KUNG AKO NALANG SANA
"WAYNE & ELISE"
BY:EMMZ
CHAPTER 7....
WASHINGTON D.C......
Nakapasok sa trabaho si Elise sa tulong ni Thelma sa kompanyang pinapasukan nito kaya ganun nalang ang pasasalamat ni Elise sa kaibigan at kapitbahay dahil kahit papaano ay nalilibang niya ang sarili sa pagtatrabaho....
Ilang linggo na siya sa states ay hindi pa niya ipinapaalam sa kanyang mommy kung anong rason ng biglaan niyang pag alis sa Pilipinas basta ang sinabi nalang niya sa kanyang email ay nandun na siya sa Washington kaya naman sobrang nag aalala ang kanyang ina....kasalukuyang naghahanda si Elise sa pagpasok sa opisina ng biglang mag ring ang kanyang cellphone kaya agad niya itong sinagot dahil nakita niyang ang kanyang mommy ang caller...
"Hello mommy bakit po kayo napatawag eh ang mahal po ng over seas call!....nag aalalang wika ni Elise sa kanyang mommy..
"Anak wala akong pakialam kung mahal ang tawag diyan mula dito dahil mas importante ang malaman ko ang iyong kalagayan diyan!,..nag aalala akong masyado dahil sa biglaan mong pag alis mula sa boracay at ni hindi mo ma lang sinabi sa akin ang iyong dahilan para naman hindi ako magmukhang manghuhula dito at halos hindi na ako mapalagay dito sa kakaisip sayo kung ano ng nangyari sayo diyan!...nag aalalang wika ng mommy ni Elise sa kanya..
"Eh mommy sabi ko naman sa inyo sa email na ok lang po ako diba kaya wag na kayong mag alala because I can manage here but anyway thanks for your concern and I love you mommy,..and mommy don't worry so much for me please!,..sige na po mommy dahil baka wala na kayong load,..bye!...ani Elise saka pinatay ang kanyang cellphone lumarga ng papasok sa trabaho...
Halos isang buwan ng nakakalipas mula ng umalis sa pinas si Elise ng isang umaga ay parang kay bigat ng kanyang katawan at parang laging nangangasim ang kanyang sikmura na hindi niya maintindihan,..nagugutom siya pero parang ayaw naman niya ang pagkaing nasa hapag kainan at para bang laging mainit ang kanyang ulo na hindi niya malaman ang rason kung bakit....
"Hmp!...nakakainis ang computer na ito kung kailan nagmamadali saka naman nag eerror nakakabuwisit talaga!.....iritadong sabi ni Elise sa computer sa harapan nito...
"Friend ano ba at kaaway mo ang iyong computer ha ha ha!....ani Thelma ngunit nagtataka ito dahil nitong nakaraang mga araw ay napapansin niyang masyadong mainitin ang ulo ng kaibigan simpleng pagkakamali ay sinisimangutan na niya ito at minsan pa ay nasigawan niya ang isa sa mga impliyado ng aksidenteng naatrasan niya ito sa may lift dahil siksikan at hindi sinasadyang naatrasan si Elise....
"Eh kasi naman kung lailan ako nagmamadali pa nag eerror ang computer na ito nakaka hb na talaga!....gigil na wika ni Elise at ng muli na namang namali ito sa ginagawa ay tuluyan na niyang pinatay ang aparato at walang lingon likod na nilisan ang kanyang cubicle at tinungo ang toilet,..samantalang nailing nalang na sinundan ng tingin ni Thelma ang kaibigan dahil may pakiramdam siyang may milagrong nangyayari sa kaibigan sa ikinikilos nito...
"Sana hindi totoo ang kutob kong ito sayo Elise dahil may duda akong buntis ka!.....bulong ni Thelma sa papalayong kaibigan...
--------------------
Sa kabilang dako ay masyadong dinamdam ni Wayne ang ginawang pag alis ni Elise ng walang paalam matapos ang nangyari sa kanila kaya muli niyang itinuon ang kanyang atensiyon sa kanyang trabaho,...kahit nasa bahay ay trabaho parin ang inaatupag nito para maiwasan ang mag isip ng kung anu ano....
"Iho bakit ba mula ng dumating ka galing sa boracay ay naging tahimik kana at ni hindi mo pa tinapos ang dalawang linggong bakasyon mo,..ano ba talaga ang nangyari sa iyo dun at para bang naging misteryoso kana kayhirap arukin ang iyong iniisip...ani lolo Baste sa apong si Wayne habang abala ito sa kanyang ginagawang files...
![](https://img.wattpad.com/cover/24592657-288-k739197.jpg)
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA..."WAYNE"..(completed)
RomanceAng kwentong ito ay hango sa kathang isip lamang kaya kung may pagkakatulad ang mga karakter sa ibang kwento ay hindi po sinasadya..... .....salamat po at enjoy reading... written by...emzalbino....