CHAPTER 17

85 3 1
                                        

''Princess, Andy,'' dinig kong tawag sa akin ng kung sino man na nasa may ibaba ng bahay, hinayaan i slowly open my eyes nang marealized kong boses ng kapatid ko ang naririnig kong tumatawag sa akin, napabalikwas ako ng bangon nang maalala ko ang mga nangyari kagabi, nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nasa tabi ko padin si jake at mukhang mahimbing ang tulog nito habang nakayakap sa beywang ko ang mga braso nito

aalis na sana ako sa tabi nito upang ayusin ang sarili ko, nang biglang humigpit ang yayap nito at hapitin ako palapit dito, hindi kami dapat makita ni kuya sa ganitong ayos kaya i try my best na tanggalin ang mga braso nito ngunit tila walang itong pakialam. ''jake,'' gising ko dito ''si kuya nasa ibaba i had to go hindi tayo pwedeng makita ni kuya na magkasama sa kwarto.'' ngunit hindi ako nito pinansin, kaya naman itinulak ko ito na naging dahilan para tuluyan itong magising

''what the fuck!, bakit ba andy'' bulyaw nito na hindi ko pinansin, dinig ko padin ang ilang ulit na pagtawag ng kapatid ko sa pangalan ko, nakahinga ako ng maluwag ng bigla itong tumigil sa pagtawag marahil ay umalis na ito nang walang makuhang sagot, ibinalot ko ang sarili ko sa twalyang kinuha ko mula sa banyo nito at bubuksan kona sana ang pinto nang bigla iyong bumukas

isang gulat na gulat na mukha ng kapatid ko ang nakita ko, ni hindi ako agad nakapag salita nang magpalipat lipat ang tingin nito sa akin at kay jake na nagmamadaling isinuot ang boxer nito. ''Hayop ka!'' galit na sigaw ng kapatid ko sabay bigwas sa mukha ni jake na napaupo sa sahig na may dugo sa gilid ng pumutok nitong labi.

''Tarantado ka, bakit kapatid ko pa ha jake!'' pulang pula ang mukha ng kapatid ko, ''you bastard diba sinabi ko spare my sister sa katarantaduhan mo,'' akmang muling susuntukin nitong muli si jake ngunit agad kong naiharang ang katawan ko sa pagitan nila at niyakap ito.

''kuya please walang kasalanan si jake dito.'' pakiusap ko dito ngunit galit lang ako nitong tinignan bago ako nito hinablot mula dito ''wag kang makialam dito andy, papatayin ko ang hayop na yan'' sigaw nito sa akin, '' how could you do this jake, hindi ka namin itinuring na iba, parang kapatid na kita pero anong ginawa mo pinakialaman mo ang kapatid hayop ka!''

tumayo si jake at hinarap ang galit na galit na kuya ko, ''hindi ko pinilit ang kapatid mo, sya ang nagkusa na pumasok sa sitwasyong ito'' malamig na turan nito habang pinupunasan ang dugo sa mga labi nito

nagkusa'' naniningkit na ulit ng kapatid ko, ''eh talaga nga palang tarantado kang hayop ka, ke nagkusa o hindi kapatid ko ang pinag uusapan natin dito na ginalaw mo!' habang ako naman ay nakayakap lang sa kapatid ko upang pigilan ito sa pagsugod kay jake,

''let go off me andrea, at lulumpuhin ko ang gagong yan!'' pilit nitong inaalis ang yakap ko dito ayokong bumitaw dahil pag ginawa ko iyon panigurado pareho lang silang magkakasakitan and knowing my brother hindi ito umuurong sa isang laban kahit pa ikamatay nito, pareho silang maganda ang pangangatawan pero sa nakikita kong galit ng kapatid ko baka nga mapatay ito ang kaibigan

''kuya please, tama na.'' pakiusap ko dito habang umiiyak. tinignan nito ang mukha ko at bahagyang lumambot ito at pilit pinakalma ang sarili.

Maguusap tayo' mahinahon nang utos nito pero ni hindi ako kumilos, marahil ay nabasa nito ang nasa isip ko kaya niyakap ako nito pero alam kong nakatingin padin ito ng matalim kay jake,

''go now princess, i wont do anything to jake mag-uusap lang kami'' bago ako hinalikan sa noo, kaya kahit ayaw ko ay tumango ako at naglakad palabas ng kwarto,

Naligo ako at nagbihis nang masigurong presentable nako ay bumaba nako at naabutan kong nakaupo sa sofa si kuya habang si jake naman ay nakatayo paharap sa bintana, narinig ko ang mabigat na paghinga ng kapatid ko bago ito nagsalita, ''your going to marry each other.'' kalmadong sabi ni kuya pero parang bombang sumabog sa pandinig ko ang mga salitang iyon

''k-kuya, we dont have to ma-' hindi kopa natatapos ang sasabihin ko sana ng galit akong tinignan nito habang si jake ay tahimik lang na nakatayo sa isang tabi habang umiinom ng beer, ''you are going to marry him andrea and that's final!'' sa nangangalit nitong turan and i know pag ganitong nagbitiw ito ng salita he mean it.

''pero kuya'' pilit ko padin na tumutol dahil alam kong hindi gusto ni jake ang mga nangyayari, lalong lang itong magagalit sa akin at mukha ngang galit ito dahil sa lalim at tiim nitong tingin sa akin na ikinayuko na lang ng ulo ko ayokong makita ang galit nito lalo lang akong nasasaktan

''kung ayaw mong ikasal tayo thats fine with me'' malamig nitong turan bago inubos ang alak na nasa baso nito bago nagsalitang muli ''pero isipin mo ang pwedeng mangyari kapag nakarating sa mga magulang natin ang nangyari, do you think na matutuwa sila knowing na nahuli tayo ng kapatid mo in my room without nothing, sad to say kahit na ayaw ko wala din naman akong magagawa dahil paniguradong aatakihin sa puso si mommy pag nagkataon,''

mga salitang labis na tumarak sa aking puso, harap harapang sinabi nito na ayaw nito sa akin pero for the sake of his mom ay gagawin nito, pinilit kong itinago ang mga luhang kanina pa gustong tumulo i wont cry in front of him tama na ang mga insulto nito sa akin,. kahit na mahal ko ito ayoko namang ikulong ito sa isang relasyong alam kong walang patutunguhan.

inipon ko lahat ng tapang na natitira sakin bago ko sya tinignan sa mga mata, ''mukhang nakapag usap at nakapag desisyon na kayo, then ano pa nga ba ang laban ko,'' malamig kong turan iyon na lamang ang kaya kong gawin upang kahit pano ay may matira sa sarili ko

matapos ang pag uusap naming talo ay isinama nako ng kapatid ko pauwi, sa bahay na daw ulit ako habang inaayos ang lahat, kinagabihan ay nagpunta sina jake kasama ang mga parents nito para pag usapan ang kasal, none of us three told them about the real score kung bakit kami magpapakasal ni jake at mukhang nasabihan na ng kapatid ko ang mga magulang namin maging ang parents ni jake bago pa sila pumuna ng bahay

every one was happy pero alam kong sa pagitan namin ni jake ay hindi ganun, we act as if okay kami at talagang inlove sa isat isa, well on my part totoo namang in love ako kay jake, pero kung si jake ang pag uusapan alam naman nating he will never love me.

all was settled bago umuwi ang sina jake the wedding will be held next week , buti nalang at napaki-usapan kong simpleng civil wedding na lang ang gawin tatanggi pa sana ang mga ito pero si jake na ang sumalo at sinabing after a few months ay sa church wedding naman, he cant wait to marry me daw sabi pa nito kaya naman pumayag na ang mga matatanda.

hindi ko alam kung ano ang mga mangyayari pero isa lang ang sigurado ko tiyak balik na naman kami sa dati ni jake na walang pakialamanan and who knows baka worst pa sa dati ang mangyayari

YOU ARE MY LIFE (slow update)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon