77

188 34 9
                                    

L U K E

Nakasimangot ako habang tinitignan ang katabi kong upuan na bakante.

Sino pa nga ba ang katabi kong babaita na wala ngayon? Edi si Alyssa.

Absent nanaman ang gaga!

Break time namin ngayon pero nakaupo lang ako dito sa pwesto ko. Nakakatamad pumunta ng canteen at nakakawala rin ng gana kumain kasi wala si Aly- charot.

Habang tinitignan ko ang katabi kong upuan na bakante, napakunot ako ng noo ng biglang umupo si Vincent sa upuan ni Alyssa na katabi ko.

"Problema mo?" tanong ko sakanya habang nakataas ang kilay. Gigil parin ako sa potang 'to.

"Wala lang bet ko lang umupo sa upuan na 'to." sabi niya habang nakataas rin ng kilay. Pataasan kami ngayon, che!

"Bakit sa upuan pa na 'yan?"

"Bakit nakikialam ka? Sa'yo ba 'tong upuan? Chair mo lang? Chair mo lang?"

Inirapan ko nalang siya dahil kung sasagot pa ako, lalo akong mabu-bwiset sa baklang 'to.

Hay nako, hihintayin ko talaga 'yung time na may babaeng mangbabara dito sa baklang 'to 'yung tipong titiklop siya.

"At dahil bored aketch, makapag-sounds nga! DJ hit the music, pak!" litanya pa ng bakla na hindi ko nalang pinansin.

Dami niya alam!

"Tangina oo na! Crush ko si Alyssa nung Grade 1 kami pero tangina niya kasi lagi niya kong sinasabihan ng bakla kaya ayan tuloy naging bakla talaga ako! May balak pa naman ako nung Grade 1 ako na once na lumaki kami aayain ko-"

Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang ni-record ni Vincent.

"Yieeeeeee!" pang-aasar nanaman ng ibang classmate ko na nandito sa room.

"Hoy puta ka bakit ayan pin-lay mo!" naiinis na sigaw ko kay Vincent.

"Phone ko 'to, eh bakit ba?"

"Puta ka!" inis ko nanamang sabi at kinurot siya.

"Ouch!"

"Bagay lang sa'yo 'yan bakla!"

"Bagay pala, ha? Play nga natin ulit mygosh!"

"Tangina oo na! Crush ko si Alyssa nung Grade 1 kami pero tangina niya kasi lagi niya kong sinasabihan ng bakla kaya ayan tuloy naging bakla talaga ako! May balak pa naman ako nung Grade 1 ako na once na lumaki kami aayain ko-"

"Bwiset!"

At ayun na nga, ang mga bwiset na kaklase ko ay patuloy akong inaasar.

Buti nalang wala 'yung iba pang mga bakla dahil kung nandito sila, lalo lang ako mabu-bwiset.

Sa sobrang ka-bwisitan ko sa kanila, kinuha ko nalang ang bag ko saka lumabas ng room kahit ayokong lumabas.

Kasalan 'to ni Alyssa, eh. Kung nandito sana siya may lovelife na sana ako ngayon- charot.

"Makapunta na nga lang ng school garden, kaloka." bulong ko sa sarili ko.

Nang makarating ako sa school garden, humanap agad ako ng bakanteng upuan at table.

Childhood Frenemy ¦ j.jkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon