CHAPTER FOURTEEN

6.2K 141 1
                                    

PARANG may kung anong sumipa sa puso ni Yuan ng magsimula ng kumanta si Eunick. Hindi rin niya magawang alisin ang mga mata dito habang kumakanta ito. She was very lovely. Sa bawat paglipas ng araw ay lalo itong gumaganda sa paningin niya. Bagay na bagay rin sa ganda nito ang ganda ng boses nito. He suddenly felt proud to be her husband. Ang totoo, wala siyang hilig sa musika. Pero magmula ng marinig niya ang boses ni Eunick noon sa simbahan—noong nagre-rehearse sila para sa kasal nila ni Arvie—ay naging instant fan na siya nito. He liked her voice, no, actually, he loved it. In fact, pagkatapos niyang marinig ang boses nito noon ay lihim na siyang nangolekta ng mga album nito. Though, he wasn't able to remember all the title of her songs. Kaya kahit halos kumpleto niya ang albums nito, wala naman siyang alam kahit isang kanta doon. That was why he suddenly felt excited when Attorney Madrigal asked her to sing for his wife. Na-excite siyang marinig ulit ang boses nito. And now that he heard her voice again, he was moved. And then he felt that weird feeling again. Something like.. nostalgia. Parang may kung ano’ng alaala na naman ang gustong kumawala sa isip niya habang naririnig niya ang boses nito. Pumikit siya upang hagilapin sa isip niya kung ano iyon, pero nanakit na lang ang ulo niya ay hindi pa rin niya maalala kung ano ba iyon.

Nagmulat siya. Awtomatikong tumingin siya kay Eunick. Napangiti siya ng magtama ang mga mata nila. Tila may malamig na kamay na humaplos sa puso niya ng kantahin na nito ang chorus ng kinakanta nito. Parang nanunuot sa puso niya ang bawat liriko ng kanta. Kung tingnan siya nito ay para talagang iniaalay nito iyon para sa kanya. She was looking at him as if she was deeply in love with him. Alam niyang parte iyon ng pag-arte nito, pero hindi niya alam kung bakit, pero nagugustuhan niya ang nakikita niyang iyon sa mga mata nito. He liked the thought of her being in love with him.

“Dahil mahal… mahal na mahal kita. Hindi ako matatakot, mahihiya, ano man ang sabihin nila. Dahil mahal kita.. Dahil mahal... mahal na mahal kita. Gagawin ko ang lahat pangako mo lang di ako iiwan. Dahil mahal... mahal na mahal kita...”

Parang may kung anong bumikig sa lalamunan ni Yuan nang marinig ng paulit-ulit ang liriko ng kantang iyon. Tila napuno ng kakaibang saya ang puso niya habang nakikipagtitigan siya kay Eunick at sinasambit nito ng paulit-ulit ang mga salitang “mahal na mahal kita.” He felt the strong urge to say those words to her also.

Lihim siyang napakunot-noo. Bakit naman niya gugustuhing sabihin iyon dito? Mahal na ba niya ito? Napadiretso siya ng tayo ng tumimo sa isip niya ang sagot sa tanong niyang iyon.

Could it be? parang sira-ulong tanong niya sa sarili. Pagkatapos ay napatitig siya kay Eunick na tila dito niya nais humugot ng sagot. Parang may kung anong sumipa sa puso niya ng ngitian siya nito ng matamis. Napalunok siya.

“WALA na siya, puwede mo ng tanggalin ‘yang braso mo sa balikat ko,” nangingiting sabi ni Eunick kay Yuan nang mapansin niyang hindi pa rin nito inaalis ang pagkakasukbit ng braso nito sa balikat niya. Kanina pa nakalayo ang kotse ni Attorney Madrigal, pero naroon pa rin sila sa front porch at nakatanaw sa kawalan.

“Mamaya na, baka bumalik, eh,” nakangising sabi nito, sabay kindat sa kanya.

Nag-iinit ang mga pisngi na marahang siniko niya ito.

“Hmm. Nananantsing ka lang yata, eh,” natatawang biro niya rito.

Tumawa lang ito pero hindi naman nag-abalang alisin ang braso sa balikat niya. She suddenly got curious. Kanina ay naiintindihan niya ang pagiging extra sweet nito sa kanya dahil kay Attorney Madrigal. Napag-usapan nila iyon. Pero kanina pa niya napapansin na parang “OA” rin naman ang acting nito. Kulang na lang ay ibuhol siya nito sa katawan nito kanina. Palagi itong nakadikit sa kanya. Panay rin ang yakap at halik nito—nakatingin man o hindi si Attorney. Ngayon naman ay parang ayaw pa nitong tumigil sa pag-“acting.” Mukhang nasisiyahan na yata ito. Kapansin-pansin din ang madalas na pagngiti at pagtawa nito. She knew he was a little bit playful. Nalaman niya ang side nitong iyon ng maging magkaibigan sila. Pero ngayon lamang niya ito nakitang ganoon. He seemed different. Parang lagi nitong gustong tumawa. He looked so happy. She wonder why.

You Belong With Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon