CHAPTER EIGHTEEN

6.6K 143 7
                                    

ILANG linggo rin ang itinagal ng balita tungkol kay Eunick. Nagkaroon na rin ng iba’t ibang version iyon. Gayunman ay hinayaan na lang niya iyon. Alam naman niyang mamatay rin ang balita. Hindi siya nagpaunlak ng kahit isang interview. Nagsalita na si Marky on her behalf kaya alam niyang hindi magtatagal ay tuluyan na ring mamamatay ang balita tungkol sa kanya. Hindi nito sinabi ang totoo, pero hindi naman ito nagkaila. Sa halip, pinakiusapan na lang nito ang media na tantanan na sila. Siya ang humiling niyon dahil gusto niyang protektahan si Yuan mula sa mata ng media. Pinilit niyang mamuhay ulit ng pribado sa hacienda kasama si Yuan. Mabuti na lamang at walang reporter ang naglalakas-loob na sugurin siya sa hacienda.

Nagdagdag din si Yuan ng tauhan sa gate ng Hacienda Sebastian para magbantay.

Napatingin siya kay Yuan ng pabagsak na umupo ito sa tabi niya. Kagagaling lamang nito sa mango farm. Ibinaba niya ang kutsilyong ginagamit sa paghihiwa ng kamote na siyang sahog sa niluluto nilang ginataang bilo-bilo. Merienda iyon para sa mga tauhan sa farm. Hinayaan na niyang sina Manang Remy at dalawa pang katulong doon ang magpatuloy niyon para maharap niya ang asawa.

Naghugas siya ng kamay, pagkatapos ay nilapitan niya ito. Awtomatikong niyakap at hinagkan siya nito.

“Tired?” masuyong tanong ni Eunick kay Yuan, habang hinahaplos ang pisngi nito. Nitong nagdaang araw ay naging sobrang abala ito sa pag-aayos ng problema sa mango farm. Ilan daw kasi sa mga kliyente nito—na siyang sinu-supply-an ng mga ito ng mga mangga—ay nag-backout. Hindi nito sinabi sa kanya ang dahilan pero kanina ay nalaman din niya mula kay Manang Remy. At labis siyang nalungkot at na-guilty doon.

Tipid na ngumiti ito. “I’m fine,” tila nahahapong sabi nito.

Napabuga siya ng hangin. She knew he was not fine. Kumalas siya mula sa pagkakayakap nito, pagkatapos ay hinila niya ito palabas ng kusina. Dinala niya ito sa veranda.

“Luluwas ako sa Maynila bukas. Magpapa-presscon ako para sagutin ang mga balita tungkol sa atin,” aniya. Hindi niya kayang manahimik na lang kung pati si Yuanat negosyo nito ay nadadamay dahil sa malisyosong balitang pinapakalat ng mga taong walang magawa. Nagsisisi din siya dahil hindi niya sinagot agad ang issue noon. Hindi na sana humantong sa ganoon ang lahat.

Marahas na bumuga ito ng hangin. Pagkatapos ay pinihit siya nito palapit dito.

“No. Kung pupunta ka doon, sasamahan kita. Haharapin natin sila ng magkasama, okay?” masuyong sabi nito.

Napuno ng pagtutol ang puso niya.

“Hindi puwede. Hindi ka naman sanay humarap sa camera, eh.”

Ngumiti ito. “Right, but I don’t care. You need me there. So, I'll be going with you. Besides, ako ang mister mo. Ako lang ang magpapatunay na hindi kita mistress,” anito.

Napahinga siya nang malalim. Umahon na naman ang galit sa puso niya nang marinig ang sinabi ni Yuan. Yes, she was maliciously tagged as Yuan’s mistress. Isa iyon sa maraming version na nabuo mula sa balitang kumalat tungkol sa kanila. At siyang labis na nakaapekto sa kanila at ngayon, sa negosyo ni Yuan.

Hindi alam ni Eunick kung sinong sira-ulong reporter ang nagpakalat niyon, pero sisiguruhin niya na malalagot ito sa kanya. Idedemanda niya talaga ito. The news was exaggerated and maliscious. Ayon doon ay hindi naman daw siya ang totoong pinakasalan ni Yuan, kundi ang isang babaeng nagngangalang Arvie Lucero. Marahil ay hindi alam ng reporter—o marahil, alam nito at sinadya lang talaga nitong ibahin ang kuwento para siraan siya—na hindi natuloy ang kasal nina Yuan at Arvie noon. Kaya binigyan nito ng ibang version ang balita, sa halip na asawa ay binansagan siya nitong kabit ni Yuan. Ngayon ay iyon na ang pinag-uusapan ng mga tao. Pero hanggang ngayon na lamang iyon. Bukas ay magsasalita na siya.

You Belong With Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon