KUNG AKO NALANG SANA
"WAYNE & ELISE
BY:EMMZ
CHAPTER 13....
Nagmamadaling lumabas ng opisina ng CEO si Elise dahil kailangan na niyang umuwi dahil may dadaan pa siya para bumili ng cake para sa kanyang anak at habang hinihintay niya ang papaakyat na lift ay....
"Oy Elise halika may ipapakita ako saiyo tiyak na magugustuhan mo ito!......wika ni Edna kay Elise...
"Naku Edna saka nalang kasi naman nagmamadali ako at kailangan ko ng umuwi dahil may dadaanan pa ako!....ani Elise sa kaibigan...
"Eh sandali lang naman eh sige na para para naman may mapagbintahan naman ako total bagong sahod ka naman!....nakalabing wika ni Edna..
"Eh ano ba iyan nagmamadali ako eh ayan oh nasa 10th floor na yung lift saka sa susunod mo nalang ipakita!.....wika ni Elise ngunit sadyang makulit si Edna at hinila si Elise patungo sa kanyang opisina at walang nagawa si Elise kundi sumunod dahil sa kakulitan ng babaeng iyon at ng makarating sila sa loob ng opisina ni Edna na hindi naman kalayuan sa may lift ay narinig pa ni Elise ang paghinto nito....
"Hay naku tingnan mong babae ka hayun at natakasan na ako ng lift na hinihintay ko!,..ano ba kasi ang mga iyan?.....nakakunot noong tanong ni Elise sabay bukas ng mga nasa loob ng isang bag...
"Mga paninda ko ganda kasi nagtitinda ako ng mga pabango at mga branded bra at lalo na ang mga sexy undies o hayan pili kana!....saka inilabas ng lahat ni Edna ang mga paninda ngunit pawing walang nagustuhan si Elise kaya't...
"Hmm alam mo friend sa totoo lang wala akong nagustuhan sa mga paninda mo kasi naman pang matanda eh!,..pero kukunin ko nalang itong catalog mo at ipapakita ko sa mommy ko at kung may magustuhan eh di sasabihin ko saiyo!...saka kinuha ni Elise ang catalog,..
"Ay mabuti pa nga sige friend ah pasensiya na at thank you sa abala!....masayang wika ni Edna kay Elise..
"Eh paano naman kaya ako makatanggi kahit na anong pagmamadali ko kung nangunyapit ka nama sa magkabilang braso ko at hilahin ako ng malahita mong braso ha ha ha!...sabay biro ni Elise na ikinatawa ng dalawa at saka tuluyan ng tinalunton ni Elise ang papunta sa may pasilyo at buti nalang dahil pagdating sa may harap ng lift ay agad na bumukas ito galing sa taas ng gusali...
"Hmm kung hindi sana sa babaeng yun ay nakauwi n asana ako ngayon haynaku ang kulit talaga ng Edna na iyon!...buntong hininga na bulong ni Elise sa sarili habang nakasandig sa may dingding ng elevator at ilang sandali pa'y bumukas naito at agad niyang inayos ang mga gamit saka nagmamadaling tinalunton ang daan papunta ulit sa may lift para bumaba sa may car park..
Nadatnan nga ni Wayne na abala sa harap ng computer si Eunice kaya't naupo nalang siya sa may silyang nasa harap ng mesa ni Eunice ngunit ng saktong pag upo niya ay parang may naamoy siyang pamilyar na amoy na pabango na parang dumikit sa upuan sininghot singhot niya ang amoy at hindi nga siya nagkamali dahil amoy pabango talaga at hindi lang isang imahinasyon at alam niyang hindi iyon ang amoy ng pabango ni Eunice,..at ewan ba ni Wayne dahil bigla nalang kumabog ang dibdib na hindi niya mawari kung bakit dahil alam niya kung sino ang babaeng gumagamit ng ganoong amoy ng pabango..
"Hindi naman siguro siya iyon dahil imposibleng si Elise iyon siguro katulad lang ng pabango niya ang ginamit ng isa sa mga kasamahan ni Eunice dito sa opisina.....ani Wayne sa sarili...
"Oh babe ano nga pala ang sasabihin mo at parang nakaimportante iyon hmm!....malambing na tanong ni Eunice saka tumayo ito at yumakap kay Wayne,..ngunit ewan ban i Wayne dahil parang bigla siyang nailang sa ginawang iyon ni Eunice dahil sa naamoy niyang amoy ng pabango,..
![](https://img.wattpad.com/cover/24592657-288-k739197.jpg)
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA..."WAYNE"..(completed)
RomanceAng kwentong ito ay hango sa kathang isip lamang kaya kung may pagkakatulad ang mga karakter sa ibang kwento ay hindi po sinasadya..... .....salamat po at enjoy reading... written by...emzalbino....