78

193 33 12
                                    

L U K E

At dahil shushunga-shunga ako, sa huli ay naglakad nalang ako pauwi sa amin.

Sayang effort ko sa pagpapalusot pero okay na rin kasi nakaganti na ako sa Vincent na 'yun.

Nang makarating na ako sa bahay ay dahan-dahan kong binuksan ang gate namin baka kasi marinig ni momshie ang paglangitngit ng gate eh napakaingay pa naman nitong gate na 'to parang si Via, kaloka!

Nang makapasok na ako sa gate ay dahan-dahan akong naglakad papunta sana sa likod ng bahay namin ng may narinig akong pamilyar na boses mula sa loob ng bahay namin.

"Ayos naman po si Luke kaso po minsan may pagka-shunga sa ibang subjects." sabi niya at tatawa-tawa pa ang gaga na halatang si Aly.

Ano ginagawa ng babaeng 'to dito? At close sila ni momshie, ha?

At teka lang, nilalaglag ba ako nito kay momshie? Kaloka ha!

"'Di naman nakakapagtaka 'yung shushunga-shunga siya." natatawang sabi ni momshie.

Sabi ko nga, wala ring kwenta kahit ilaglag ako dahil si momshie mismo ang nagsasabi sa 'kin araw-araw kung gaano ako ka-shunga.

Lumapit ako sa may bintana ng sala namin para mas malinaw kong marinig 'yung pagchi-chikahan nila. Buti nalang at may kurtina kaya 'di nila ako masyadong makikita dito.

"So, ano ng meron sa inyo ni Luke? Kayo na ba? Alam mo naman na since elementary ikaw na ang nakikita kong daughter-in-law." dugtong ni momshie habang kinikilig na tumatawa.

Pero ano raw? Since elementary? Daugther-in-law?

Pero bet ko naman kaya keri na rin, charot!

"'Yun nga po, gaya po ng chinat ko sa inyo, may gusto po siya sa 'kin."

Biglang tumili si momshie ng pagkalakas-lakas kaya napatakip ako ng tenga.

Ano ba 'yan! Kahit kailan talaga ang ingay nitong nanay ko, eh!

"So ano naman 'yung reaksyon mo nung nalaman mo 'yun?" tanong ni momshie ng makamove-on na siya sa pagtili. Bigla naman akong napaayos ng tayo dahil ito 'yung pinaka-magandang tanong ni momshie.

"Ano po, natawa? Kasi po 'di ko aakalain na magkakagusto siya sa 'kin eh baklush siya tapos gano'n. Tapos po nung narinig ko 'yung voice record niya na sinasabi ko po sainyo sa chat eh tawang-tawa talaga ako doon kasi ang korni. Tapos 'yung mga comments and chats niya? Hanggang ngayon tawang-tawa ako kasi para lang po siyang shunga tapos kinikilabutan din ako." tatawa-tawang sabi ni Alyssa.

Natawa? Korni? Shunga? Kinikilabutan?

Teka, pinaparating ba niya na katatawanan lang 'yung feelings ko sakanya?

"Sorry po sa words pero mukha lang po siyang gago." tatawa-tawa niyang dugtong.

Napangiti ako ng mapakla.

Parang alam ko na 'yung sagot, ha?

Nice, gago lang daw pala ako eh.

Galing.

Hindi na ako nagdalawang isip na umalis sa pwesto ko at umalis sa bahay.

Childhood Frenemy ¦ j.jkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon