KUNG AKO NALANG SANA
"WAYNE & ELISE"
BY:EmmZ
CHAPTER 6.....
Nasa kalagitnaan ng gabi ng magising si Elise sa matinding kirot sa sakit ng ulo na nadarama kaya dahan dahan niyang imunulat ang kanyang mga mata kasabay ng biglang pagkagulat dahil sa bumulaga sa kanyang paningin ang maamong mukha ni Wayne na himbing na himbing sa pagkakatulog at ang mga kamay nito'y nakayakap sa kanya..
Bigla niyang natutop ang kanyang bibig para hindi mapasigaw sa kabiglaan at maya maya pa'y biglang nanumbalik ang mga naganap kanina lang at maya maya pa'y biglang nalaglag ang mga butil ng luha sa kanyang pisngi....
Hindi niya akalain na nagawa niyang ipagkaloob ng ganon nalang ang kanyang sarili kay Wayne at ngayo'y parang hindi na niya kaya png harapin si Wayne,..tahimik siyang humagulgol at tinakpan ang kanyang bibig ng unan para hindi marinig ni Wayne ang mga hikbi nito at makaraan ang ilang sandali ay dahan dahan niyang inalis ang mga braso ni Wayne na nakayakap sa kanya at pati narin ang mga binti nitong nakadagan sa may hita niya saka dahan dahan siyang bumaba sa kama at isa isang pinulot ang mga nagkalat na saplot at tinungo ang pinto at maingat na inilapat ang pinto saka nagmamadaling nilisan ang lugar patungo sa kanyang kwarto....
"Panginoon ko!,... hindi ko akalain na nagawa ko ito at lalo na sa isang katulad ni Wayne,...inaamin ko na naging hangal ako sa paghabol noon kay Duane ngunit hindi ako humantong sa ganitong sitwasyon wala na akong mukha pa na ihaharap kay Wayne napakabait niya para sirain ko ang tiwalang ibinigay niya sa akin,..ano nalang ang sasabihin niya sa akin pagkatapos ng nangyaring ito sa amin na napakababa kong babae o kaya'y baka sasabihan niya akong mumurahing babae,..Oh Lord I don't know what to do!,...usal ni Elise habang naglalandas ang mga luha sa pisngi nito at agad niyang binuksan ang pinto ng kanyang suit at dali daling isinubsob ang mukha sa kama at doon humagulgol para ilabas ang sakit ng loob na nadarama ng oras na iyon...
Makalipas ang ilang sandali niyang pagmumuni muni ay agad kinuha ang kanyang laptop at saka tsinek ang kanyang air ticket papuntang U.S.A. at saka niya pina adjust ng early flight ng araw ding yun at pagkatapos ay agad niyang niligpit ang mga gamit at saka isinilid sa kanyang maliit na luggage at saka lumabas sa kwarto at nagmamadaling tinungo ang information desk ng hotel para mag log off...
"Mam are you sure po na magla log off na kayo eh ilang araw pa lang kayo dito?...nagtatakang tanong ng babae sa may information...
"Yes miss because I have an urgent business meeting this afternoon and I have to reach there before the time!,...pagdadahilan ni Elise sa babae..
"Ay sabagay mam ok po and thanks for staying here and I hope that you may come here again next time!....nakangiting saad ng babae kay Elise..
"Yes I will of course and thanks for your nice treatment!,..ok bye see you next time!,..paalam ni Elise saka nagmamadaling nilisan ang hotel at agad na pinara ang taxi at nagpahatid sa may airport para lumuwas ng maynila para sa hintayin ang oras ng kanyang pag alis papuntang states...
Makalipas ang ilang oras ay sakay na ng eroplano si Elise paputang U.S.A. sa Washington hindi na niya tinawagan ang kanyang mommy dahil alam niyang magdadakdak na naman iyon at hindi siya nito titigilan sa katatanong kaya ipinasya nalang niyang wag ipaalam ang kanyang naging desisyon saka nalang niya ito tatawagan pag andun na siya sa states..
Ilang oras ang lumipas at nasa kalagitnaan na si Elise sa kanyang pagbibiyahe ng ipinasya niyang ipikit ang kanyang mga mata para mairelax naman niya ito dahil hindi siya gaanong nakatulog sapagkat maaga siyang nagising kanina ngunit ng pagkapikit niya ng kanyang mga mata ay biglang lumitaw sa kanyang balintataw ang imahe ni Wayne kaninang magmulat siya ng mga mata at maya maya'y biglang pumasok sa kanyang isipan ang nangyari sa kanila ni Wayne at kahit lasing siya'y hindi niya maipagkakaila sa sarili na nasiyahan siya sa ginawang pag angkin sa kanya ni Wayne at ramdam niya ang paggalang na pag angkin sa kanya nito,..parang ramdam parin niya ang mga maiinit na halik nito na naglandas sa kanyang katawan at ang malalambot nitong mga labi na umangkin sa lanyang mga labi,..at maya maya'y hindi niya namalayan na napahawak siya sa kanyang labi....
"Wayne!,..sana mapatawad mo ako sa nagawa kong ito sayo at ayoko kong may masabi ka sa akin kaya hindi na ako nagpaalam saiyo dahil hindi ko kayang iharap ang sarili ko saiyo pagkatapos ng lahat dahil alam ko din na pagkatapos ng anumang sandali ay magtatapat kana sa babaeng pinakamamahal mo,..patawad kong ginulo ko ang buhay mo!....bulong ni Elise sa sarili habang unti unting pumapatak ang mga luha nito...
Samantala nagising si Wayne sa sinag ng araw na tumama sa kanya dahil nakaawang ng kunti ang kurtina sa kanyang kwarto ng bigla niyag maalala si Elise dahil wala ito sa paligid ng kwarto pagdilat niya ng kanyang mata pati sa banyo ay wala ang tanging naiwan ay ang mantsa ng dugo sa bed sheet na patunay na siya ang nakauna sa dalaga kaya agad niyang tinungo ang banyo at naligo at dali daling pinuntahan ang kwarto ni Elise ngunit nakailang katok na siya'y walang nagbubukas ng pinto at ng muli na naman sana siyang kakatok ay....
"Sir wala nap o ang naka check in diyan nag log off nap o siya!,...anang room boy na napadaan sa kinaroroonan ni Wayne na ikinagulat ni Wayne..
"Huh!,..totoo ba ang sinasabi mo!...hindi makapaniwalang saad ni Wayne sa room boy..
"Opo sir!,.. sa katunayan nga po eh sinabihan ako sa information na linisin itong kwarto na ito pagkatapos ko sa ginagawa ko dahil ayon po sa kanila ay kaninang madaling araw pa daw umalis ung naka check in dito at nagmamadali dawn a umalis kasi may urgent dawn a pupuntahan......paliwanag ng room boy kay Wayne saka nilisan ang kinaroroonan ni Wayne para ipagpatuloy ang ginagawa kaya't naiwang napatunganga si Wayne sa harap ng pinto at laglag ang balikat...
Hindi malaman ang nararamdaman ng oras na iyon ni Wayne nanlulumo siyang naglakad pabalik sa kanyang suit at ng makarating sa kanyang kwarto ay pabagsak siyang umupo sa kama at saka bumuntong hininga dahil pakiramdam niya'y binagsakan siya ng napakalaking bato at ngayo'y nahihirapan siyang huminga sa bigat nito...
Maya maya'y hindi niya namalayan ang pagpatak ng mga butil ng luha sa kanyang pisngi dahil sa kalungkutang kanyang nadarama...
"Elise bakit mo ako iniwan?,..bakit hindi mo ako hinintay para masabi ko ang aking nararamdaman,..ni hindi mo man lang ako tinanong tungkol sa nangyari sa ating dalawa,...nakuha ko nga ang iyong sarili ngunit bakit hindi mo kayang ibigay pati ang iyong puso na siyang tanging pinakamimithi ko ang mahalin mo ako dahil kung alam mo lang ang damdamin ko saiyo,..nagsusumigaw ang iyong pangalan dito sa puso ko,..ikaw at tanging ikaw lamang ang siyang nakaukit dito wala ng ibang uukupa kundi ikaw lamang ngunit bakit hindi mo ako kayang mahalin.....
"Sana po Lord ay dumating ang oras at matutunan niya akong mahalin at sana PO ay magbunga ang nangyari sa aming dalawa baka sakaling magkaroon ako ng pagkakataon na mapalapit sa kanyang puso....samo ni Wayne habang naglalandas ang luha sa kanyang pisngi sa bigat ng nararamdaman ng oras na iyon.....
ITUTULOY!!!!!...
BINABASA MO ANG
KUNG AKO NALANG SANA..."WAYNE"..(completed)
RomanceAng kwentong ito ay hango sa kathang isip lamang kaya kung may pagkakatulad ang mga karakter sa ibang kwento ay hindi po sinasadya..... .....salamat po at enjoy reading... written by...emzalbino....