56

190 34 22
                                    

kahapon pa sana 'to na-post eh bwiset lang si wattpad HAHAHAHA! so ito na, enjoy!

××

Thursday | 02:35 PM

L U K E

Wala pang 3:00 ay nandito na ako sa labas ng bahay ng mudrakels ko na si Jasper. Maarte kasi si dadeh Nathan kaya bawal ang late sa call time. Buti na nga lang eh naunahan ko siya na dumating dito para wala na siyang sabihin sa'kin na kung ano-ano. Buti nalang nag-chat siya sa GC na otw palang siya kaya nalaman ko na wala pa siya sa loob ng bahay ni Inay.

Hay nako! Dadeh ko laging mainit ang ulo! Brokenhearted ba naman.

“Batang bakla!”

“Ay tete ng hapon!” napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. “Inay naman, eh! Bakit ka nanggugulat?!” inis na tanong ko kay inay Jasper nang nilingon ko siya.

“Hindi ako nanggugulat, 'no! Sadyang nakatulala ka lang sa kawalan! Bakit ba ayaw mo pang pumasok sa loob, ha?”

“Hinihintay ko si Dadeh Nathan, eh! Kakausapin ko agad baka kasi tanggalin niya parin ako sa grupo alam mo naman 'yun.”

“Hindi 'yan gaga ka ba?! Pumasok ka na nga dito!” sabi niya saka binuksan pa ang gate ng mas malawak. Napanguso na lang ako saka pumasok nalang sa bahay ni Inay.

Pagkapasok ko nakita ko agad ang iba kong kagrupo. Mga takot rin ata kay Dadeh 'tong mga 'to.

“Wow bakla! Himala ang aga mo ata sa call time!” pang-aasar ni Vincent na nakaupo sa pang-isahang sofa.

“Wow himala rin at pumunta ka dito! Hindi ka nga nangsee-seen sa GC kagabi, eh.” inirapan ko siya saka tumabi kay Inay na kakaupo lang din sa sofa.

“Jasper, wala bang pakain d'yan? Pakain ka naman!” demanding na sabi ni Celes habang nakaupo sa sahig katabi si Blossom na nagla-laptop.

Oo, sila ang nakaupo sa sahig. Ang gentlegirl nila, diba? Charot!

“Kapal talaga ng mukha.” iiling-iling na sabi ni Inay saka hinagis kay Celes ang hawak niyang eggnog.

“Thanks!” tuwang-tuwa na sabi ni Celes saka nilantakan ang eggnog.

“Ano mas gusto mo? Eggnog o si George?” tanong ko kay Celes.

“Syempre egg ni Geor— este si George pala enebe!” malanding pagkakasabi ni Celes. “Eh, ikaw ba? Ano mas gusto mo? 'Yung English subject natin o 'yung almost kiss niyo ni Alyssa?”

“Puta ka!” binato ko siya ng unan na naiwasan niya naman.

“Pakyu ka! Mambato raw ba ng unan?!”

“Ikaw kasi, eh!”

“Ako pa talaga, ha?! Eh ikaw nga unang nagtanong leche 'to!” inirapan niya ako.

Magsasalita na sana ako ulit ng biglang may pumasok sa pinto kaya natigil ang pag-aaway namin ni Celes.

Si Dadeh Nathan nand'yan na!

Childhood Frenemy ¦ j.jkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon