KUNG AKO NA LANG SANA
"ELISE and WAYNE"
By;emmz
Chapter1
Kaygandang pagmasdan ang lalaking hinihintay sa may harap ng altar ang kanyang bride na nagmamartsa sa may aisle habang papalapit sa iyo na nakangiti ng buong tamis at pagsuyo......
Hindi maiwasan ni Wayne ang mainggit sa mga oras na iyon sa kanyang kuya Duane habang masayang inaantay sa harap ng altar ang kanyang mapapangasawa na si Margaux Samonte,..pangalawang asawa ng Kuya Duane samantalang siya ay wala pa....Ang babaeng itinatangi ng kanyang puso ay wla naman dahil may iba siyang mahal,..ibang tao ang nakaukupa sa kanyang puso at isipan, at kahit anung sakit ang kanyang nadarama ay baliwala lang dahil hindi naman niya kayang diktahan ang sinisigaw ng kanyang puso...
"Kailan din kaya ako ikakasal?,..sana dumating ang araw na iyon at sa babaeng pinakamamahal ko,..asan na kaya siya ngayon?......mga tanong sa isipan ni Wayne habang nakatingin sa malayo ng nasa resepsiyon na sila,.. ng may parang naispatan siyang pigura ng tao sa may di kalayuan na kilalang kilala niya kahit ang tayo lang niya,.minasdan niyang mabuti kung tama ang kanyang akala at nang makitang papaalis na sa lugar ang babae kung saan siya nagkukubli ay agad niyang hinabol at tinawag ang kanyang pangalan at laking pasasalamat niya ng tumigil ito sa pangalang binanggit ni Wayne....
"Elise!..Elise!....tawag ni Wayne sa babae at ng tumigil ito'y laking pasasalamat ni Wayne dahil tama ang kanyang hinuha.....
"Wayne!....tanging sambit ni Elise ng mapagsino ang tumatawag sa kanya dahil paalis na sana siya buhat kung saan siya nagkubli para mapanood ang kasal ni Duane ng may tumawag ng kanyang pangalan at si Wayne nga.....
"Ikaw nga Elise!..anong ginagawa mo dito?....tanong ni Wayne kay Elise ngunit sa isip niya ay alam na niya ang pakay ni Elise...
"Napakasaya niya Wayne,..hindi matatawaran ang sayang nadarama niya ngayong araw ng kanyang kasal,,...Talaga nga sigurong hindi ako ang babaeng para sa kanya at kahit masakit ay tatanggapin ko dahil iyon naman talaga ang katotohanan diba Wayne?....
"Tama ka Elise balang araw ay malilimot mo rin siya......sagot naman ni Wayne kay Elise ngunit ang kanyang puso ay nagdurugo sa mga sandaling iyon dahil sa nakikita niyang labis na sakit na nadarama ng babaeng lihim niyang minamahal....
"Sana darating ang araw na ikakasal din ako at makakatagpo ng lalaking magmamahal sa akin ng tapat at maghahatid sa harap ng altar at maging kasama ko sa pag buo ng mga pangarap kong nauwi sa kabiguan,.......maya maya pa'y hindi na napigilan ni Elise ang pagdaloy ng kanyag mga luha....
"Ssshhhh Tama na! lilipas din ang sakit na iyong nadarama sa ngayon at makakatagpo ka ng lalaking tunay na magmamahal saiyo at pupuno sa mga pangarap mo sa buhay at maghahatid sa iyo sa altar,..maniwala ka sa akin matatagpuan mo rin siya at hinding hindi kana luluha pa........wika ni Wayne kay Elise saka niyakap niya ito para mapalubag ang kalooban niya at isinandig naman niya ang kanyang ulo sa may dibdib ng binata saka umiyak ng umiyak hanggang gumaan ang ang dibdib niya.....
"Wayne salamat sa pagpapaalala mo sa akin dahil kahit papaano ay natanggap ko ang lahat kahit masakit ang mga sinabi mo noon ay narealised ko na tama ka nga,...siguro kung hindi mo ako sinermunan ay para parin akong tanga na haghahabol sa wala gayong alam ko naman na wala talaga siyang pagtingin sa akin ngunit pinagpipilitan ko lang ang sarili ko sa kanya.....Tama ka,...siguro nga ay may darating pang pag ibig para sa akin at kung mangyari man iyon sisiguraduhin kong magiging masaya na ako at matupad ko ang pangarap ko sa buhay.........ani Elise saka pinahid ang mga luha sa kanyang mga mata....
![](https://img.wattpad.com/cover/24592657-288-k739197.jpg)
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA..."WAYNE"..(completed)
RomanceAng kwentong ito ay hango sa kathang isip lamang kaya kung may pagkakatulad ang mga karakter sa ibang kwento ay hindi po sinasadya..... .....salamat po at enjoy reading... written by...emzalbino....