5.5 | Youth
#TMBTTSwpLumabas ako para mag-pahangin, kinapa ko yung bulsa ko para kunin yung cellphone ko pero wala dito. Oo nga pala, chinarge ko pa lang kanina. Bumuntong-hininga na lang ako at umupo sa hagdan dito sa labas.
Ano kayang ginagawa ni Rowie ngayon? Ba't kasi 'di ko na charge yung cellphone ko kagabi? 'Busy ka kasi sa pag stalk sa twitter ng mahal mo eh' hindi naman stalk, may tiningnan lang naman.
Nagulat ako ng kumabas si Zedd na may dalang bulaklak at lumapit sa'kin. Tangina 'di naman bakla si Zedd ano? Nag-tatakang tiningnan ko siya. "Paki bigay kay Daniella. 'Wag mong sabihin na ako yung nag-papabigay ha?" Ano ako? Utusan? Nung huli niya akong inutusan, napag-kamalan pa akong may gusto kay Daniella.
Ngumiwi ako atsaka umiling "Ayoko, baka mapagkamalan pang sa'kin talaga galing 'to", sabi ko at nilayo pa yung bulaklak.
Narinig namin ang pag bukas ng pinto, napamura si Zedd at agad na binigay sa'kin yung bulaklak at tumakbo. Torpe pala 'to eh, problema niya naman sa'kin pa ipapasa.
Nakita kong lumabas si Daniella na busy sa cellphone, tumayo ako at lumapit sa kanya. Si Rowie nga 'di ko mabigyan ng bulaklak tapos 'to bibigyan ko kahit napag utusan lang ako? Pucha ba't ba kasi ako lumabas.
"Daniella", tinawag ko siya. Tumigil naman siya at tumingin sa'kin, napatingin din siya sa bulaklak na hawak ko. "Oh?" Nakatingin pa 'rin siya sa bulaklak.
Binigay ko sa kanya. Nag-tataka namang kinuha niya yung bulaklak atsaka tumingin sa'kin. "Hindi sa'kin galing 'yan, may nag-papabigay lang".
Napakunot-noo siya at tumingin sa'kin. Nagkibit-balikat na lang ako at pumasok na. Dapat pala sinabi ko nang si Zedd yung nagpapabigay nang matapos na. Tagal-tagal na nun na may gusto kay Daniella.
Dumeretso ako sa kwarto ko at hinanap yung cellphone ko. Binuksan ko 'yun at mga message ni Rowie ang bumungad sa'kin.
Pumunta siya dito? Pero bakit hindi ko siya nakita? Nag-message ako kay Rowie pero hindi siya nag-rereply, kahit seen man lang wala.
Baka may emergency sa kanila tapos busy pa siya kaya hindi na tumuloy?
Lumabas ako sa kwarto at tumambay sa sala dito sa second floor. Anong oras na, bakit hindi pa rin siya nag rereply? Kanina pa yung huling message ko, mag aalas sais na din.
Tiningnan ko ulit yung message niya at kung anong oras niya yung sinend. "Fuck", nakita niya ba yung. . . Pero hindi, baka busy lang talaga siya. Hindi imposibleng hindi niya nakita yung kanina.
Wala naman perong mali kasi hindi naman talaga sa'kin galing 'yun? Kaso. . . baka iba yung isipin niya? Nanatiling nakatitig ako sa cellphone ko nang dumaan si Jayzam na nag totoothbrush, "Nasan si Rowie?" Tanong niya.
Napakunot-noo ako habang nakatingin sa kanya. Anong ibig niyang sabihin? Talagang galing dito si Rowie? Tumawa naman siya, yuck tumalsik pa yung ilang bula. "Galing siya dito", sabi niya. "Nakita kayo ni Ria" oh fuck!
Dali-dali akong tumayo at tumakbo palabas. Pupunta ako sa kanila ngayon. Nag-message ulit ako sa kanya pero hindi niya pa rin talaga tinitingnan.
"Hayup ka talaga Jayzam, ngayon lang sinabi! Kanina pa kami mag-kasama dito", bulong ko sa sarili ko.
Nakarating na din ako kina Rowie matapos ang ilang minuto, nag-hinatay lang ako dito sa gate. May babaeng kumapit sa may gate "Ano po 'yun?"

BINABASA MO ANG
Take Me Back to the Start
Fiksi Penggemar[A Glimpse of You and Me, special extention] One week and we had each other. One week and then there was us. One week and there was second chances. "One week and we knew we loved each other" By: ArieshaChamiraDanica, 2019 ©Crazyeshaa, Ariesha Torres...