FINALE

121 31 3
                                    

A L Y S S A

One week na ang nakalipas simula 'nung bumalik kami dito sa probinsya namin at ang masasabi ko, ayos na ako.

Ayos nga ba?

Napahiga ako sa aking kama at tinignan ang puting kisame. Sinong bang linoloko ko? Syempre hindi ako ayos.

Ikaw ba naman kinamuhian ng isang tao na hindi mo alam kung anong dahilan. Oo ayos nga ako, nakakatawa.

One week na akong nandito pero hindi pa ako lumalabas ng bahay kahit gustong-gusto na akong makita ng mga kaibigan ko rito.

Ewan, nakakawalang gana.

Nandito ako para sana ma-refresh sa mga nangyari pero mukhang hindi naman nakakatulong ang pagbalik namin dito.

Masakit parin, eh.

Simula ng makabalik kami dito, nag-deactivate ako ng mga social media accounts ko at tanging text lang ang ginagamit kong pang-communicate kila Via at sa iba ko pang kaibigan.

Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng aking kwarto.

"Aly! Kakain na tayo ng pananghalian." sigaw ng Mama ko sa labas ng kwarto ko.

"Sige, Ma! Baba na ako." tugon ko sakanya.

Kakain nanaman. Parang kakakain ko palang kanina, ha?

Malamang, dinadaan ko kasi sa kain 'yung pagiging brokenhearted ko kaya hindi na ako magtataka kung bibigat ang timbang ko.

Stress eating lang ang peg!

Naku! 'Wag lang magmakaawa na lumapit sa'kin si Luke dahil hindi ko na siya papansin muli. Nagalit siya sa'kin ng walang dahilan tapos sinigaw-sigawan pa ako?

Wala manlang akong kaalam-alam tapos ginanon niya ako? Hindi manlang sinabi ang dahilan.

Kahit manlang sabihin niya na "Putangina mo Aly! Napakaarte mo kaya hindi na ako maghihintay sa'yo!"

Mas katanggap-tanggap pa 'yung gano'n! Pero mukhang hindi lang basta mababawa dahilan niya.

Huminga nalang ako ng malalim saka tumayo mula sa kinahihigaan ko at lumabas na sa aking kwarto.

xx

"Aly, one week ka ng hindi lumalabas ng bahay, ha? Ano bang balak mo?" tanong ni Mama habang kumakain kami ng pananghalian.

"Magpapataba 'yan si ate kaya hindi nalabas! Kain ng kain, eh!" natatawang sabat ng aking nakababatang kapatid na babae.

"'Wag ka ngang epal!" nakanguso kong sabi sa kapatid ko. "Baka po mamaya lumabas na ako, Ma." sagot ko kay Mama saka sumubo ng kanin.

Pero hindi ko lang sure!

"Talagang lumabas ka, Aly. Maglilinis ako ng bahay kaya maggala-gala ka muna kasama mga kaibigan mo."

"Paano naman ako, Mama? Pwede rin ako maggala?" tanong ng kapatid ko.

"Ikaw? Tumulong ka sa'kin, Alexa." sabi ni Mama na ikinatawa ko.

Childhood Frenemy ¦ j.jkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon