84

120 33 8
                                    

J A S P E R

Naii-stress ako sa bakla kong anakiz! Nakakagigil siya sa totoo lang. May pa-hair clip hair clip pa siya kahapon kala mo kagandahan!

Pero anong kagagahan ba ang ginagawa 'nun? Akala ko ba fafa na siya? Hay nako, parang naalala ko nanaman ang scenario na 'to. Ako nanaman ang gagawa ng paraan katulad ng ginawa ko kay George na nag-iinarte pa, fafa naman pala!

Pero iba nga lang 'to, mukhang sobrang laki ng galit niya kay Aly girl, ha? Hindi ko knows kung ano ba talaga ang nangyari. Hindi naman kami nakinig sa usapan nila ni Aly kahapon para respect na rin.

Pero sana nakinig nalang aketch, chismis din 'yon, ano?

Charot!

Hay nako! Imbes na nakikinig ako sa lesson, iniisip ko yung about kay Aly at Luke kalerkey! Pinoproblema ko nanaman ang problema ng iba!

Pero si gagang Luke, hindi pumasok ng hapon. Nabwiset siguro kasi ginugulo siya ni Vincent hanggang lunch. Si gagang Vincent eh sumabay din kila Astrid para dakdakan lang si Luke, ayan tuloy.

Nako, nako, nakooo! Napag-usapan naming mga bakla na puntahan mamaya si Luke sa bahay nila para konprontahin.

Naaawa na rin ako kay Aly girl, 'no! Ikaw ba naman pakiligin tapos biglang magagalit sa'yo! Mas matindi pa 'yun sa ghosting, kakaloka!

Ilang oras pa ay natapos na rin ang mahabang discussion and finally, uwian na!

"Ano mga bakla? Gora na ba tayo?" tanong ko sa tropa kong beki featuring two fafas.

"Oo, nakakabwisit talaga si Luke!" galit na galit gustong manakit na sabi ni Vincent.

Ewan ko ba sa baklang 'to, apektadong-apektado. Concern ba siya kay Aly or sadyang malaki talaga ang galit niya kay Luke ngayon? Warla sila, eh.

"Kalma!" sabi ni Nathan, ehe.

"Mga bakla, pass muna ako." hindi mapakaling sabi ni Harvey, kahapon pa 'to ganito, eh. I smell fishy or si Via lang 'yun kasi hindi pa nalabas ng room, eh. Charot!

"Bakit? Kahapon ka pa, ha? Hindi ka mapakali." tanong ni George.

"Oo nga." sang-ayon naman ni Clyde.

"Ah, basta!" sabi niya tapos nagtatatakbo na palabas.

"He knows everything." sabi ni Nathan.

"Ha?" tanong ko

"Hatdog!" sagot ni Clyde. Amputa talaga nito, eh! Paghiwalayin ko sila ni Maxy, eh!

"Obvious naman sakanya na may alam siya about sa dalawa." sagot ni Nathan at umiling-iling.

"Tara na mga bakla, si Luke na mismo tanungin natin." sabi ni Vincent na sinang-ayunan naman namin.

××

Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila Luke, agad-agad akong nag-doorbell.

Childhood Frenemy ¦ j.jkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon