KUNG AKO NA LANG SANA
"WAYNE & ELISE"
BY:EmmZ
CHAPTER 9....
Tinupad nga ni Elise na dalhin sa beach ang kanyag anak na si Rayne at tuwang tuwa ang bata habang nakikipaghabulan sa kanyang ninang Thelma at kanynang lola Remy at habang pinagmamasdan naman ni Elise ang anak ay bigla siyang nakaramdam ng lungkot...
Dahil habang lumalaki ang kanyang anak ay mas nagiging kamukha nito ang kanyang ama at habang pinagmamasdan ang kanyang anak sa bawat araw na nagdaraan ay parang kung may anong damdaming nabubuhay sa kanyang katauhan,..ang damdaming ng pangungulila na Makita ang lalaking napag alayan ng kanyang sarili dahil kahit anong tanggi niya sa sarili ay hindi niya maikakaila na kung minsan ay nais niyang maramdamang muli ang mga yakap ng matitipuno niyang mga bisig at ang matatamis nitong mga halik na naglandas sa buo niyang katawan at ang pag angkin nito sa kanya na kahit lasing siya noon ay ramdam niya ang pagkamaginoo nito....
"Wayne kay swerte ng babaeng iyong iniibig hangad ko ang iyong kaligayahan at sana kung dumating ang panahon na magkita kayo ng iyong anak ay wag mo siyang ikaila at sana ay mapatawad mo ako sa nagawa kong pag akit sa iyo noon masyado lang talagang magulo ang aking isip at nasa espirito ako ng alak kaya nagawa koi yon ngunit sa totoo lang hindi koi yon pinagsisisihan dahil nagbunga ito ng isang napakagwapong anghel na siyang nagbibigay ng pag asa at lakas sa araw araw sa akin mahal na mahal ko si Rayne,..pero ewan ko ba dahil tuwing tinititigan ko siya ay parang nangungulila ako sayo,...nagkaroon ka naba ng pilat sa aking puso pero hindi dapat dahil wala naman akong lugar sa iyong puso.....bulong ni Elise sa sarili habang nakamasid sa kanyang anak na tuwang tuwa na naglalaro sa mga along naglalakihan...
Samantala nakatakdang dumalo sa isang conference meeting si Wayne at naghahanda na siya sa kanyang pagdalo ng biglang may kumatok sa kanyang kwarto...
"O lolo kayo pala bakit po ba?.....ani Wayne habang inaayos nito ang pagkalagay ng kanyang necktie..
"Ah apo kasi itatanong ko lang kung kasama bas a kameeting mo si don Alfredo Sebastian yung may ari ng SMInCorp.. o Sebastian Merchandising Incorporation?...tanong ni lolo Baste kay Waynne..
"Opo lolo kasi isa siya sa mga investor ko at ka shared ko sa bago kong ipinatatayo na Real State Company....sagot ni Wayne..
"Kasi apo ka buddy ko siya!,..school mate ko siya noong high school ako at ng magmigrate sila sa states ay saka lang nawala ang communication namin,..
"Eh paano po ninyo nalaman na isa siya sa mga kameeting ko?.....muling tanong ni Wayne...
"Nakita ko sa may envelope mo sa may study room mo hindi sinasadyang nakita ko ng minsan ay pumunta ako doon dahil hinahanap kita..
"Ay ganon po ba!...ani Wayne sa lolo Baste nito..
"Oo apo at balak ko sanang sumama para Makita ko naman siyang muli kung ok lang sayo?....
"Ay naku lolo ok lang po sa akin pero dapat behave ka lang ah!..biro ni Wayne sa lolo Baste habang tatawa tawa ito..
"Huh! Ako pa ang sinabihan mong magbehave??..naku apo ko kahit saang dako ng mundo ako magpunta walang gulong kinasasangkutan ang gwapo mong lolo!.....may pagmamalaking saad ni lolo Baste kay Wayne na tinawanan naman nito...
"So makikisabay kana sa akin lo?....tanong ni Wayne sa matanda..
"Oo apo pero nag aalala lang ako baka kung matalbugan kita sa gandang lalaki ko he he he!....biro naman ng matanda kay Wayne...
"Ha ha ha!..diyan naman ako hindi papayag lolo,..heartrob yata itong apo mo habulin pa ng chicks!...ganting biro ni Wayne..
"Heh magtigil ka nga kung habulin ka ng chicks bakit hanggang ngayon eh wala man lang kahit na isa na ipinakilala mo sa pamilya natin!,..baka mga chicks lang sa internet kaya lagi kang nakababad sa computer,...kantiyaw naman ni lolo Baste ngunit biglang natahimik si Wayne sa birong iyon ni lolo Baste dahil may bigla na naman siyang naalala...
"O apo bakit bigla kang natahimik may nasabi ba akong ikinagalit mo?....nag alalang tanong ng matanda sa apo..
"Wala po lo sige po magbihis na kayo at baka mahuli tayo sa meeting natin!,...ani Wayne at saka nagmamadali namang sumunod ang matanda at pumuntang nagbihis at makalipas ang ilang sandal ay binabagtas nan g maglolo ang daan patungo sa kanilang destinasyon...
Sa isang sikat na hotel ginanap ang conference meeting na dinaluhan ni lolo Baste at Wayne kasama ang ilang mayayamang tao na gaya ni don Alfredo Sebastian na kilala sa publiko....
"O good evening panyero Baste tingnan mo naman hanggang ngayon ay magandang lalaki ka parin ha ha ha!....bati ni don Alfredo kay lolo Baste ng magkita ang mag panyero...
"Ha ha ha!,..ikaw rin panyero gaya parin ng dati na na may pagkabolero pero totoo naman talaga!,..natatawang ani lolo Baste na sakto namang lapit ni Wayne sa kinaroroonan ng dalawa..
"O lolo,.don Alfredo mukhang nagkakasiyahan yata kayong dalawa ah!,..kumusta na po kayo don Alfredo?.....bati ni Wayne sa matanda..
"Heto iho tumatanda narin kaya ang kaisa isa kong apo na ang sinasanay ko sa pagpapatakbo ng aking kompanya dahil mahina na rin ako at kung minsan ay umaatake rin aking rayuma kaya lagi nalang ako sa bahay dahil nahihirapan akong magbiyahe biyahe ng malayo eh yung apo ko kayang kaya pa ang magbiyahe kahit anong layo dahil kalakasan palang ng kanyang katawan...
"Ah ganon po ba!,..sabagay po,..asan po ba iyong apo ninyo at ng makilala ko naman ang aking magiging business partner?....ani Wayne saka umupo sa may mesa ng dalawang matanda...
"Ah nasa toilet iho alam mo naman ang mga babae medyo maarte magpawis lang ng kunti ay parang naalibadbaran na hindi mapakali ha ha ha!....wika ni don Alfredo na may kasamang biro kaya nagkatawanan ang lahat ng may biglang magsalita sa kanilang likuran....
"Hi there excuse!...anang mahinhin at malamyos na boses na kay gandang pakinggan na nagpalingon sa kanilang tatlo...
Kunot ang noo ni Wayne ng Makita niya ang babae na umagaw sa kanilang atensiyon at sandal siyang nag isip at maya maya pa'y biglang nagliwanag ang kanyang aura ng maalala ang babae na ngayon ay kaharap na nila...
"Eunice deVera is that you?.....naninigurong tanong ni Wayne sa babae..
"Yes Wayne Miller hi hi hi kahit anong tagal naman nating hindi nagkita eh kilala parin kita pero ako parang hindi mo ako nakilala!....nakangiting wika ng babae...
"Kasi naman eh ang laki ng ipinagbago mo!,..noon napakasimple mo ngayon eh halos daig mo pa yata ang modelo sa ganda mo ngayon ,..come have a seat!....ani ni Wayne saka ipinaghila ng silya si Eunice..
"Thank you!...
"Siyanga pala ano ang ginagawa mo rito may kameeting ka rin ba?....tanong ni Wayne kay Eunice na hindi na halos pansin ang dalawang matanda...
"Oo kasama ko ang lolo ko!,..sagot ni Eunice saka bumaling kay don Alfredo..
"Huh anong ibig mong sabihin?....may pagtatakang tanong ni Wayne kay Eunice..
"Apo ko si Eunice iho at siya na ngayon ang magmamanage ng aking kompanya na magiging kapartner mo,..siyanga pala paano kayo nagkakilala ng aking apo?....balik tanong ni don Alfredo kay Wayne..
"Lolo si Wayne ay ex boyfriend ko noong nasa high school kami!,..sagot ni Eunice sa matanda...
"Ganon ba!,.aba'y magandang senyales ito para sa inyong dalawa baka sakaling madugtungan ang naudlot ninyong nakaraan,..ano panyero payag kaba kung sakali?......nakangiting saad ni lolo Martin kay don Alfredo..
"Walang problema sa akin panyero sa totoo lang bilib ako sa apo mo magaling sa negosyo at gusto ko siya para sa aking apo!,..pahayag naman ng don na ikinasiya naman ni Eunice dahil lumuwang ang pagkakangiti nito ng marinig ang usapan ng dalawang matanda..
ITUTULOY!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/24592657-288-k739197.jpg)
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA..."WAYNE"..(completed)
RomanceAng kwentong ito ay hango sa kathang isip lamang kaya kung may pagkakatulad ang mga karakter sa ibang kwento ay hindi po sinasadya..... .....salamat po at enjoy reading... written by...emzalbino....