KUNG AKO NALANG SANA
"WAYNE & ELISE"
BY:EMMZ
CHAPTER 25...
Gigil na gigil si Eunice sa sinabing iyon sa kanya ni Wayne kaya't ang pinagbuntunan niya ng galit ay ang red wine at mag isa lang siyang uminom hanggang sa makalahati na niya ito at lasing na lasing na ito..
"Wayne shit ka [hik] you can't do this to me,..hindi mo ako pwedeng basta nalang ireject nang ganun ganun nalang dahil hindi ako papayag Wayne kung sino ka mang babae ka isinusumpa ko na pagbabayaran mo ang pag agaw mo kay Wayne mula sa akin.....galit na wika ni Eunice saka sinaid ang laman ng red wine sa kanyang baso at muling sinalinan ang kanyang baso hanggang sa makatulog sa kalasingan...
Nagising si Elise na wala si Wayne sa kanyang tabi at ng bumaba siya sa kama ay napatingin siya sa papel na nakapatong sa may ibabaw ng drawer kaya't nilapitan niya ito at saka kinuha at binasa,..hindi niya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha dahil sa nakasaad doon na magkikita daw sila ni Eunice para ito ay kausapin..
Kahit alam ni Elise ang pag uusapan ni Wayne at Eunice ay hindi niya maiwasang makadama ng panibugho dahil sa alam niyang magkasama ang dalawa at nasasaktan siyang labis dahil dito...
"Wayne sana nga ay matupad mo ang pangako mo sa akin lalo na kay Rayne dahil umaasa siyang maging isang masayang pamilya tayo balang araw at sobra kang namimiss ng ating anak....ani Elise habang namamalisbis ang kanyang mga luha ng saktong bumukas ang kaniyang kwarto
"Oh mahal bakit umiiyak ka? Ani Wayne saka lumapit kay Elise at pinahid nito ang mga luha sa kanyang pisngi..
"Akala ko magkikita kayo ni Eunice bakit ka nandito?...baling na tanong ni Elise imbis na sagutin sana ang tanong ni Wayne...
"Well tinapos ko na ang lahat sa amin mahal ko dahil eksaktong pumasok ako sa bahay nila ay narinig kong nagsasagutan silang maglolo at narinig ko lahat ng kanilang pinag uusapa at balak pala nila akong perahan dahil nakasanla ngayon ang kanilang mansiyon dahil nalulong na si don Alfredo sa sugal at pati mga ari arian nila'y nakasanla narin...salaysay ni Macky habang yakap yakap nito si Elise na hindi makapaniwala sa narinig...
"Sigurado ka mahal?...nagtatakang tanong ni Elise na nagulat sa nalamang balita ni Wayne..
"Yes im so sure mahal at paiimbistigahan ko iyan kung totoo at mahal wag ka ng pumasok sa kompanya nila baka malaman ni Eunice na ikaw ang babaeng tinutukoy ko ay mapahamak ka pa!...nag aalalalng sabi ni Wayne kay Elise..
"Ngunit mahal may kailangan akong tapusin doon yung mga files na nasa table ko kailangan kong maisaubmit kay Eunice o kaya ay kay Benjie at syempre kailangan ko ding magpaalam ng maayos....
"But mahal im just worried sa anumang gagawin saiyo ni Eunice pag nalamang ikaw ang babaeng mahal ko!,...giit ni Wayne kay Elise..
"Mahal kahit hanggang bukas lang please!..nakikiusap na wika ni Elise saka nilambing lambing nito si Wayne..
"Ok sige pero hanggang bukas lang mahal and one more thing sa bahay na tayo matutulog para naman magkausap usap na tyo nina mommy at lolo kasama sila kuya para sa ating kasal...pahayag ni Wayne habang nakaplaster ang ngiti nito sa labi..
"Ka-kasal!...gulat na bulalas ni Elise sa narinig..
"Oo mahal bakit ayaw mo akong pakasalan?....ani Wayne habang tinutudyo niya ng mga pinong halik ang mukha ni Elise...
"Syempre mahal gusto ko pero nakakagulat ka naman lagi mo akong binibigla!...reklamo ni Elise kay Wayne...
"Oh i see!,..well ngayon mahal dadahan dahanin ko na! ...nakangiting saad ni Wayne saka hinalikan nito ng may pagka banayad ang labi ni Elise..
![](https://img.wattpad.com/cover/24592657-288-k739197.jpg)
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA..."WAYNE"..(completed)
RomanceAng kwentong ito ay hango sa kathang isip lamang kaya kung may pagkakatulad ang mga karakter sa ibang kwento ay hindi po sinasadya..... .....salamat po at enjoy reading... written by...emzalbino....