57

221 35 14
                                    

Thursday | 06:18 PM

L U K E

Halos kakatapos lang naming gawin ang chapter 3 ng thesis namin kaya nagre-relax relax kami ng konti ngayon dahil finally natapos rin ang mahaba-habang away ni Dadeh at Astrid— este ang mahaba-haba palang paggawa namin ng chapter 3 ng thesis namin.

Kasi naman, eh! Puro reklamo at away ang naririnig namin sa dalawang 'yun kanina pa. Nanahimik na nga lang kami nila Inay, Vincent, Celes at Blossom dahil nahiya naman kami sa kanilang dalawa. Buti na nga lang nand'yan si Warren para awatin si Master Astridie pero 'to namang si Dadeh, masyadong mapang-asar, hmp!

Napunta ang atensyon namin kay Inay ng magsalita siya, “So, ano? Laro na tayo guys!” masayang pag-aaya ni Inay saka kinuha ang bote ng wine na wala ng laman sa ilalim ng mesa.

“Game!” excited na sabi ni Celes.

“Uwi na ako. Ayokong makisali sa silly games mo, Valdez.” malamig na sabi ni Astrid.

“KJ allert.” pagpaparinig ni Dadeh.

“Epal ka?” inis na tanong ni Astrid.

“Tama na 'yan, Astrid. 'Wag mo ng patulan. Sumali ka nalang dito para wala ng masabi sayo.” pigil ni Warren.

'Yung character dito ni Warren taga-awat, eh! Naloka ako!

“So, let's start guys!” excited na sabi ni Inay saka pumwesto na. Nagsipwestuhan na rin kami at tumabi ako kay Vincent at Inay.

“Ako na mag-iikot!” iikutin na sana ni Vincent 'yung bote pero tinapik ni Inay 'yung kamay niya kaya hindi siya natuloy sa pag-ikot. “Ano problema?” nagtatakang tanong ni Vincent.

“May ilalabas lang ako sa refrigerator wait lang!” sabi ni Inay saka pumunta sa kusina.

Pagkabalik niya ay may hawak na siyang tray at may sampu or lampas pa doon na shot glass na nakalagay.

At 'yung laman? Ayun, mukhang ampalaya shake na may sili pa ata.

Napalunok ako sa sobrang pagkadiri sa nakita ko.

AYOKO SA AMPALAYA!

“Obvious naman, diba? Kapag nag-dare kayo, ayan 'yung iinumin. Pero with a twist! Iinumin niyo 'yan habang ginagawa niyo 'yung iuutos sa inyo ng kung sino man ang magde-dare sa inyo, gets?” tuwang-tuwa na sabi ni Inay.

“Gets!” sabi nila Celes, Blossom, at Vincent.

Sila lang tatlo 'yung excited, ako? Kinakabahan!

“Game na!” sabi ni Inay ng maipatong na niya 'yung tray sa mesa saka nagmadaling umupo sa gitna namin ni Dadeh.

Wala pang sinasabi na iikutin na 'yung bote pero si Vincent, inikot agad. Excited much!

Nung una, akala ko sa 'kin tatapat kasi ang bagal nalang ng ikot ng bote pero luckily, kay Dadeh tumapat. 'Yung pwetan naman ng bote, kay Blossom tumapat.

“Truth or dare?” nakangiting tanong ni Blossom.

“Truth nalang para madali. Ayokong gumawa ng katangahan.” walang kabuhay-buhay na sabi ni Dadeh.

“Okiee! So, ito tanong ko. If walang Maxy, sino?”

“What do you mean?” takang tanong ni Dadeh.

Childhood Frenemy ¦ j.jkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon