CHAPTER THREE

6.6K 144 2
                                    

“ARE YOU sure about this, pare?”

Mula sa pagtanaw sa malawak na lupain ng Hacienda Sebastian ay lumipat ang tingin ni Yuan sa kanyang kababata at matalik na kaibigang si Stefan. Prenteng nakaupo ito sa isang couch sa gilid ng verandah. Lumuwas pa ito mula sa Maynila para lamang tanungin siya nito ng ganoon. Nahimigan niya ang pagdududa sa tinig nito—na agad naman niyang naunawaan kung para saan.

Mga bata pa lamang sila ay kilala na siya nito. Anak ito ng matalik na kaibigan ng kanyang yumaong ama na nakatira sa kabilang Hacienda—Ang Hacienda Del Carmen. He was his best friend. Kaya naman hindi niya ito masisisi kung mag-usisa man ito tungkol sa pinakamalaking desisyon na gagawin niya sa tanang buhay niya.

Huminga siya ng malalim bago niya sinagot ang tanong nito. “Yes. I’m sure about this,” matatag na sabi niya, kahit taliwas iyon sa totoo niyang nararamdaman. But he knew he didn’t have any choice. Kaya kahit taliwas sa totoong nararamdaman niya ang kanyang gagawin ay wala siyang magagawa. Iyon na yata ang kapalaran niya. At tanggap na niya iyon.

Matamang tiningnan siya nito. “You knew it wouldn’t change anything. Matagal ng wala ang mga magulang mo. So, I think it would be useless, I mean, ang magpakasal sa babaeng hindi mo naman lubusang kilala para lamang sundin ang huling demand ng Papa mo. Why can’t you just let the girl and her family be free from their debts, and you get a life? Alam naman natin parehas na kahit hindi bayaran ng pamilya ng Arvie na ‘yon ang utang nila sa ‘yong ama ay hindi niyon maapektuhan ang kayamanan niyo. So, you don’t have to marry the girl in exchange of their debts,” himig nagsesermon na sabi nito. Iiling-iling na tiningnan niya ito. He must admit that he had a point there. Naisip na rin niya ang tungkol sa bagay na iyon. Pero tuwing naalala niya ang huling pag-uusap nila ng kanyang ama bago ito tuluyang pumanaw at pati na rin ang naging pag-uusap nila ng abogado nito, ay dagli rin niyang pinapalis ang ideyang iyon. Nakatali siya sa isang pangako at kasunduan.

Don Juanito Sebastian Sr. was known as a heartless and ruthless business tycoon in the country in his time. Marami itong negosyo at isa na roon ang Sebastian Lending Company. At dahil nga ‘ruthless’ at ‘heartless’ ito, wala itong patawad sa mga taong may pagkakautang dito. At nakakahiya man aminin, kahit sa huling hininga nito at iginugupo na ito ng sakit na lung cancer, ay puro ang mga taong may pagkakautang dito ang laman ng isip nito. He was that selfish and greedy. And unfortunately, he was his father.

Sa kasamaang-palad, dahil siya lang ang nag-iisang anak nito at siya na ring natitirang legal na tagapagmana nito dahil matagal na rin namayapa ang kanyang ina, ay siya ang inatasan nitong mamahala sa mga negosyo nito at maningil sa mga may pagkakautang dito. At isa na nga roon ang pamilya Lucero. Unfortunately, Lucero family’s net worth was not enough to pay all their debts. Maliit na lupain lang ang pagmamay-ari ng pamilya nito at wala pa sa kalahati ng utang ng mga ito ang mababayaran kung sakaling ibebenta ng mga ito iyon. Ang kinikita naman ng kaisa-isang anak ng mga ito sa pagmomodelo sa ibang bansa ay hindi rin sapat dahil may pagkamaluho iyon at marami rin sariling pinagkakagastusan dahil sa uri ng trabaho at lifestyle niyon. Sa madaling salita, isa ang pamilya Lucero sa mga taong walang kakayahang magbayad ng utang sa kompanya nila. At naaawa siya sa mga ito. Kaya nga in-extend niya ang due date ng supposedly date ng pagbabayad ng mga ito para hindi mabigatan ang mga ito.
Tinanggal na rin niya ang lahat ng interes sa utang ng mga ito para mabawasan ang laki ng utang ng mga ito sa kanilang kompanya. He also had given them time to pay their debts, pero noong nakaraang tatlong buwan ay nagkaroon ng dagok ang pamilya Lucero. Inilit ng bangkong pinagkakautangan ng mga ito ang maliit na lupain ng mga ito sa San Isidro. Tanging ang bahay na lamang ng mga ito at lupang kinatitirikan niyon ang pagmamay-ari ng mga ito. Lalo siyang naawa sa mga ito. But business was business, at nangako siya sa kanyang ama bago ito nawala na palalaguin at iingatan niya ang pinakamamahal nitong negosyo.
Yes, maybe it was his conscience who was speaking. Sa tagal niyang naging pasaway sa kanyang mga magulang noong nabubuhay pa ang mga ito ay ngayon lamang siya nagkaroon ng pagkakataon na makabawi sa mga ito. He made a promise to his father, and he didn’t want to break that promise. Kaya ng mag-propose ang padre de familia ng mga Lucero ng isang unusual proposition para makabayad sa utang ng mga ito ay pinakinggan niya ito. Gusto nitong ipakasal sa kanya ang nag-iisang anak ng mga ito. Si Arvie Lucero. When he heard Mr. Lucero’s proposition, he did not think twice to turn down his “offer”. Hindi siya ganoong kalupit na tao. At isa pa, wala pa siyang balak magpatali sa kahit kanino.
Hindi niya isasaalang-alang ang kalayaan niya para lamang sa isang utang na hindi mabayad-bayaran. Gayunpaman ay naiintindihan niya ang dahilan kung bakit nagawang mag-offer ni Mr. Lucero ng ganoong preposisyon. Gipit na ang mga ito. Kahit kasi alisin niya ang interes sa utang ng mga ito ay malaki pa rin ang babayarang utang ng mga ito sa kompanya nila. At isa pa, masakit man isipin, his father used to take that kind of “offer” when he was still alive—ang pagtanggap ng mga kakaibang proposisyon bilang kabayaran sa utang. And being the son of Juanito Sebastian Sr., maybe Mr. Lucero thought that he was just like his father. Ang akala siguro nito ay tatanggapin niya rin iyon. That was why he offered him that unusual proposition.

You Belong With Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon