3.5 | Him

31 7 16
                                    

3. 5 | Youth
#TMBTTSwp

Pumasok ako sa kwarto ko pagkatapos kong mag-pahangin sa terrace. Narinig ko na naman yung boses ni Red.

Umupo ako sa kama. Inaantok pa ako, kulang pa ako sa tulog. Y-yung ano kasi eh. . .

Nagulat ako nung biglang may kumatok ng malakas sa pinto. Si Red 'to panigurado. "HOY KUPAL AJUNGINA KUNG GISING KA MAN O TULOG, NANDITO YUNG GIRLFRIEN MO", what the fuck. Nag-lakad ako papalapit sa pinto at binuksan yun.

"Ajuju~ sana all binibisita ng girlfriend", heto na naman tayo sa mga pang-aasar. Tadyakan ko siya dito eh bwisit siya.

Bumaba na rin ako at nakita ko si Francisca kasama sina Jayzam at Zeith. Ano na naman bang kalokohan ang ginawa ng mga 'to? "HAY SALAMAT LUMABAS KA DING TUKMOL KA".

Tsk, naririnig naman kita eh. Hindi mo naman kailangang sumigaw pesteng 'to. Napatingin ako kay Francisca at nakita kong kinawayan niya ako. Luh, anong gagawin ko? Fresh pa sa utak ko yung kabaliwan ko kahapon.

Sinamaan ko ng tingin yung tatlo dahil parang mga sirang tinitingnan ako. Sinenyasan ko silang umalis. Bwisit, hindi talaga ako makagalaw kapag nandito sila. "OO NA ITO NA NGA AALIS KA", napangiwi na lang ako. Bakit ba kailangan nitong sumigaw? Mag-kakalapit lang naman kami dito.

Hinila na ni Red sina Zeith at Jayzam, narinig ko namang nag-sabi ng madaya si Zeith.

"Teka? San kayo pupunta?" Tanong ni Francisca habang nakatingin sa tatlo. "Sa lungga namin", tugon ni Red at hinila na nga ng tuluyan sina Zeith. I'm sure sa control room sila pupunta.

Lumapit na lang ako kay Francisca at umupo dun sa kabilang couch. "Kanina ka pa dito?" Tanong ko. "Kararating ko lang", ahh okay.

Napatango na lang ako. Fuck, bakit ako na-aawkward? "Nasuffocate ako sa KSR", sabi niya at tumawa ng mahina. "Bakit?"

"San pupunta yung mga kupal na yun?" Tanong niya. Saan nga ba? "Dun sa kabilang bahay", nandun kasi yung mga monitor nung sa cctv kaya baka dun ang punta nila. Alam ko na yung tatlong 'yun, 'di talaga sila titigil hangga't hindi nasasagot yung mga tanong nila sa utak nila.

Napatango naman siya. "Ang daming tanong ni papa—" sagot niya yun sa bakit ko pero nagulat ako nung hinampas niya ako. "Fu—bakit?" May ginawa ba ako? Biglang nang-hahampas eh.

Nanlaki naman yung mata niya. "Nakalimutan ko yung gagamba mong laruan", sabi niya at tinakpan yung bibig niya. Natawa na lang ako, kahit kailan talaga ang cute niya. "Okay lang, dun mo na 'yun sa'yo".

Umiling siya "meh, ibabalik ko 'yun sa'yo", okay "ikaw bahala", sabi ko.

Teka, tatambay lang talaga siya dito? Wala namang masyadong ganap dito eh. "Anong gusto mong gawin ngayon?" Masyadong boring dito sa Trace.

"Hm, 'di ko alam eh", sabi niya at sumandal. "Pakiramdam ko talaga may mga interviewer ngayong araw", sabi niya at lumingon-lingon. Eh? Napatingala ako at ayun na, nakatutok nga samin yung cctv camera, mga bwisit talaga 'yun.

Tiningnan ko kung saan siya ngayon nakatingin at sa cctv camera nga, nginitan niya yun at nag dirty sign. Napailing na lang ako.

"Yung tatlo kating-kati na mag-tanong", sabi ko at sumulyap ulit sa camera.

"E 'di sana nag-sabi sila, hindi yung para silang dispatch", pareho kaming natawa dahil sa sinabi niya. "Malay ko dun".

Take Me Back to the StartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon