89

122 33 4
                                    

L U K E

Nandito ako ngayon sa 7/11 na malapit sa school at nakaupo sa isa sa mga table. Dito namin napagkasunduan na magkita ni Astrid.

Importante ata pag-uusapin namin kasi mas uunahin niya 'to kaysa sa pagpapapirma ng clearance.

Ewan ko ba, mukhang ang daming may galit sa 'kin ngayon. Ano bang nagawa kong masama? Kakaloka sila, ha?

Tinignan ko ang oras sa phone ko at 09:15 na pala ng umaga. 15 minutes ng late si Astrid kakaloka.

Ininom ko ang vita milk na binili ko at saka naisipang i-chat si Astrid para malaman kung saang lupalot na ba siya nakarating at bakit pinaghihintay niya ang beauty ko?

Luke: asan ka na teh?

Astrid: di ka ba marunong maghintay? eto na malapit na

Luke: sabi ko nga

Galit na galit?

Ano bang ginawa kong kasalan? Bakit parang kasalan ko? Kasalanan ko? Charot!

Ilang minuto pa ay sa wakas, dumating na si Astrid. Agad siyang lumapit at umupo sa harap ko.

"Sorry, sadyang mahaba lang 'yung pila sa library." paliwanag niya sa 'kin.

"Nagpa-clearance ka na?! Maduga 'to!" gulat kong sabi. Kaya pala ang tagal-tagal dumating ayun pala nagpa-clearance na pala.

"Hindi mo deserve ang oras ko." bored niyang sabi sa 'kin.

"May galit ka ba sa 'kin? Grabe ka Master Astridie parang wala tayong pinagsamahan, ha?" nakasimangot kong sabi.

"Hindi ako galit sa'yo. Galit ako sa katangahan mo." iiling-iling niyang sabi. "Ano bang ikinagalit mo kay Alyssa, ha? Bakit napunta sa ganito?" dugtong niya.

Alyssa nanaman.

Huminga ako ng malalim at saka ikinwento sa kanya ang buong pangyayari. Mula sa sinabihan akong gago ni Alyssa hanghang sa pagtapos ng kung ano mang namamagitan samin.

Nang matapos akong magkwento ay walang sinabi si Astrid at nakatingin lang sa 'kin ng walang emosyon.

"Tapos na Astrid." tawag ko sakanya ng wala manlang siyang sinabing kahit ano.

"So, that's all?" tanong niya.

"Oo nga, kakasabi ko lang."

"Can I slap you?" sasagot palang sana ako ngunit nabigla ako ng sampalin niya na ako agad. Napahimas naman ako sa pisngi ko. "Totoo naman kasi napakagago mo!" inis niyang sabi.

Nagsitinginan naman ang ibang tao dito sa 7/11 at nagbulungan.

"At may mag-jowa nanaman pong nag-break sa 7/11." dinig kong sabi nung isa.

"We're not!" sagot naman ni Astrid. Mukhang narinig niya din, ha?

"Ang sakit naman!" reklamo ko habang himas-himas parin ang pisngi.

"Ang sabi ko magka-usap ang Mom mo and si Aly then umalis ka na pagkatapos mo marinig 'yon, right? Ang tanga mo sa part na 'yon sa totoo lang. Hindi ka manlang nag-stay pa para malaman mo kung may karugtong ba 'yung sasabihin ni Aly." inis na inis na sabi niya habang umiiling.

Wow, ganyan din 'yung sinabi ni dadeh Nathan, ha? Parehas talaga sila ng takbo ng utak.

"Kung ikaw 'yung nasa sitwasyon ko, masasaktan ka rin panigurado kaya aalis ka nalang." paliwanag ko.

"No, hindi ako kagaya mo kaya 'wag mong sabihin 'yan sa 'kin."

Okay, medyo barado ako doon.

"Dumating kayo sa point na ganito ng dahil lang doon? Ni hindi mo tinanong 'yung explanation ni Alyssa? Hindi ka talaga nag-iisip. Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit ako nagkagusto sa isang tulad mong sarado ang tenga sa explanation." napasandal siya sa glass window sa tabi namin at minasahe ang noo.

"Sa tono palang ng pananalita niya, parang wala siyang gusto sa 'kin." seryoso kong sabi.

Bakit ba lahat ng tao kay Alyssa nakampi? Hindi manlang nila kino-consider feelings ko kakaloka!

"Wala siyang gusto sa'yo sa lagay na 'yan, ha? Kitang-kita ko 'yung pag-iyak niya nung araw na nag-usap kayo. Lumayo lang ako ng konti pero hindi ko narinig 'yung pag-uusap niyo. Na-witness ko kung paano nasaktan si Aly and sasabihin mo sa 'kin ngayon na wala siyang gusto sa'yo? Unbelievable! Mukhang ikaw nga 'yung hindi nagse-seryoso d'yan." inis niyang sabi.

"Eh--"

"Shh!" magpapaliwanag pa sana ako ulit pero pinatahimik niya ako. "You love Aly, right?" seryosong tanong niya sa 'kin.

"Ha?" nagtataka kong tanong.

"Hatdog-- I mean, Mahal si Aly, 'di ba? Gusto pa tinatagalog, eh!" inis niya nanamang sabi.

Napayuko naman ako ng itanong niya ulit sa 'kin 'yon.

Mahal ko ba si Alyssa?

"Oo at hindi lang ang sasabihin mo, Luke. Oo at hindi lang."

Napalunok ako dahil sa sinabi niya at saka siya sinagot. "O-oo?"

"Bakit patanong?"

"Oo na oo na! Mahal ko siya."

"Eh bakit ganon? Nang dahil lang doon sa mga sinabi niya magagalit ka? Kung ganyan naman pala eh parang hindi mo naman talaga mahal si Aly."

"Tatanungin kita ulit, mahal mo ba si Aly?"

"Oo.." mahinahon kong sagot sakanya.

"Then go, ask a question! Itanong mo lahat para maliwanagan kang utak talangka ka! Hingian mo siya ng explanation linawin niyo ang lahat habang may oras ka pa." huminga siya ng malalim bago ipagpatuloy ang sasabihin niya. "Hindi ko na sana sasabihin 'to kasi humingi sa 'kin ng pakiusap si Aly. Nauna na siyang magpa-clearance kahapon dahil nag-decide siya na mag-transfer na lang ulit sa school niya dati. Hindi niya raw kaya na magpakita pa sa'yo kasi ayaw niyang maramdam 'yang walang kwenta mong pagkakagalit sakanya. Ayaw niyang kasuklaman mo siya lalo kaya siya na raw ang lalayo sa'yo."

"A-no?!" gulat na gulat kong tanong.

"I'm sure hindi pa sila nakakaalis ngayon kaya may oras ka pa. Bilisan mo na! Pinapalaya ko na rin ang feelings ko sa'yo, stupid!" sabi niya at saka ininom ang vita milk na in-order ko.

Okay, sige. Pagbibigyan ko na siya sa pag-inom niya sa vitamilk ko tutal mas importante naman ngayon si Alyssa.

Dahil sa sinabi ni Astrid, nalinawan ako.

Tumayo na ako at lalabas na sana pero napatigil ako at napakamot sa ulo ko.

Oo nga pala, hindi ko parin alam kung saan ang bahay nila Alyssa.

Napabalik ako sa inupuan namin ni Astrid na ipinagtaka niya naman.

"Astrid, hindi ko nga pala alam 'yung bahay nila Alyssa." sabi ko habang tumatawa ng peke at nagkakamot ng ulo.

Napasapo naman ng noo si Astrid pagkatapos ay linisikan ako ng tingin.

"Ask your Mom. Ikaw na rin 'yung nagsabi na magkakilala sila ng Mom mo dahil sa pag-uusap nila. Gusto mo ba samahan pa kita magtanong?" sarkastika niyang tanong.

"Oo sana." sagot ko habang nagkakamot padin ng ulo. Natatakot ako magtanong mag-isa kay Momshie baka sapakin ako.

"Really Luke, really?" iiling-iling na sabi niya at saka tumayo.

Rereklamo pa sasama rin naman.

××

last one chapter and then, epilogue na hehez! thank you in advance guiz! salamat sa mga nagtyaga na basahin ang walang kwentang epistolary na 'to hehez!

Childhood Frenemy ¦ j.jkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon