Chapter Ten: The pick-up line princess.

876 33 5
                                    

Chapter Ten: The pick-up line princess.

Kahit puyat ng nagdaang gabi, maaga pa ring gumising si Kisha upang gumawa ng chocolate cookies. And as usual, nagawa niya ito ng walang ka hirap-hirap.

“Good morning baby!” Masiglang bati sa kanya ng kanyang Mommy.

“Good morning Mom!”

“Ba’t ang aga mong nagising?”

“Wala lang ginawan ko lang kayo ng cookies.”

Awtomatikong lumipad ang mga mata ng kanyang Mommy sa mesa.

“Wow! Ang sweet naman ng baby ko!” Sabi nito sabay pulot ng isang cookie.

“Hmm .. It tastes good!” Dugtong pa nito.

“Good lang Mommy?”

“Sige na nga, it tastes AWESOME!”

“’Yan ang gusto ko sa inyo Mommy eh, hindi kayo madamot pagdating sa pambobola.”

At nagtawanan silang dalawa. Gumawa naman talaga siya para sa Mommy at Daddy niya. Pero iba naman ‘tong ginawa niya para kay John. She puts some icing on top of it.

“Para kanino ‘to?” Tanong ng Mom niya ng mapansin ang isang box na siya mismo ang nag decorate.

“For a friend Mom.”

“A friend?” Tanong ng Mommy niya na tila nanunukso.

“Yep.”  Nakangiting sagot niya.

“Parang may kahulugan ‘yang mga ngiti mo ah?” Nanunuksong tanong nito.

“Si Mommy talaga, ano’ng tingin niyo sa ngiti ko, dictionary?”

“Oo, pati nga ‘yang mga mata mo eh.” Nakangiting sabi pa rin nito.

“Si Mommy talaga kung anu-ano ang nakikita. Nabitin ka lang yata sa mga halik at yakap ni Dad eh!”

Napahagikhik naman ang Mommy niya.

“Oh? Kitams?! Bumalik ka na nga lang do’n sa tabi ni Dad, Mom … mabaliw ka pa d’yan eh! Alis na nga po pala ako, sa condo na lang ako maliligo at magbibihis.”

Natatawang nagpaalam na siya sa kanyang Mommy.

Her condo unit is just a thirty-minute drive away from their house kaya alam niyang hindi siya male-late kung sakali. It’s only six o’clock in the morning at nine o’clock pa magsisimula ang office time niya. She only spends half an hour with her shower and the rest of her two hours allotted time for her preparation before going to work ay para sa pagpili kung ano ang accessories at make-up ang gagamitin niya. Pero ngayon, babawasan na muna niya ng konti ang oras para sa kaartehan niya. 

Pagdating niya ng kanyang condo ay agad niyang kinuha ang notebook niya. She’s thinking about some words na makakapagpakilig sa kanyang iniirog. Kaya lang, parang hirap na hirap siya, bakit? ‘Wag nang magtanong. Alam niyo namang NBSB ‘yong tao eh!

Ano pa nga ba ang makakatulong sa kanya? Eh, di ‘yong bestfriend niya na bestfriend ko rin o mas tamang sabihin na bestfriend nating lahat!

She opened her laptop and search in google “cheesy pick-up lines”. At an instant, ayon! Marami na siyang napili. Kung corny man o hindi ‘yong mga napili niya? Kayo na lang ang humusga!

***

(John’s POV)

Nagulat ako nang sinalubong ako ni Aimee. She’s smiling widely at me.

“Ano’ng nginingiti mo d’yan?”  Tanong ko sa kanya.

“Kasi meron po’ng nagpadala ng cookies para sa inyo.”

HELP! I'm in Love with a gay! (FINISHED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon