumandal sa headboard. Napatingin ako sa kamay kong duguan. Hindi ko maramdaman yung hapdi eh.
I think kung may isang bagay man na dapat kong ikasaya ngayon, yun ay yung hindi ako umiiyak ngayon.
Nilabas ko yung cellphone ko.
BINABASA MO ANG
Take Me Back to the Start
Fanfiction[A Glimpse of You and Me, special extention] One week and we had each other. One week and then there was us. One week and there was second chances. "One week and we knew we loved each other" By: ArieshaChamiraDanica, 2019 ©Crazyeshaa, Ariesha Torres...