6.5 | Him

23 6 41
                                    

6.5 | Youth
#TMBTTSwp

Nagising ako sa ibang kwarto. Oo nga pala hindi nga pala ako nakauwi kagabi. Tatayo na sana ako nang makita ko si Rowie na nakapadapa na sa dibdib ko.

Kailangan ko na munang umuwi. Dahan-dahan kong inayos yung higa ni Rowie at tumayo 'saka pumunta sa banyo para mag-palit.

Dadalhin ko na muna 'tong pajama sa Trace, lalabhan ko na lang. Lumabas ako sa banyo at nakita kong gising na siya "Goodmorning, Mahal", inaantok niya pang sabi habang kinukusot pa yung mata niya.

Ngumiti ako "Goodmorning", bati ko rin. "Uwi muna ako", paalam ko.

Tumango siya "Ingat", tumango na rin ako at lumabas. Tiningnan ko na muna siya bago ko isara yung pinto.

•••

Nang matuyo na yung pajama, nilagay ko 'yun sa backpack ko. Kinuha ko na yung cellphone ko at bumaba.

Pagbaba ko nakita kong abala din yung iba. "Pupunta ka sa beach? Pupunta din kami sa beach eh", sabi ni Red at nag sexy dance pa habang suot yung sunglasses niya.

"Muntanga lang", nakangiwing sabi ni Jayzam.

Nanliit ang mata kong tiningnan sila. Talagang mag bibeach o susundan niyo na naman kami? "Dun na lang kami sa wala kayo", sabi ko.

"Aju wow feeling celebrity, kailangan ng privacy?" Natatawang sabi ni Red. Bakit? Artista lang ba yung kailangan ng privacy?

Hindi ko na lang sila pinansin at lumabas na tsaka nag motor papunta kina Rowie.

•••

Nakarating na ako kina Rowie at pinagbuksan naman ako ni Dracey kanina. Umakyat na ako papunta sa kwarto ni Rowie. Kumatok ako sa pinto. "Pasok", rinig kong sabi niya. Hm, mukhang inaantok pa ah anong oras na.

Pumasok ako at nakita kong nakahiga pa siya pero iba na yung suot niya. "Inaantok ka pa?" Tanong ko at kinuha yung pajama mula sa bag ko at nilapag sa couch.

Nagulat ako nung bigla siyang tumayo "Gising na ako", sabi niya pero parang natigilan din siya. Oh ano? Nahilo ka? Bigla-bigla din kasing tumayo eh. Hanggang ngayon ba naman ang cute-cute niya pa rin.

Inayos niya na yung kama niya at pumasok sa banyo. "Nag almusal ka na ba?"tanong niya nang makalabas siya galing banyo. Tumango naman ako "Oo, nag-luto si Red", share ko lang naman.

Napatango naman siya at pumunta dun sa mini fridge niya at kumuha ng cup noodles at bumaba para siguro kumuha ng mainit na tubig. Bumalik din naman siya agad at umupo sa high chair at nag-simula ng kainin yun.

"Want some?" Tanong niya pero umiling ako. Hindi kasi ako mahilig sa noodles.

"Yan ba lagi mong breakfast?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya na kumakain na "Hindi, minsan lang".

Napatango na lang ako "Minsan ka nga lang pala kumain", sabi ko.

Napaseryoso naman siya "Lagi na akong kumakain ng almusal, dati lang naman 'yung minsan", paliwanag niya. "Talaga?"

Inubos niya yung pagkain at tiningnan ako 'saka tumango "Atsaka, aalis kasi tayo", sabi niya. Napataas na lang yung kaliwa kong kilay at tumango 'saka nagkibit-balikat "Okay".

Tumayo siya sa harap ko habang nakapamewang. Anong trip niya? Nag-tatakang tiningnan ko lang siya.

"Ano na tayo?"

Napatayo ako at nag-lakad na "May dala kang pamalit?" Tanong ko, baka kasi mamaya wala pala.

Napatango siya.

Take Me Back to the StartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon