Chapter Five: I'm in love.
(Kisha’s POV)
Kanina pa naka-alis si John pero hindi pa rin maalis sa utak ko ang nangyari kanina. My gosh! We kissed! Hindi ko talaga inaasahan na magiging ganito ang first kiss ko. Hindi man lang ako nakapaghanda! Sana naman nakapag-toothbrush at mouthwash muna ako kanina ‘no? Teka nga pala, seryoso na kaya ‘tong nararamdaman ko? Oo, gusto ko ‘yong tipong ililigtas at ipagtatanggol ako pero gusto ko naman ‘yong totoong lalaki. Uwaaaaa! Ayoko sa bakla.
I turned on the radio and listen to my favorite fm station. Baka sakaling may mapulot ako dito. Mahilig kasi akong makinig sa program nila na kung saan tumatawag ‘yong merong mga love problems tapos binibigyan ng advice ng mga callers at ng DJ mismo.
“Let’s hear it from our last caller .. Hello?” Narinig ko na naman ang boses ng paborito kong DJ na si DJ Lex.
Caller: Hello po.
DJ Lex: Good afternoon. Ano po’ng pangalan nila?
Caller: Tawagin niyo na lang po ako sa pangalang Meeko.
DJ Lex: Ano’ng maitutulong namin sa’yo Meeko?
Caller: Eto po kasi ‘yon, meron po akong bestfriend na tomboy. Matagal na po kaming magkaibigan hanggang sa nagising na lang po ako isang araw na nag-iba na po ang tingin ko sa kanya. Mahal ko na po siya pero nahihirapan po ako kasi babae ang type niya.
Oh tadhanang magaling ang timing! Ubod ka nang galing! Ako sayo’y nagpapasalamat, hindi na kailangan pang tumawag at maglahad ng aking sariling dinadaing! Yehey! Makikinig na lang ako sa mga advices. Malay ko? Makakuha ako ng solusyon dito sa problema ko.
DJ Lex: Tumawag lang po sa aming istasyon para sa mga concern citizen na gustong magbigay ng payo at para naman sa ating mga netizen, just post your comment at our facebook fan page. Salamat po.
Pagkatapos ng programa, ito ang mga nakuha kong advices sa mga callers na ini-record ko sa cellphone ko.
First Caller: Hi po DJ Lex, ang ma-i-aadvice ko po sa caller n’yo kanina ay .. gahasain niya na lang po, tingnan natin kung hindi pa rin niya ma-realize na babae siya.
Idadaan agad sa dahas? Hindi ba pwedeng ipanalangin muna sila? Aba, nothing’s impossible with prayer kaya?
Second Caller: Hello po DJ, ang maipapayo ko lang sa caller ay sana ipagtapat niya po kung ano ang nararamdaman niya at kapag ayaw po talaga sa kanya magmove-on na lang siya.
Eto siguro pwede pa. Hehe! Kaya lang, iba naman ‘tong situation ko. Si Meeko kasi at ‘yong bestfriend niya, matagal nang magkakilala. Samantalang kami, two days pa lang.
Third Caller: Hello DJ Lex! Paki advice sa caller n’yo kanina na halikan niya. Kapag tumugon, ibig sabihin may pag-asa siya pero kapag sinapak siya, tawag ulit siya sa station n’yo kung ano ang gamot sa bukol o black eye at nang mapayuhan ko ulit siya.
Aba! Lokong caller to ah? Hahaha. Ang lakas makapayo. Pero infairness ha? May naalala ako sa ‘halik chuchu’ na sinabi niya. Ano kaya ang ibig sabihin ‘pag nasuka siya? Huhuhuhu. Parang alam ko na.
DJ Lex: Ang maipapayo ko sa’yo kaibigang Meeko, iparamdam mo muna sa kanya na mahal mo siya. Mas maganda kasi ‘pag una niyang naramdaman ‘yon. ‘Yong tipong, kompirmasyon na lang ang pagsasabi mo ng mga katagang ‘mahal kita’. Ipakita mo muna sa kanya kung ga’no mo siya ka mahal bago mo ipagtapat through words. Malay mo, sa paraang ganyan, maramdaman niya na mas masarap palang maging babae dahil ganyan pala pinapahalagan ang isang babae. At kung hindi pa siya in love sa’yo ngayon, at least mabibigyan ka ng chance na mapa-ibig muna siya. Basta maging tapat at sincere ka lang sa iyong nararamdaman.
BINABASA MO ANG
HELP! I'm in Love with a gay! (FINISHED.)
NonfiksiPaano kung yong taong mamahalin mo ay hindi bet ang mga kalahi ni Eba? Kaya mo kayang ipaglaban ang nararamdaman mo para sa isang lalaking mas kikay pa kesa sayo?