CHAPTER TWELVE

6.3K 160 2
                                    

NATIGIL sa pagtutuyo ng buhok si Yuan ng makita niyang maayos na nakalatag ang isang plantsadong long-sleeved polo niya at itim na slacks sa ibabaw ng kama. Sa ibaba ay maayos ding nakalagay ang leather shoes niya. Isinampay niya ang tuwalya sa balikat at nilapitan ang mga nakahanda niyang damit. Napakunot-noo siya ng makita ang isang maliit na note sa ibabaw niyon. Kinuha niya iyon.

Good morning! I’m preparing your breakfast, para makakain ka muna bago ka pumasok sa office. I’ll see you in the kitchen.

PS: Your coat is in your closet together with your socks. Sabi ni Manang hindi ka daw mahilig mag-coat at mag-medyas. But just in case you changed your mind, nandoon lang ang mga ‘yon.

Eunick

Napangiti siya pagkatapos basahin ang note. Totoong hindi siya mahilig mag-coat at mag-medyas dahil naiinitan siya. But out of curiosity, nilapitan niya ang closet at binuksan iyon. Namangha siya ng bumulaga sa kanya ang maayos na hitsura ng closet niya. Tingin niya ay mas naging maaliwalas ang ayos niyon ngayon kumpara sa ayos niyon noon. Maayos na naka-hanger ang mga coat niya. Naka-arrange ang mga iyon base sa kulay. Binuksan niya ang drawer sa may ibabang bahagi ng closet. Doon ay maayos na nakapatas ang mga medyas niya na hindi niya madalas gamitin.

Hindi niya alam kung paano naayos ni Eunick ng ganoon kabilis ang mga gamit niya. Kanina lang ito pumasok ng kuwarto niya—nang personal nitong hinatid ang mga damit niyang nilabhan ng isa sa mga katulong—ay nagawa na nitong ayusin ang magulo niyang closet. Naligo lang siya ay na-magic na nito ang damitan niya. He was impressed.

Isinara niya ulit iyon. Pagkatapos ay nangingiting binalikan niya ang mga damit na inihanda ni Eunick para sa kanya. Habang nagbibihis ay hindi mapalis-palis ang ngiti sa labi niya. Natutuwa siya sa mga ginagawa ni Eunick, especially, sa pag-aasikaso nito sa kanya. Alam niyang hindi na iyon sakop ng kasunduan nila nang magpasya silang maging magkaibigan at magtulungan para mag-work ang marriage nila. But he was still grateful to her. Ni minsan ay hindi niya naranasan ang ma-pamper ng ganoon. Hindi niya alam ang pakiramdam ng maalagaan at maasikaso. Pero ngayon, alam na niya. Ang sarap pala sa pakiramdam. He never thought that being married could be this wonderful. And exciting. Marami ang nagbago ng maikasal siya kay Eunick, pero lahat na iyon ay nagugustuhan niya. Mabilis siyang nagbihis, pagkatapos ay bumaba na siya para tunguhin ang kumedor. Isa pa iyon sa mga nae-enjoy niyang naging pagbabago sa buhay niya—ang magkaroon ng kasabay sa hapag araw-araw. 

“SIGURADO ka na ba talaga diyan, Eunick? Alam mong hindi ganoon kadali ang bumalik sa showbiz once na umalis ka. Mahihirapan ka ng maibalik ulit ang dating giliw sa ‘yo ng mga tao kapag nasanay na sila na hindi ka nakikita at napapanood,” tila nananakot na sabi sa kanya ni Marky.

Napabuga ng hangin si Eunick. Inilipat niya sa kabilang tainga ang cellphone habang nag-iisip ng isasagot dito. Somehow, naiintindihan niya si Marky kung bakit parang gusto siya nitong takutin. Malaki rin kasi ang magiging apekto sa career nito ang desisyon niyang iwan ang limelight. Bilang talent nito, isa siya sa mga nag-aangkat ng malaking kita dito. Pero buo na ang desisyon niya. Matagal na rin siya sa show business at naranasan na niya ang mga puwedeng maranasan ng isang magaling at propesyonal na singer. Panahon na para personal na buhay naman niya ang pagtuunan niya ng pansin.

“Alam ko naman ‘yon, Marky. Pero sigurado na talaga ako sa desisyon ko. Alam mo naman na matagal ko na rin pinag-iisipan ang tungkol dito, ‘di ba? Matagal ko na rin naisip ang mga magiging consequences nito. And I’m willing to face all those consequences. Lalo na ngayon.” Kasama ko na si Yuan at close na kami.

Narinig niya ang pagbuga nito ng hangin sa kabilang linya, tanda na sumusuko na ito sa pamimigil sa kanya. Lihim siyang nakahinga ng maluwang. Gayunpaman ay hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng guilt. Pakiramdam kasi niya ay iiwan niya ito sa ere.

You Belong With Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon