CHAPTER EIGHT

6.2K 138 1
                                    

ILANG sandali nang nakalabas si Eunick ng library pero hindi pa rin maalis-alis ni Yuan ang tingin sa pintong pinaglabasan nito. He was still shocked. Hindi lamang sa hantarang panre-reject nito kundi higit sa mga nangyari bago pa man niya itong utusang pakasalan siya.

Ang totoo, hindi niya alam kung anong nagtulak sa kanya para sabihin iyon dito. But after that kiss, after he felt Eunick’s amazingly and surprisingly sweet lips, bigla na lamang niyang naibulalas ang mga salitang iyon. The taste of her lips really surprised him. It was… heaven. But the effect of the kiss they shared surprised him all the more. He was supposed to give her a punishing kiss, para gantihan ito sa pang-iinsulto nito sa kanya. Pero hindi niya napaghandaan ang magiging epekto sa kanya ng paghalik niya rito. It was.. it felt like.. Ah, he didn’t know how to describe those feelings that he felt. Basta ang alam lang niya, nagustuhan niya ang paghalik dito.

So, from the supposedly-punishing-kiss, he unintentionally kissed her passionately. Kung hindi pa nga sa paglitaw ni Stefan ay hindi pa siya titigil sa paghalik dito. He thought he could kiss Eunick forever. When he tasted her lips, he suddenly became aware that it was ages since  he last kissed a woman. Iyon ay noong nagrebelde siya sa mga magulang niya at pinili niyang mag-aral sa Manila sa kolehiyo at manirahan doon sa kabila ng labis-labis na pagtutol ng kanyang papa.

His father wanted him to study abroad, pero dahil sa kagustuhan niyang magrebelde dito ay ginawa niya ang mga ayaw nito. When he was in Manila, he got involved with different women. He never had a serious relationship though. Hanggang sa magsawa siya sa pambababae at pagrerebelde sa mga magulang niya dahil mukhang hindi naman aware ang mga ito na nagrerebelde siya.

His parents were too busy to take notice of him or to what he was doing. Ang ina niya ay madalas na abala noon sa pagpunta-punta sa kung saan-saang lugar at party—na noon ay inakala niyang para makipagsosyalan, iyon pala ay para lamang makipagkita sa kalaguyo nito. Nalaman lamang nila na hindi pala ito sa party madalas pumunta tuwing umaalis ito noong maaksidente ang kotseng sinasakyan nito—na siya ring ikinamatay nito—at may kasama itong ibang lalaki.

Ang kanyang ama naman ay abala palagi sa negosyo nito. They were not aware of his rebellious act. That made him realize that he was just a fool. Nagsasayang lang siya ng oras at sinisira lang niya ang buhay niya. Wala rin naman nangyayari sa pagrerebelde niya. Wala namang epekto sa mga magulang niya ang mga pinaggagawa niya. Ni hindi nga siya masyadong pinilit ng papa niya na sundin ito sa nais nitong mag-aral siya sa ibang bansa. Nagalit lang ito sa kanya pero hinayaan din siya nito na mag-aral sa Maynila. Pero alam niyang hindi iyon dahil sinusuportahan siya nito sa gusto niya.

Hindi lang nito gustong magsayang ng oras at laway para pilitin at pagalitan siya. At dahil hindi naman aware ang mga ito sa pagrerebelde niya at nagsasawa na rin naman siya sa pagiging KSP, he chose to go back to their hometown. Bumalik siya sa hacienda pagka-graduate niya ng college. Hiniling niya sa kanyang ama na siya na lang ang mamahala sa hacienda dahil bata pa lamang siya ay talagang malaki na ang pagpapahalaga niya roon. Kaya nga nag-aral siya ng Agriculture para sa Hacienda at sa ikauunlad niyon. Agad naman itong pumayag. Magmula noon ay doon na niya iginugol ang kanyang oras at panahon. Halos buong buhay niya ay doon na umiikot. Wala na siyang panahon para sa ibang bagay tulad ng pambababae. Kaya marahil ganoon na lamang ang reaksiyon niya ng mahalikan niya si Eunick. When he kissed her, he felt like it was his first time to kiss a woman. Gayunpaman, kahit anong pangungumbinsi niya sa kanyang sarili, hindi pa rin niya maintindihan kung saan nanggaling ang kakaibang sensasyong nararamdaman niya ngayon habang naalala ang halik nito. At maging ang tila panghihinayang niya dahil wala na ito sa harap niya at hindi na ulit ito magagawang hagkan. These feelings were new to him.

“Pare.”

Napakurap-kurap siya ng marinig ang pamilyar na tinig na iyon ni Stefan. Noon lamang niya napansin na bumukas na pala ang pintong tinitingnan niya at nakasungaw na roon ang ulo ng kaibigan niya.

You Belong With Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon