41

275 41 30
                                    

A L Y S S A

Sunday | 05:06 pm

“Wait, bakit ganyan naman kayo maka-react ha? Normal lang naman sa mag-on ang mag-kiss ha?” tanong ng maikli ang shorts.

“Ah... Oo! Normal lang 'yun pero kailangan ba talagang sa harap niyo kami magha..,” napatigil ako saglit sa sinasabi ko at napalunok. “Maghaha.. Maghahalikan, err!”

“Oo, kailangan niyo. Kakasabi lang 'diba?” tanong naman ng isa na baluktot kanina ang grammar.

“Aba't!” akmang susugurin ko na sana si Leche two ng pigilan ako ni Luke.

Okay, tatawagin ko na nga lang silang leche one at leche two para 'di na 'ko mahirapan.

“Kailangan pa ba talaga naming maghalikan sa harap niyo para lang mapatunayan na kami talaga? Hindi pa ba halata na mag-on kami ha? At para sa kaalaman niyo, we need some privacy while we are kissing so respect us, okay?” sabi ni Luke na nagpanganga sa'kin hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa english niya.

Pero nakakagulat rin pala ang sinabi ng bakla! May nalalaman na siyang privacy d'yan ha?

Pero anong ibig niyang sabihin we need some privacy? Bas2s 2 ha?!

“Well, wala akong pakialam dahil kung hindi kayo magki-kiss sa harap namin, ako ang hahalik sa'yo baby boy!” sabi ni Leche one.

“Mukhang 'di ka na papakawalang niyan bakla. Aalis nalang ako dito.” bulong ko kay Luke.

“'Wag kang aalis gaga please! Help me!” bulong niya sa'kin.

Napabuga nalang ako ng hangin at napakamot ng ulo.

“Ano na? Kiss na!” sabi ni leche two.

Kiskisin ko 'yang mukha mo sa pader makita mo! Lakas ng loob mag-utos!

Nakatingin lang ako sa kalsada ng bigla may naramdam akong humalik sa pisngi ko.

WAIT?! HUMALIK?!

Tinignan ko si Luke na masamang nakatingin sa dalawa.

Pucha 'tong bakla 'tong! Hindi manlang ako in-inform?! Sana naman in-inform niya ako para naman nakapag-ready ako 'diba?!

CHAROT!

“Oh ano? Happy?!” inis niyang tanong.

“Hindi! Dapat sa lips para mapatunayan niyo talaga ” sabi ni leche one.

Napatingin naman ako kay Luke na nanlulumo.

Grabe lang ha?! Dapat nga ako ang manlumo dahil naglalakad lang ako pauwi tapos bigla akong napunta sa sitwasyon na 'to!

“Ano na? We going to counts.” sabi ni leche two na nag-english nanaman.

Childhood Frenemy ¦ j.jkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon