79

128 30 3
                                    

L U K E

Matapos ang pakikipagtalo ko sa sarili ko kung papasok ba ako o hindi, naisip ko nalang sa huli na pumasok na lang sa school at baka sabihin pa ng Alyssa na 'yun na masyado akong affected sa sinabi niya.

Ay, oo nga pala 'di niya naman alam.

Pero bahala na mamaya kung pansinin ako nung Alyssa na 'yun basta ako, magpapaganda nalang.

"Ay jusko po!" gulat na sabi ni mama ng makalabas ako sa kwarto ko. "Ano ba naman 'yan, Luke! Ba't ang kapal naman ng blush-on mo?! Para kang sinampal ng pwet ng bubuyog ng sampung beses d'yan, ha?!"

"Ang oa momshie, ha?"

"Nung nakaraan lang nagbago na ayos mo, ha? Tapos ngayon makikita kitang ganito at mas lumala pa 'yang kabaklaan mo? Akala ko ba gusto mo si Alyssa pumunta siya dito--"

"Hep! Momshie, tama na. Kalma, okay? Ganito naman talaga ako eh, bakla. Mas lumevel-up lang ngayon."

"So, sasayaw na ba ako ng level up?"

"Ewan ko sa'yo momshie nasosobrahan na talaga 'yang pagzu-zumba mo, eh!"

"Ewan ko rin sa'yo 'nak! Akala ko ba lalaki ka na? Bakit ganito nanaman? Saan ba kami nagkulang sa'yo ng tatay mo, ha?" pagd-drama niya with matching singhot pa.

"Wala kayong kakulangan, Ma. Pero si Alyssa meron." sagot ko sakanya pero 'yung last ay pabulong, baka masapak pa ako 'pag narinig, eh.

"Oh, wala naman pala eh! Ano ba kasi problema 'nak? 'Diba gusto mo naman si Alyssa--"

"Hep! Tama na, Momshie. Kakain na ako sa baba ng almusal at baka ma-late pa ako kaka-drama mo. Mag-ready ka na rin sa zumba mo." pagpuputol ko sa sasabihin niya.

"Alam mo kahapon ko pa napapansin na lagi mong pinuputol ang usapan kapag magk-kwento ako tungkol kay Alyssa. May problema ba sainyo, 'nak?"

"Momshie, okay bye! Ingat sa pagzu-zumba!" paalam ko sakanya at naglakad na papuntang hagdan.

"Ewan ko sa'yong bakla ka! Magtutuos tayo mamaya! Burahin mo rin 'yang blush-on mo at baka doblehin ko pa 'yan gamit ang dalawang palad ko!" bulyaw niya bago ako makababa.

Kakaloka. Feeling millenial talaga 'yang nanay ko.

--

Bago ako pumasok ng gate ng school, sinilip ko muna kung sino yung guard na naka-duty ngayon baka kasi 'yung baklita 'yung naka-duty eh lagot na ako 'pag siya nga. Baka nabuking na ako ng baklang guard na panot na 'yun pero 'wag naman sana, kakaloka!

Nang masilip ko, buti naman at ibang guard ang naka-duty kaya kampante akong pumasok.

Pero kailangan ko ring mag-ingat at baka mamaya nagiikot-ikot 'yung baklang panot na 'yun mahirap na.

Nang makarating ako sa tapat ng room, tumigil muna ako saglit at nanalamin sa screen ng phone ko.

Ayan, magmaganda ka lang bakla 'wag mo papansinin si Alyssa kung nand'yan man siya.

Sayang nga lang at binura ko ang blush-on ko dahil kung hindi ko rin naman susundin si momshie, malalagot naman ako sa guard.

Childhood Frenemy ¦ j.jkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon