KUNG AKO NALANG SANA
"WAYNE & ELISE"
BY:EMMZ
CHAPTER 16....
Pakiramdam ni Sofia ay namamalikmata lang siya dahil sa nakikita sa mismong harapan niya at halos hindi niya magawang magsalita dahil parang naumid ang dila nito pagkakita sa lalaking kasama ni Rayne...
"Ninang Sofia where is my mommy?...tanong ni Rayne kay Sofia sabay hila yugyog ng kamay nito na siyang nagpabalik ng kanyang pagkatulala..
"Ah eh andun hinahanap ka kasi kung saan ka nagpupunta ng walang paalam pinag alala mo kaming lahat lalo na ang mommy mo at lola mo!,...sagot ni Sofia saka sinulyapang muli ang lalaki na ngayon ay hinahaplos nito ang buhok ni Rayne...
"Ay mister thank you nga pala sa at nakita mo si Rayne kasi naman eh ang likot ng bata ito at hindi naming namalayang nakalayo na pala,..salamat uli!....ani Sofia sa lalaking kaharap na ngumiti naman ito...
"Your welcome miss!,..actually ay nabangga ko siya dahil hahabulin ko sana ang aking mga pamangkin ng bigla nalang na dumaan sa daraanan ko kaya't nadapa siya pero hindi naman nagalusan,..ang daldal niya kung anu ano ang tinatanong niya sa akin!,...natatawang wika ni Wayne saka ginulo gulo ang buhok ni Rayne...
"Ay naku mister kung alam mo lang ang daldal talaga niyan minsan nga nauubusan na kami ng isasagot sa kanya dahil sa kabibohan niya!,..by the way im Sofia and you are?......pakilala ni Sofia at saka tinanong nito ang pangalan ng lalaki..
"Im Wayne,..Wayne Miller!,..nakangiting sagot ni Wayne kay Sofia sabay lahad ng kamay nito na tinanggap naman ni Sofia kahit na nanlalaki ang kanyang mga mata sa narinig..
"Wayne Miller!,...hindi makapaniwalang bulalas ni Sofia sa pagkagulat at parang napagkit pa sa kanyang tainga ang panagalang binigkas ng lalaki...
"Oh my God!,..kapareho ng pangalan ng lalaking nakabuntis kay Elise at kamukhang kamukha pa niya si Rayne so ibig sabihin ay nagkita na ang mag ama!,..sigaw ng isip ni Sofia na hindi makapaniwala...
"If you don't mind pwede ko bang malaman ang pangalan ng mommy ni Rayne?....tanong ni Wayne kay Sofia na halos ikasamid ng dalaga...
"Huh! Ah eh!....hindi makasagot si Sofia kung ano ang sasabihin nito sa lalaki ng...
KRIINNGGG....KRRIIINNNNGGGG......Biglang tumunog ang cellphone ni Wayne at ng sinagot nito at bahagyang tumalikod kunti ay sinamantala ni Sofia na tumalilis na karga karga niya si Rayne...
Matapos makipag usap ni Wayne kay Eunice dahil tinatanong nito kung nasaan siya at sinabi naman niyang kasama niya ang kanyang pamilya ay hindi na niya hinabaan pa ang pakikipag usap kay Wayne,..Muli sana niyang tatanungin ang pangalan ng ina ng batang si Rayne ng makitang wala na ang mga ito sa kanyang harapan at ng tingnan na niya ang paligid ay wala parin kaya't nilibot niya ang paligid hanggang mapadako siya malapit sa may scalator,..tumingala doon ngunit wala siyang Makita at ng matuon ang kanyang paningin sa may papasarang lift na pababa ay nanlaki ang kanyang mga mata dahil kahit naka side view ay alam niyang si Elise yun at karga karga niya ang batang kausap niya kanina lang na Rayne ang pangalan,....
"Elisseee!!!,...sigaw ni Wayne ngunit nakasara na ang lift at dahil mag aantay pa siya ng pagbaba ng kakaakyat lang na lift ay ipinasya niyang mag scalator ngunit dahil sa dami ng tao ay hindi siya makadaan at kailangan pa niyang makipagsiksikan at nanlulumo siyang napaupo sa may entrance ng mall ng hindi niya naabutan ang taong hinahabol niya...
"Oh my God!,..his my son!,..no wonder na magkamukha kami at pareho pa ang tunog ng pangalan namin,..Oh Elise bakit?..bakit mo inilihim sa akin na nagbunga ang nangyari sa atin noon,..bakit hindi mo sinabi sa akin,..i should know it dahil ako ang ama ng batang iyan!....parang baliw na kausap ni Wayne ang sarili na sapo ng dalawang kamay nito ang kanyang mukha....
Nagtataka si Elise dahil pagdating ni Sofia ay parang namumutla at balisa saka biglang hinila ang mga ito papasok papunta sa may lift at sinabing uuwi na daw sila at ng tanungin niya'y hindi naman ito umiimik at ng makarating na sila ng bahay kasama ang mommy niya at ang dalawa niyang kaibigan pati ang anak nitong nakatulog na sa pagod at dahan dahan niyang inilapag sa kama nito saka maingat na isinara ang pinto saka nito pinuntahan ang kaibigan sa sala na parang hindi mapakali...
"Hoy alam mo Sofia kanina pa ako natuturete sayo para alam mo huh!,...pagdating mong kasama si Rayne ay para kang nababad sa suka sa putla mo at ura urada mo kaming hinatak papauwi at ayaw mo namang magsalita,..ano ba ang nagyayari saiyo mars at para kang tinuklaw ng ahas diyan?...sermon ni Elise kay Sofia saka naupo sa sofa na sadyang inunat pa ang mga braso dahil nangalay sa pagkarga nito sa anak...
"Nakita ko si Rayne sa may malapit sa clown na nakamaskcoat ng barney at kasama niya ang isang lalaki at magkayakap sila!,...ani Sofia na huminga pa ng malalim para ituloy ang kanyang pagsasalaysay..
"Then who's that guy?....muling tanong ni Elise na sinidihan ang tv para manuod...
"Nang humarap ang lalaki sa akin ay para akong natuka ng ahas sa hitsura niya,..pero bago ko tinanong ang kanyang pangalan ay sinabi niyang nabangga daw niya si Rayne ng habulin niya ang kanyang mga pamangkin at ng tanungin ko ang kanyang pangalan dahil nagdududa ako sa kanyang hitsura ay doon ko lang nasiguro na tama ang kutob ko!....muling sabi ni Sofia..
"Kutob mo na ano?....muling tanong ni Elise ngunit nakikinig lang ang mommy nito at si Stelle..
"He is Wayne Miller!,..tanging sabi ni Sofia na halos bumasag ng eardrum ni Elise..
'Whaaatt!!....halos pasigaw na bulalas ni Elise....
ITUTULOY!!!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/24592657-288-k739197.jpg)
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA..."WAYNE"..(completed)
RomanceAng kwentong ito ay hango sa kathang isip lamang kaya kung may pagkakatulad ang mga karakter sa ibang kwento ay hindi po sinasadya..... .....salamat po at enjoy reading... written by...emzalbino....