Chapter 26

11K 230 2
                                    

KUNG AKO NALANG SANA

"WAYNE & ELISE

BY:EMMZ

CHAPTER 26...

"Ano Wayne si Elise Cameron ang ina ng anak mo!...how dare that woman akala ko pa naman santa siya yun pala santita ang walanghiyang babaeng iyon!,..Now makikita niya kung sino ang kinakalaban niya!...gigil na wika ni Eunice saka nagmamadaling tinungo ang kanyang sasakyan ngunit agad na hinabol siya ni Wayne..

"Wag na wag mong sasaktan si Elise Eunice dahil makikita mo ang hinahanap mo,..Don't ever touch her!...banta ni Wayne kay Eunice na ang mga mata ay puno ng poot...

"You don't have the right to tell what i should do Wayne after you just dumped me elsewhere huh no Wayne!,..no one could stop me even you!...duro nito kay Wayne saka nagmamadaling sumakay at pinaharurot nito ang kanyang kotse kaya naman ngamamadaling tinungo ni Wayne ang kanyang kotse para puntahan si Elise sa may kompanya ni Eunice....

"Mommy! Kuya!..bahala na muna kayo sa anak ko wag ninyo siyang pababayaan at pupuntahan ko si Elise sa kanyang opisina baka kung anoa ng gawin sa kanya ng babaeng iyon!....ani Wayne saka nagmamadaling pinaharurot nito ang kanyang kotse saka kinuha ang kanyang cellphone habang nagmamaneho ngunit nakailang dial na siya ay hindi naman sinasagot ni Elise ang kanyang tawag kaya kinakabahan siya ng husto dahil baka kung ano ang gawin sa kanya ni Eunice....

"Please Elise answer it please!...bulong ni Wayne sa sarili habang pinapatakbo ang kanyang kotse..

Dahil sa dami ng trabahong nakatambak na gagawin ni Elise ay isinilent mode niya ang kanyang cellphone para walang makaabala sa kanyang ginagawa at nakatutok ang kanyang mga mata sa screen ng computer sa harap nito kaya hindi niya namamalayan ang mga nangyayari sa paligid niya...

Habang nasa harap ng manibela ay halos sumabog na sa galit ang dibdib ni Eunice dahil sa nalamang iyon tungkol kay Wayne...

"Walang hiya ka talaga Wayne ka kaya pala parang napatda ka ng makita si Elise noong dinner na kasama nayin siya at ang malanding babae namang iyon ay namumutla na hindi mapalagay noon dahil may nakaraan pala ang dalawang iyon!...

Mga walanghiya kayo matitikman ninyo ang galit ko lalo kana ELise sinira mo ang aking mga pangarap inagaw mo sa akin ang lahat ng mga pangarap ko sa buhay!..

Dahil sa mga pangarap ko Wayne kaya ko sinikil ang aking damdamin tapos ngayon sasabihin mong walang kasalang magaganap dahil bumalik saiyo ang babaeng mahal mo!..that's a bullshit Wayne!....galit na pinagbabayo ni Eunice ang manibela ng kanyang kotse na likha ng ingay sa kalsada na ikinairita ng mga motorista at may nagsign pa ng F..k sign sa kanya ngunit balewala iyon sa kanya dahil ang kanyang iniinda ay ang galit sa kanyang dibdib..

Biglang kumalam ang sikmura ni Elise sa gutom kaya ipinasya niyang pumunta muna ng canteen para kumain sandali at nakita niya doon si Edna na maganang kumakain at ng makita siya nito ay agad na lumapit ito sa kanya..

"Oh akala ko ba naman ay manhid na ang bituka mo sa gutom at kaninang niyayaya kita ay ayaw mong sumama at ngayon ay heto at andito kana ano ginutom karin diba!... Sabi ni EDna kay Elise ngunit nagkibit balikat lang si Elise.

"Eh paanong nagyaya ka eh hindi ka nga pumunta ng opisina ko tapos sabihin mong niyayaya mo ako?...sagot ni Elise saka naupo ito sa tabi ni Edna...

"Hoy beauty tinatawagan kaya kita ngunit hindi mo naman sinasagot ang cellphone mo kaya yun nauna na ako dahil parang busy ka yata...saad ni Edna habang patuloy sa pagkain nito.

"Oh nakasilent mode ang cellphone ko at naiwan ko pa sa opisina ko dahil kailangan kong matapos ang lahat ng mga files dahil magreresign na ako.....walang ano anng sabi ni ELise na ikinagulat ni Edna at nagulat nalang sila ng biglang may sumingit sa usapan ng dalawa...

"Magreresign ka dahil iyon ang sabi ni Wayne diba!..

Ang kapal din ng mukha mo ano Elise matapos kitang tanggapin dito sa kompanya ko ito pa ang igaganti mo sa lahat akala ko isa kang santa yung pala santita ka!..malandi ka ginagamit mo ang anak mo para agawin si Wayne sa akin walanghiya ka talaga itong bagay sayo malanding babae ka!.."pak..pak"...mag asawang sampal ang dumapo sa pisngi ni Elise...

Sa sobrang galit ni Elise tungkol sa walang katotohanang pinagsasabi ni Eunice at ang pagsampal nito ay buong pwersa niyang itinulak si Eunice kaya napasadsad sa sahig si Eunice at agad na kinubabawan ni Elise at saka binigyan ngag asawang sampal saka hinawakan niya ang magkabilang kwelyo ng tshirt na suot nitong damit na bahagyang hinila nito sa tindi ng galit ni Elise..

"Eto ang tandaan mo Eunice na kahit kailan ay hindi ko inagaw sayo si Wayne dahil noon pa man ay Ako na ang mahal niya lumayo lang ako ng walang paalam dahil magulo ang isip ko noon dahil sa mga nangyari sa aking buhay at ang pagkikita nilang mag ama ay hindi ko plano iyon kaloob ng Diyos ang tagpong iyon dahil iyon ang tinatawag na lukso ng dugo...

Pinilit kong itago si Rayne kay Wayne ngunit sabi nga nila walang sekretong nagtatagal diba gaya nalang ng sekreto ninyo ng lolo mo na kaya't gusto mong magpakasal kay Wayne para gawin siyang tagabayad ng pagkakautang ninyo sa bangko dahil sa pagkakasanla ng inyong mansiyon at pati na ang kompanyang ito ay nanganganib ng mawala diba!....sigaw ni Elise sa may mukha ni Eunice...

"Hindi totoo ang pinagsasabi mong babae ka napakasinungaling mong babae ka walanghiya ka talaga dapat kang mawala para mabawasan na ang mga malalanding babae sa mundo!...galit na sigaw din ni Eunice kay Elise saka biglang dinakma nito ang buhok ni Elise at pinaghihila ito....

Samantala sa bilis ng patakbo ni Wayne ay agad niyang narating ang gusali ng kompanya nila Eunice kaya dali daling lumabas ng kotse at tinungo ang lift at sakto namang palapit ang guardiya sa may malapit sa lift kaya nagtanong ito...

"Boss nandiyan naba si Eunice sa kanyang opisina?....tarantang tanong ni Wayne sa guardiya..

"Opo sir kadarating nga lang eh at parang galit na galit siya at nagmamadali pang umakyat...sagot ng guardiya kaya naman mas lalo pang kinabahan si Wayne at buti nalang at agad namang bumaba ang lift at agad na tinungo ang opisina ni Elise ng may makasalubong na isang empliyado na parang nagmamadali na natataranta kaya't aagad niya itong tinanong...

"Excuse me miss bakit parang natataranta ka yata?....kinakabahang tanong ni Wayne sa babaeng empliyada ni Eunice...

"Kasi po sir may gulo daw yata sa may canteen yung C.E.O. at yung assistant supervisor ng kompanya ay nag aaway daw at sinampal daw yata si mam Elise ni mam Eunice kaya't nagalit si mam Elise at pinagsasampal rin niya ito at kung anu ano pa daw ang pinagsasabi ni mam Eunice kay mam Elise kaya't mas nagalit ito kay mam Eunice at pinagsasampal rin niya at saka itinulak niya si mam Eunice sa sahig....natatarantang pagbabalita ng babae saka patakbong nilisan ang lugar kaya't sinundan ni Wayne kung saan pupunta ang babae at ilang sandali ay marami ngang tao sa may canteen at may gulo ngang nangyayari kaya dali daling hinawi ni Wayne ang mga taong nakapalibot sa dalawang nag aaway at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita si Eunice na itinulak si Elise saka dali daling kinuha ang bread knife sa may ibabaw ng mesa at kahit inaawat niya'y hindi ito nagpapigil bagkus iniumang pa nito ang bread knife na hawak sa mga taong nais na umawat kaya't natakot ang mga ito sa kanya at saka binalingan nito si Elise...

"Ngayon Elise tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo!,..sige labanan mo ako kung kaya mo!,..walanghiya ka sinira mo ang reputasyon ko dahil sa inyo ng anak mo sinira mong lahat ang mga pangarap ko sa buhay kaya dapat ka ng mawala para mawala ka sa landas ko !...gigil na sigaw nito at lumapit pa ng mas malapit kay Elise na naka salampak sa sahig dahil sa pagkakatulak nita rito...

Nang sakto sanang iuumang ni Eunice ang bread knife na hawak ng isang nakakatulig na sampal ang gumimbal sa kanya na sanhi ng pagputok ng labi nito at ng tingnan ni Eunice ay walang iba kundi si Wayne

"Walanghiya ka talaga Wayne pagsisisihan mo ang ginawa mong ito tandaan mo Wayne isinusumpa ko!...halos maiiyak sa galit na sigaw ni Eunice...

Dali dali namang tinulungan ni Wayne na makatayo si Elise saka inakay nito palabas ng canteen at sandaling kinuha ang kanyang mahahalagang gamit at nilisan nilang dalawa ang gusali at habang tumatakbo ang sasakyan ay tumulo ang luha ni Elise dahil bigla siyang nakaramdam ng kaba sa binitiwang salita ni Eunice...

ITUTULOY!!

KUNG AKO NALANG SANA..."WAYNE"..(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon