Chapter Eight: Busugin mo.
Pagkatapos ng buwis buhay na performance niya, hindi niya na inalam kung ano ang naging reaksyon ni John. Gusto niyang isipin na nagustuhan nito ang ginawa niya kaya lang, mukhang there’s a point na parang nagalit ito eh? Alam na kaya nito ang nararamdaman niya para dito? Obvious naman yata do’n sa ginawa niya ‘di ba?
Tiningnan niya ulit ‘yong listahan ng mga dapat niyang gawin. She’s wondering kung tumatalab ito kay John. She has a feeling kasi na magkaiba ang paraan ng pagpapa-inlove sa isang tunay na lalaki at sa mga katulad nito.
Kung bakit kasi hindi niya ipinilit kay Sharine na mag-isip ito ng tips on how to make a gay fall in love. Pero ‘di bale na. For now, susubukan muna niya ito. Meron namang kasabihan na, “if plan A didn’t work, there’s still 25 letters in the alphabet left.” Hindi pa kasama ang “NG” d’yan ‘pag alpabetong Filipino ang ginamit.
Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip sa susunod niyang hakbang nang biglang tumunog ang message alert tone niya. Tiningnan niya ang screen at nagtaka siya dahil unknown number ang nnakaflash doon. She opened the message and it says: Ayoko nang maulit ang ginawa mo sa office ko kahapon.
Sa istilo ng pananalita nito, alam na niya kung sino ang sender. Instead of getting discourage, she smile as she type her reply: Ok, hindi na ulit ako kakanta sa office mo.
Normal lang naman siguro sa bakla na magalit sa isang babaeng manliligaw. Totoo naman ang sinasabi niya, hindi na ulit siya kakanta sa office nito dahil magpapadala naman siya ng cookies at cakes sa bahay at opisina nito. She will let him see that he will need someone like her in his life. ‘Yong hindi lang maganda, sexy, mayaman, talented at matalino kundi marunong ding magluto. Tingnan lang natin kung hindi siya mainlove sa mga cookies ko.
***
(Kisha’s POV)
Naisip kong mag half-day na muna. Dadalhin ko na lang ang mga dapat kong gawin ngayon sa bahay. Okay lang kahit na umagahin ako sa trabaho basta ang importante magawa ko pa rin ang tungkulin ko sa company namin. Ayoko namang pabayaan ang trabaho ko, sa pagkakaalam ko kasi, love produces positive outcomes. At alam ko na true love talaga ‘tong nararamdaman ko dahil mas lalo akong naging masipag sa trabaho. Pampadulas kay Daddy pag gusto ko ulit um-absent. Nyahahaha! Just Kidding!
Palabas na ‘ko ng office nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sharine’s calling.
“Hello?”
“There you are! Oh? Kamusta na? Bakit hindi ka na nagpaparamdam?”
“Busy ako eh.”
“So, ipinagpalit mo na talaga ako sa baklang nililigawan mo?”
“Hindi kaya! Ayaw lang kitang istorbohin ‘no?”
“Sa tinagal-tagal na ng pagkakaibigan natin ngayon ka lang nakapagdesisyon na ‘wag akong istorbohin? Ikaw talaga Kisha, ano’ng tingin mo sa’kin, eng-eng?”
“Kasi Sha, parang basted yata ako eh.”
“Agad-agad?”
“Parang.”
“Normal reaksyon lang ‘yan ng mga katulad niya ‘no! Nandidiri siguro kasi babae ang nanliligaw sa kanya.”
Hindi ko alam kung natatawa si Sharine o naaawa sa’kin.
“So, ano nang plano mo?” Tanong niya sa’kin matapos ang sandaling katahimikan.
“Tatapusin ko ang Plan A Sha, maaga pa para sumuko.”
“Honestly, hindi ko alam kung matutuwa ako sa lakas ng fighting spirit mo o matatakot ako para sa’yo.”
“’Wag kang mag-alala Sha, nakahanda ako ano man ang mangyari.”
BINABASA MO ANG
HELP! I'm in Love with a gay! (FINISHED.)
Non-FictionPaano kung yong taong mamahalin mo ay hindi bet ang mga kalahi ni Eba? Kaya mo kayang ipaglaban ang nararamdaman mo para sa isang lalaking mas kikay pa kesa sayo?