Chapter 28

11.9K 245 2
                                    

KUNG AKO NALANG SANA

"WAYNE & ELISE"

BY:EMMZ

CHAPTER 28....

Lumipas ang mga araw sa buhay ng mag aswang Wayne at Elise na wala namang anumang milagrong nagaganap kaya't naging kampante silang lahat at balik sa dati ang takbo ng kanilang buhay...

"Mahal papasok na ako ikaw nalnag ang bahala sa anak natin... paalam ni Wayne kay Elise habang inihahanda nito ang pabaon niyang pagkain kay Wayne saka iniabot niya ito ng matapos niyang inihanda...

"Hmm mahal kaya tumataba ako eh dahil sayo but thanks anyway...ani WAyne saka niyakap nito ang asawa...

"Ayaw ko lang na magutom ka at naka mamaya niya'n eh tumingin kapa sa iba eh di mawawalan na ako ng asawa.... natatawang biro ni Elise sa asawa saka kinitalan nito ng halik ang labi ni Wayne..

"Mahal sayo lang ako natatakam at hinding hindi kita ipagpapalit kahit kanino pa man!....bulong ni Wayne sa may tenga ni ELise..

"Eh kung totoon iyan bakit pabulong?... nakataas nag kilay na tanong ni Elise..

"Para mas sweet pakinggan mahal kesa naman parang sumisigaw..ibig sabihin noon eh pilit pursado lang pag ganon... natatawang saad ni Wayne saka muling hinagkan nag labi ng asawa saka tuluyang nilisan ang kanilang bahay na may ngiti sa labi..

Natatawa si Elise habang pinagmamasdan niya ang asawa nito na papaalis dahil sa sobrang lambing na akala mo ay laging nagkakalayo sila kung lambingin siya nito..

"Salamat po Diyos ko dahil ibinigay mo sa akin ang lalaking nagmamahal sa akin ng lubos na ama ng anak ko at mahal na mahal ko PO Panginoon ang aking asawa sana kung noon ko pa nalaman ang lahat ay sana noon pa kami masaya ngunit hindi pa naman huli ang lahat para dito...bulong ni Elise saka pumasok na ng bahay ng mawala na sa paningin niya ang kotse ni Wayne...

Ngunit lingid sa kaalaman nila ay may mga matang nagmamatyag sa kanila na sadyang pinakalma lang ang init ng panahon para maisakatuparan ang nabuong balak na matagal ng nakaantabay...

Sabado ng umaga ay napagpasyahan ng mag anak kasama si aling Remy na mamasyal sa may park at magpiknik narin sa may malapit lang sa kanilang lugar dahil maganda ang view at presko ang hangin.....

"Mommy daddy i like this place very comfortable and i can play for long time and i want to come here again next time if you have free time like today.... masayang turan ni Rayne sa mag asawa habang abala si aling Remy sa pag iihaw ng mga isda nilang dala...

"Syempre naman anak basta may bakanteng oras ang iyong daddy ay palagi tayo rito dahil gustong gusto ko rin ang lugar na ito napakatahimik at kaysarap sa pakiramdam ang sariwang hangin dito....sagot ni Elise sa anak na noon ay pawis na pawis sa kalalakad ng paikot ikot sa lugar kung saan sila nakasilong sa malaking punong kahoy...

"Yehey!..,mommy you promise me that ah so i will keep your words.... masayang sabi ni Rayne na niyakap pa ang ina dahil sa kanyang tuwa...

"Yes my dear we will always bring you here every saturday or sunday....si Wayne ang sumagot sa sinabi ng kanilang anak..

"Sure daddy?...nanlalaki ang mga matang tanong ni Rayne sa kanyang ama dahil sa sobrang saya nito...

"Really sure my dear!., come let's play football there and mommy will gonna help your granny to cook our foods so we can eat so soon!... ani Wayne saka kinuha nito ang bola at niyaya ang kanyang anak sa hindi kalayuan sa kanyang asawa at biyenan...

Habang tinutulungan ni Elise ang kanyang ina sa pag iihaw at pagpeprepara ng kanilang pagkain ay panay ang sulyap niya sa kanyang mag ama na masayang naglalaro ng bola at natatawa dahil mas matulin pang tumakbo ang kanyang anak kesa sa kanyang asawa...

KUNG AKO NALANG SANA..."WAYNE"..(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon