85

120 33 2
                                    

A L Y S S A

Ano bang nagawa ko? Nung isang araw ko pa iniisip kung ano bang masamang ginawa ko pero wala naman akong maisip.

Nagtanong na ako kay Astrid kung may alam siya pero ayaw daw sabihin sakanya ni Luke, eh.

Ano bang problema? Ano bang mali?

Napangitan na ba siya sa 'kin kaya ayaw na niya?

Meron na ba siyang bagong natitipuhan?

Or na-realize niya na walang kwenta kung papatulan niya ako kaya magiging beki na siya forever and ever?

Pero kawawa Mommy niya kung gano'n, huhu! Edi wala ring saysay 'yung pagpunta ko rito kung gano'n.

Kay kasunduan kasi kami ng Mommy niya at ako kaya napa-transfer ako dito sa School na 'to ng super duper late.

Naki-usap ang Mommy niya sa 'kin sa chat if kung pwede raw tulungan ko si Luke na magpakalalaki kaya ayun, tinulungan ako ng Mommy ni Luke na maka-transfer kahit super duper late and same section pa kami.

Si Mama naman, ayun tuwang-tuwa kasi bet niya rin daw kaming magkatuluyan ni Luke and gusto niya maging mother-in-law ang kumare niya na Mommy ni Luke.

Natatakot kasi si Tita na baka balang-araw hindi siya mabigyan ng apo ni Luke. Maski ako naman na nasa sitwasyon niya matatakot talaga ako kasi kaisa-isahang anak niya lang si Luke.

Ang sabi sa 'kin ni Tita, kahit hindi raw kami magkatuluyan ni Luke sa huli, basta raw tulungan ko si Luke na magpaka-lalaki pero mas okay daw kung ako ang makakatuluyan ng anak niya. Minsan ang kulit ni Tita, eh.

Siguro nagawa ko na naman 'yung part ko? Hindi nga ako masyadong nag-effort, eh.

Siguro I can leave peacefully?

Peacefully nga ba? Hindi ko alam! Kailangan ko muna ng kasagutan, kailangan ko ng closure kahit walang kami.

"Are you okay?" biglang tanong ni Astrid sa 'kin.

Oo nga pala, kasama ko siya. Isip kasi ako ng isip, eh! Na-tyempuhan ko kasi siya dito kaya tinabihan ko na rin siya.

Kanina pa kami nandito sa school garden at nagmu-muni-muni. Buti at mahaba-haba ang vacant.

"Hindi ko alam." sabi ko at nangalumbaba.

"Mapabakla man or straight 'yan, boys will be boys." sabi niya habang nakatingin sa langit. "Mahirap talaga silang espelengin minsan."

"Sa tingin mo kailangan ko ulit siyang kausapin?" out of the blue na tanong ko sakanya.

Ang insensitive ko ba kung manghihingi ako ng advice sakanya? May gusto siya kay Luke, eh. Parang ang sama-sama ko na tuloy tapos isama mo pa 'yung ikinagagalit sa 'kin ni Luke.

Naalala ko tuloy 'yung sinabi niya na kapag nakamove on na siya, siya raw ang unang lalapit. Pero tignan mo nga naman, ako pa 'tong lapit ng lapit kay Astrid kahit na alam ko na may something pa siya kay Luke.

"Kung anong makakabuti sa'yo, sa inyo, gawin mo."

"Paano kung hindi siya makinig?"

Childhood Frenemy ¦ j.jkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon