7.5 | Youth
#TMBTTSwpNagising ako nang may natumba mismo sa mukha ko. Napabalikwas ako nung makita kong yung weird big thing yun. Nahulog na nga ako sa kama.
Sabi ko na nga ba gumagalaw sila kapag tulog kami! "B-bakit ka tumigil? Sige na, gumalaw ka na! Nahiya ka pa", sabi ko sa weird big thing na gumalaw kanina.
Napakurap na lang ako at pinaharap yung doraemon sa pader. Ayan, kayo nung pader ang mag-titigan! Tinakot mo 'ko ah.
Bumalik ako sa kama habang nakatingin pa rin kay doraemon. Tinakpan ko ng kumot yung mukha ko--baka gumalaw na naman yung weird blue cat--Dahan-dahan kong binaba yung kumot para tingnan kung gumagalaw ba si doraemon.
Aish, ano ba naman yan. Nababaliw na ako dito oh! Tingnan nga natin kung patulugin pa 'ko nito.
•••
Maaga akong nagising, pumunta pa kasi ako sa restaurant at ininstruct yung mga staff dun. Mamaya pa namang hapon yun kaya okay lang siguro.
Dumaan ako sa flower shop. Anong klaseng bulaklak ba yung gusto niya? Tiningnan ko yung iba ibang klase ng bulaklak.
Hindi ako puwedeng mag-tagal dito kasi allergic ako sa bulaklak. Pumunta pa ako sa pinakadulo at nakita ko yung blue na rose. Konti lang yun compared sa ibang bulaklak, tinanong ko yung mga tao dun kung may iba pa ba pero yun na lang daw yung available kasi medyo mahirap daw yung pag-palaki jan.
Kaya ko binili kasi color blue, favorite niya yun, e. Atsaka siya rare to find --- para siya, nag-iisa lang.
Kinuha ko na lang yun at binili na, buti na lang talaga at nagkotse ako ngayon. Pagka-uwi ko, dumeretso na ako kwarto at nikagay muna yung bulaklak sa isang vase para hindi mabulok agad.
Kinuha ko yung scrapbook at dinikit yung mga pictures mula day1 hanggang kahapon.
Kung ibigay ko na lang din kaya talaga 'to? Hindi naman siguro masama. Tiningnan ko ying bracelet, ibibigay ko rin 'to.
•••
Alas tres y media, pumunta na ako sa resto para tingnan kung okay na ba. Umupo na lang muna ako sa office ko sa likod. Wala, para walang matanong sa'kin yung nga staff.
Kinakabahan ako, sana okay lang yung araw na 'to. Sana hindi awkward, sana hindi ako umiyak.
Tiningnan ko na naman yung bestfriend kong doraemon na tsansing kagabi. "Alagaan mo si Rowie ah", sabi ko. Asa namang sasagot din 'to.
•••
Hindi ko alam kung anong oras na pero lumabas na ako sa office. Nakikipag-usap ako dun sa isang staff nang makita ko siya sa may pinto.
"Go sir!" Sabi nung isa naming waiter. Napailing na lang ako, ngayon ko lang din pala nakausap mga staff ko.
Nag-lakad na ako papunta sa pinto at binuksan yun. Lumapit ako sa kanya, hoooooo! Kaya mo yan, Youth! "Rowie", tiningnan ko siya. Ang ganda niya ngayon---mas lalo siyang gumanda.
Halatang nagulat siya. "A-ako?" I chuckled, sino pang Rowie? "Oo ako". Napailing pa siya.
"Okay ka lang ba?" Napansin kong may hawak siyang box, hindi kaya siya nabibigatan?
BINABASA MO ANG
Take Me Back to the Start
Fanfic[A Glimpse of You and Me, special extention] One week and we had each other. One week and then there was us. One week and there was second chances. "One week and we knew we loved each other" By: ArieshaChamiraDanica, 2019 ©Crazyeshaa, Ariesha Torres...