58

159 36 18
                                    

Thursday | 06:30 PM

L U K E

Wait lang? Ang tanong lang naman sa 'kin ni Master- i mean Astrid ay kung magkakilala na ba kami noon ni Alyssa?

Edi sasabihin ko nalang na oo! Bakit ba ako kinakababahan? As if namang malalaman nila 'yung biggest secret ko, hmp!

"Yup, magkakilala nga kami. Classmate kami noong Grade 1 ako." kaswal kong sagot.

"Classmate kayo? Bakit 'di mo manlang naikwento sa'min? 'Di mo manlang shinare kadamutan mo talaga." nagme-make-face na litanya ni baklang Vincent.

"'Di naman kasi importante 'yun." inirapan ko siya habang nakanguso.

"Classmate lang? Sure ka ba d'yan?" tanong naman sa'kin ni Inay Jasper.

"Bakit ko sasagutin 'yan? Nasagot ko na ang tanong sa'kin ni Astrid tsaka 'di naman ikaw ang magtatanong so shut up ka nalang, Inay."

"Aba! Ginaganyan-ganyan mo na ako ngayon, ha? Lagot ka sa'kin kapag ikaw ulit ang natapatan dahil ako na ang magtatanong sa'yo sa ayaw at sa gusto mo." gigil na sabi ni Inay.

"Balakajan" inirapan ko siya saka inikot ang bote.

Napalunok ako ng tatlong beses dahil sa'kin ulit tumapat ang bote.

"So ano, anak? Nagsisisi na ba you?" mapang-asar na tanong ni Inay Jasper.

"Luh! Madaya dapat si Astrid ulit magtanong!" sabi ko taz tumingin kay Astrid pero iiling-iling lang siya.

Ay! Grabe ang ate mo girl! Porket umamin na gaganyanin na ko?! Grabe Grabeee!

"Wala ka ng magagawa."

"Uuwi na lang ako bala kayo d'yan!" tatayo na sana ako pero bigla nasalita si Dadeh.

"Edi umuwi ka para 'yung grade mo, uuwi na rin."

"Joke lang kayo naman!" sabi ko tapos umupo na ulit.

Leche ka Dadeh!

"Truth or Dare?" tanong ni Inay habang nakataas ng kilay. Kala mo naman kinaganda niya 'yun! Charot!

"Truth, wala naman akong magagawa." inis kong sagot.

"Classmate lang ba talaga kayo ni Alyssa?" nakangising tanong ni Inay Jasper.

"Oo!" inis kong sagot.

"Weh? Talaga ba?" Mapang-asar na tanong ni Celes.

"Oo nga!"

"Talagang-talaga?" tanong naman ni Blossom.

"Bakit ba ang kulit niyo? Oo nga classmate lang kami ng Grade 1!"

"Totoo ba yan?" tanong din ni Vincent.

"Nakakaloka na kayo, ha! Ano ba 'yung hindi niyo ma-gets sa classmate lang kami nung Grade 1?"

"Kung nagsasabi ka talaga ng totoo, sige nga inumin mo 'yung tatlong shot glass ng ampalaya shake na may sili." sabi ni Dadeh Nathan habang tinuturo 'yung ampalaya shake sa mesa.

"Ano?! Ayoko nga kadiri kaya 'yun!"

"Edi nagsisinungaling ka nga." umiirap na sabi ni Vincent.

"Hindi kaya."

"Edi inumin mo. I.nu.min mo." Nakangising utos ni Celes.

"Inumin mo na kasi kung hindi ka talaga nagsisinungaling." naiinip na sabi ni Warren.

Ay? Nandito pala siya? Charot!

"Hindi ko iinumin 'yan kahit ano pang sabihin niyo!"

"Talaga ba? Kahit sabihin ko na aalisin na kita sa listahan para wala ka ng Grade sa research."

"Hala! Grabe ka naman Dadeh!"

"Aalisin kita sa listahan o iinumin mo 'yang ampalaya shake na 'yan kung nagsasabi ka talaga ng totoo."

"Ano, anak? Decide!" natatawang sabi ni Inay Jasper.

"Grabe pinagtutulungan niyo talaga ako, 'no?"

"Inumin mo na kasi!" sabi ni Celes.

"Iinom na 'yan! Iinom na 'yan! Iinom na 'yan!" sabay-sabay nilang sabi.

"Shet kayo!"

"Iinom na 'yan! Iinom na 'yan! Iinom na 'yan! Iinom na-"

"Tangina oo na! Crush ko si Alyssa nung Grade 1 kami pero tangina niya kasi lagi niya kong sinasabihan ng bakla kaya ayan tuloy naging bakla talaga ako! May balak pa naman ako nung Grade 1 ako na once na lumaki kami aayain ko-" napatakip ako ng bibig dahil sa gulat.

"Ano nga ulit 'yung sasabihin mo? Aayain ng ano?" nakangising tanong ni Inay Jasper.

"W-wala 'yun." nauutal kong sagot saka napalunok.

Bwisit na bunganga! Pucha 'yung childhood secret ko na ako lang nakakaalam nasabi ko na!

"Uy, nai-record ko 'yun skl!" tuwang-tuwang sabi ni Vincent. "Kaya magpakabait ka sakin, Luke." nakataas kilay niyang sabi.

"Leche ka!"

"Uy Luke sabi ni Blossom makikipagpalit daw siya ng group kay Alyssa para dito si Alyssa kasama mo tapos si Blossom naman kasama si Harv- Aray ko!" hindi natuloy ni Celes ang sasabihin niya kasi kinurot siya ni Blossom.

"Leche kabwisit kayong lahat!" inis kong sabi habang nakanguso.

Nagsitawanan lang sila at naisipan na maglaro ulit ng spin the bottle.

meanwhile...

A L Y S S A

Kumakain kami ngayon ng icecream dahil kakatapos lang namin 'yung Chapter 3 ng ginagawa naming research.

Habang kumakain bigla akong nabilaukan kaya uminom agad ako ng tubig.

"Via, penge ng number."

"Number 12 girl."

"ABCDEFGHIJKL.. L?"

"Uy! Baka si Luke! Baka pinag-uusapan ka nila ngayon doon sa bahay nila Jasper!" natatawang sabi ni Via.

"Gaga!"

××

sa part 53, 'yung sinasabi ni Luke doon na "pUCHA NAMAN KASI! BAKIT KA PA NAG-TRANSFER DITO?! AYAN TULOY PARANG BUMABALIK PERO IBA NA YUNG EFFECT KASI TEENAGER NA IS ME WAHHHHH!!"

meaning 'nun bumabalik pagka-crush niya kay Aly na anak ko HAHAHAHA! so ayun, may iba pa kong hindi nire-reveal sa epistolary na 'to hehe!

and sorry pala guiz if ngayon ko lang ito na-UD kasi dami ko napagdaan last month pero okiee nanaman ako hehe! ready to update na ulit uwu!

Childhood Frenemy ¦ j.jkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon