CHAPTER FIFTEEN

6.6K 146 2
                                    

HAPON na ng marating nila Eunick ang Blue Cave Resort. Sandali lang silang nagpahinga, pagkatapos ay nagyaya na si Yuan na mag-swimming.

Napakislot siya nang biglang may kumatok sa labas ng bathroom.

“Aren’t you done, Eunick?” tanong ni Yuan mula sa labas ng banyo.

“S-sandali na lang, malapit na,” aniya, pagkatapos ay muli niyang pinasadahan ng tingin ang itsura niya sa salamin doon. Suot na niya ang kulay itim na two piece bikini na kabibili lang niya. Isa lamang iyon sa mga pinamili niya bago sila magtungo doon ni Yuan. Wala siyang baon na swimsuit dahil hindi naman niya naisip na pupunta siya sa beach noong umuwi siya ng San Isidro.

Napabuga siya ng hangin pagkatapos niyang sipatin ang ayos niya. Parang hindi yata niya kayang lumabas ng banyo at maglakad sa harap ni Yuan na ganoon lamang ang suot. Nako-conscious siya. Pakiramdam niya ay napaka-daring na niya dahil sa kakapirasong saplot na suot niya.

Okay lang ‘yan. Kasama ‘yan sa plano mo, ‘di ba? Siguradong ‘pag nakita ka ni Yuan, mag-iiba na ang tingin niya sa ‘yo, anang isang bahagi ng isip niya. Napabuga siya ng hangin. Hindi niya akalain na makakaisip siya ng ganoong stunt. Maglalabas na siya ng flesh para mapaibig si Yuan.

Tinuktukan niya ang sarili.

Para namang hindi pagpapaibig ang gagawin mo, kundi pang-aakit, anang matinong bahagi ng isip niya.

Napakislot siya ng may kumatok na naman sa labas ng banyo, kasunod niyon ay ang tinig ni Yuan, tinatanong siya kung matagal pa ba siya doon.

“Nandyan na!” sigaw niya. Pagkatapos ay hinablot niya ang puting see through tops na naka-hanger doon. Sapat na iyon para matakpan kahit paano ang balat niyang nakabilad sa swimsuit. Mabilis na isinuot niya iyon. Nagbago na ang isip niya. Hindi niya kayang magpaka-daring. Ipagpapatuloy na lang niya ang pagiging mabuti at maasikasong asawa kay Yuan. Tingin naman niya ay epektibo iyon. Sa loob ng ilang linggong pagiging mag-asawa nila ay napapansin niyang mas nagiging malapit sila sa isa’t isa. Napapansin din niya na nagiging extra sweet na rin ito sa kanya.

Huminga siya nang malalim, pagkatapos ay binuksan na niya ang pinto ng banyo.

“Ang tagal mo naman.” Napatalon siya sa pagkagulat ng marinig ang tinig na iyon ni Yuan mula sa gilid niya. Nakasandal ito sa pader at tila naiinip na tumingin sa kanya.

“Sorry. Ano kasi—” Nahinto siya sa pagsasalita ng unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha nito habang titig na titig sa kanya. Kitang-kita niya ang paghanga sa mga mata nito habang umaakyat-baba sa katawan at mukha niya ang tingin nito. Pakiramdam niya ay namula ang buong katawan niya. Gayunman, hindi rin niya napigilang suriin ang anyo nito. Pasimple rin niyang tiningnan ang katawan nito. Napalunok siya. Nakasuot lamang ito ng beach short na hanggang tuhod nito. Litaw na litaw na naman sa paningin niya ang perpektong abs nito.

Tumikhim ito. Noon lamang niya na-realize na napatagal na naman pala ang pagtingin niya sa katawan nito. Nag-init ang pisngi niya ng magsalubong ang mga mata nila. May panunudyo na naman sa mga mata nito. Agad siyang nag-iwas ng tingin.

“Let’s go?” yaya na niya rito. Pagkatapos ay nauna na siya palabas ng pinto ng cottage. Nasa pinto na siya ng maramdaman niya ang pagpulupot ng braso ni Yuan sa may baywang niya. Gulat na tiningnan niya ito.

Nginitian siya nito. “Relax. I just want to mark my territory. Mahirap na, baka biglang may magkainteres sa ‘yo paglabas natin dito,” sabi nito, pagkatapos ay pilyong kinindatan siya.

“Eh, ano naman sa ‘yo?” nanunubok na tanong niya. Pinigilan niya ang pusong kiligin agad.

Kumunot ang noo nito. “You’re my wife. Of course I will not allow anyone to come near you. Akin ka lang dapat.”

You Belong With Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon