KUNG AKO NALANG SANA
"WAYNE & ELISE"
BY:EMMZ
CHAPTER 19....
Bawat araw na nagdaraan kay Elise ay parang walang kabuluhan dahil sa dami ng kanyang iniisip particular na kay Wayne sa kung sakaling pagtagpuin sila ng tadhana ay hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin at sasabihin sa lalaking nagbigay kulay sa kanyang buhay sa pamamagitan ng kanyang anak na si Rayne,..dahil kay Rayne ay nagkaroon ng direksiyon ang kanyang buhay,..nagkaroon siya ng lakas upang harapin ang mga dagok sa kanyang buhay na siyang iniiyakan lang niya noon samantalang ngayon ay natuto na niyang labanan ngunit ngayon ay isa lang ang kanyang kinakatakutan ang posibleng muling paghaharap nila ni Wayne....
"Hoy Elise ano bang nangyayari sa iyo hah!,..kanina pa kita kinakausap pero blangko ang isip mo at nakatitig ka lang sa files sa harap mo!...bulyaw ni Edna sa kanya ng mapadaan ito sa kanyang opisina...
"Huh!,..ano ba kasi ang sinasabi mo sa akin?.....maang na tanong ni Elise sa kaibigan...
"Sabi ko ano ang napag usapan ninyo ni sir Benjie noong isang araw!,..ano k aba daig mo pa ang nanuno diyan ah!,..ano bang bumabagabag saiyo at sobra kang napaparanoid diyan sabihin mo sa akin at willing naman akong makinig ah at ng mabawasan naman ang bigat ng iyong dinadala!,...pahayag ni Edna habang nakakunot ang noong pinapanood si Elise habang nakatingin sa di kalayuan na para bang may hinihintay...
"He just invite me for dinner on Sunday,..tanging wika ni Elise saka inayos nito ang mga files sa ibabaw ng mesa..
"Is it!,..wow so sweet naman ni fafa Benjie,..i mean sir Benjie pala ha ha ha!....tumatawang biro ni Edna kay Elise...
"Ano ba ang ibig mong sabihin Edna?...
"Mag MU na ba kayo ni sir Benjamin Elise?..muling tanong ng makulit na si Edna..
"No Edna!,..para sa akin ay kaibigan lang si Benjamin dahil,..dahil!...hindi na naituloy ni Elise ang sasabihin dahil bigla niyang naalala na wala pa palang nakakaalam sa kanyang trabaho na may anak siya...
"Dahil ano Elise!,..bakit hindi mo ituloy ang nais mong sabihin para naman makatulong ako kung sakali man ng hindi mo kinikimkim ang iyong problema!..
"Wala Edna sige at ipagpapatuloy ko na ang trabaho ko para matapos ko na ang mga files baka kailangan agad ni mam Eunice eh makagalitan pa ako!,..sige next time nalang tayo magtsikahan,..at hinarap ni Elise ang kanyang mga paper works at nailing nalang si Edna habang pinagmamasdan niya ang kaibigan...
Sa bahay ng mga Miller ay nadatnan ni Wayne ang kanyang kuya Duane at ang kanyang lolo Baste na nag uusap sa may balkonahe at sabay ang mga ito na napatingin sa kanyang pagdating at ng makalapit na siya'y saka huminto ang dalawa sa pag uusap nila...
"Ano po ba ang pinag uusapan ninyo at parang huminto yata kayo ah!,..wika ni Wayne sabay upo sa isa pang silya na bakante..
"Mabuti naman at maaga kang umuwi apo dahil nais sana kitang kausapin ng masinsinan tungkol sa iyong nalalapit na kasal,...ani lolo Baste kay Wayne..
"Bakit po lolo?...tanging sagot ni Wayne sa kanyang lolo.
"Nais ko lang itanong apo kung sakaling mahanap mo ang iyong mag ina eh itutuloy mo pa ba ang kasal ninyo ni Eunice?...
"Hindi ko pa po alam lolo kung ano ang magiging desisyon ko naguguluhan na ako eh,..kung anu ano nalang ang pumapasok sa aking isip sa kadesperadahan kong Makita ang aking mag ina lalo na ang aking anak...sagot ni Wayne sa kanyang lolo..
"Hindi pwede na ganyan ang sagot mo Wayne dahil may tao kang masasaktan kung sakali mang mahanap mo ang iyong mag ina!,..saad naman ni Duane sa kapatid..
![](https://img.wattpad.com/cover/24592657-288-k739197.jpg)
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA..."WAYNE"..(completed)
RomanceAng kwentong ito ay hango sa kathang isip lamang kaya kung may pagkakatulad ang mga karakter sa ibang kwento ay hindi po sinasadya..... .....salamat po at enjoy reading... written by...emzalbino....