CHAPTER NINE

6.2K 158 5
                                    

“WHAT did you do?! Bakit mo ‘to pinunit?” galit na tanong ni Eunick kay Yuan matapos nitong iabot sa kanya ang tsekeng ibinigay niya rito kahapon—na unfortunately ay pira-piraso na. Kasalukuyan silang nasa terrace ng bahay nila Tito Dondie. Kanina ay dumating ito at hiniling na makausap siya. Doon nga sila humantong.

Parang bale-wala naman dito ang galit niya. Nagkibit-balikat lang ito bago siya tiningnan.

“I told you. I already refused to take that. Hindi ‘yan ang kailangan ko,” cool na cool na sabi nito. Nag-init ang ulo niya. Hindi niya akalaing magagawa nitong pag-initin ang ulo niya ng ganoon. She was a level headed person. Hindi siya madaling magalit at ma-highblood. Kaya naman naiinis siya rito dahil tila bale-wala pa dito ang galit niya.

“At ano’ng kailangan mo?”

Tiningnan siya nito. “Hindi ano, sino,” anito. “At ikaw ‘yon, Eunick,” walang kaabog-abog na sabi nito.

Napaawang ang bibig niya. Sa ilang sandali rin ay hindi siya nakahuma. Pinakatitigan niya ito upang suriin kung nagbibiro lamang ito, pero nabigo siyang makita iyon dahil hindi kababakasan ng pagbibiro o pang-uuyam ang tinig at anyo nito. Hindi niya tuloy napigilang isipin na kung naiba-iba lang siguro ang sitwasyon nila at maririnig niya mula sa mga labi nito ang mga salitang ‘yon, marahil ay napuno na ng kaligayahan ang puso niya.

Shut up! lihim na saway niya sa sarili. Hindi iyon ang tamang oras para mangarap siya ng gising. Lalo pa na pinag-isipan pa niyang ibaon na sa limot ang mga nararamdaman niya rito. Magsasalita pa lang sana siya ng unahan siya nito.

“Iyon lang ang gusto kong ibayad mo para sa utang ng mga Lucero. Ang sarili mo,” seryoso pa ring sabi nito.

Muli ay maang na napatitig na lang siya rito.

“You know I can sue you,” aniya rito ng makabawi siya sa pagkamangha.

Tumaas ang isang sulok ng labi nito at tila nanghahamong tiningnan siya.

“Sure. Pero ako na ang nagsasabi sa ‘yo, magsasayang ka lang ng oras at pera kung gagawin mo ‘yan. May agreement na pinirmahan ang mga Lucero sa kompanya namin. At kasama na do’n ang pagpayag nila na puwede kong kunin ang anumang pag-aari nila bilang collateral para sa utang na hindi nila mababayaran. In their case, hindi na sapat ang halaga ng mga ari-arian nila para ipangbayad sa utang nila. Therefore, mas sila ang malalagay sa alanganin kapag dinala mo pa ito sa korte. Nangutang sila sa iba at ibinigay din nilang collateral ang mga collateral na una na nilang ibinigay sa amin. ”

Lihim na naiyukom niya ang kanyang kamay.

“Ano ngayon ang gusto mo? Gawin akong collateral? Patawa ka. Hindi ako gamit o property, Yuan. At ikaw na rin ang nagsabi na labas ako rito. I’m just an outsider, right?” hindi nagpapatalong sabi niya. Biglang sumagi sa isip niya si Arvie. Marahil, kung hindi lang malakas ang hinala niya na ginagawa nito iyon dahil nasaktan ito sa ginawa ni Arvie, dahil mahal nito ang kaibigan niya, iisipin niya na may kinalaman din sa utang ang dahilan ng pagpapakasal ng mga ito. Parang obsessed ito sa usaping “utang.”

Bumakas ang iritasyon sa anyo nito.

“Pero ikaw rin ang nagsabi na kapamilya na ang turing mo sa kanila, that’s why you wanted to be responsible for their debts,” tila inis na sabi nito.

She also saw a hint of frustration on his face. Bigla siyang nagduda. Bakit ba kung umakto ito ay parang desperado na itong mag-asawa?

Humalukipkip siya at pinakatitigan ito.

“What is it with you?” sa halip ay masusing tanong niya rito.

“What?” kunot-noong tanong nito.

You Belong With Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon