KUNG AKO NALANG SANA
"WAYNE & ELISE"
BY:EMMZ
CHAPTER 21...
Kapwa hingal at kapos ang hininga ng maghiwalay ang kanilang mga labi pagkatapos nilang pagsaluhan ang halik na puno ng pananabik,.mga labing uhaw at tigang sa pamamahal...
"Elise I really missed this moment!...madamdaming pahayag ni Wayne habang hawak ng dalawa niyang mga kamay ang mukha ni Elise at magkadikit lang ang kanilang mukha...
"Wayne!...tanging usal ni Elise sa pangalang ng binata at ng muli na namang hahalikan ni Wayne si Elise ay iniwas na nito ang kanyang mukha na ipinagtaka ni Wayne..
"Why Elise what's wrong?...takang tanong ni Wayne ngunit umiling lang si Elise saka itinulak niya palayo si Wayne at dumiretso na ito sa kinaroroonan ng kanilang kasamahan....
Samantalang naiwang tulala na nakatingala sa kisame si Wayne dahil hindi niya malaman ang kanyang gagawin sa mga sandaling iyon hindi naman niya pwedeng kausapin si Elise doon sa kinaroroonan niya ngayon dahil andun ang magpinsan at tiyak na malaking gulo pag nalaman nila ang katotohanan kaya't sa kaguluhan ng isip ay napasabunot nalang ito sa kanyang ulo...
"Elise hanggang ngayon ba naman ay ang kuya Duane parin ang nasa puso mo?..hanggang kailan mo maalis ang kuya Duane diyan at KUNG AKO NALANG SANA ang nakaukit sa iyong puso ay sana masaya na tayong namumuhay ng tahimik kasama ng ating anak...At sana ay hindi nangungulila sa ama ang aking anak,...ani Wayne sa sarili saka bumalik sa kanilang mesa makalipas ang ilang sandali at naabutan niya sin a hawak nito ang kamay ni Elise...
"Walanghiya kang lalaki ka hindi ka magtatagumpay sa balak mo,..hinding hindi mo makukuha si Elise isinusumpa ko!,...nanggigigil na sigaw ni Wayne sa sarili...
"Oh Babe bakit antagal mo sa toilet?....maarteng tanong ni Eunice sabay hilig nito sa balikat ni Wayne..
"Tumawag kasi si kuya Duane at nagpapasama sa akin na punta daw kami ngayon sa Batangas kasi may kukunin lang siyang mahalagang bagay eh para may kahalili siyang magdrive ,...pagdadahilan ni Wayne kay Eunice..
"Ngayon na babe?...ani Eunice
"Yes babe!...sagot ni Wayne saka tumingin sa kinaroroonan nila Benjie at Elise ...
"Bro paano mauuna na ako at salamat sa dinner at Elise nice to meet you again see you next time......ani Wayne saka sinadya niyang halikan ang pisngi ni Eunice sabay tingin kay Elise at nakita nito na parang namula ang mukha ni Elise..
"Ok babe goodnight see you!,..ani Eunice kay Wayne at hindi napaghandaan ni Wayne na sa labi hahalik si Eunice at humarap pa it okay Eunice at ng halikan siya ni Eunice ay kitang kita ni Wayne sa gilid ng kanyang mga mata ang pagyuko ng ulo ni Eilse nang hindi sinasadyang mapatingin sa kanila...
"Magkakaalaman din tayo Elise ng tunay nating damdamin,..sandaling sandali nalang at hindi ako papayag na may makakuha pang iba saiyo,..ipaglalaban ko ang karapatan naming mag ama kahit sino pa ang humadlang sa akin!...sigaw ng isip ni Wayne ng tapunan niya ng tingin si Elise bago ito tuluyang lumabas ng restaurant...
Nagkwentuhan pa naman sila ng ilang sandali sina Elise.Eunice at Benjie ng nagkayayaan ng umuwi dahil mag aalas diyes na ng gabi kaya't ipinasya na nilang umuwi...
"Oh sige Elise,. pinsan kita kits nalang tayo bukas sa opisina bukas goodnight nalang sa inyong dalawa and thank you Elise at pinagbigyan mo ang aking paanyaya at sana ay maulit ito...masayang wika ni Benjie saka humalik ito sa pisngi ni Elise..
"Ok thank you din Benjie at salamat mam see you both tomorrow..paalam ni Elise sa dalawa..
"See you then too Elise and goodnight!...nakangiting wika ni Eunice saka sumakay na sila sa kani kanilang kotse...
![](https://img.wattpad.com/cover/24592657-288-k739197.jpg)
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA..."WAYNE"..(completed)
RomanceAng kwentong ito ay hango sa kathang isip lamang kaya kung may pagkakatulad ang mga karakter sa ibang kwento ay hindi po sinasadya..... .....salamat po at enjoy reading... written by...emzalbino....