Chapter Fourteen: Bittersweet.

909 32 6
                                    

Chapter Fourteen: Bittersweet.

(Kisha’s POV)

Agad akong tumakbo matapos ko siyang halikan sa pisngi. Ewan ko ba kung namamalikmata lang ako o talagang totoo ‘yong nakita ko. Namula kasi siya nang sobra at parang itinulos siya sa kanyang kinatatayuan. Maya-maya pa ay natanaw ko na siyang tumatakbo palapit sa’kin. Is he going to run after me? Naks! Nakakakilig naman … parang sa movie lang!

Nadisappoint ako nang makita ko siyang huminto at umupo sa isang malaking bato. Ano ba ‘yan?  Akala ko pa naman maghahabulan na kami sa tabing dagat gaya ng mga napapanood ko sa pelikula, yon pala hihinto siya.

Nagulat ako nang bigla siyang napahiga sa malaking bato habang sapo ang kanyang dibdib. Sa takot ay agad akong tumakbo palapit sa kanya. My goodness! He’s gasping for air! Tatakbo na sana ako upang humingi ng tulong nang maramdaman kong kumapit siya sa kamay ko. Huli na nang mapansin kong napalitan na nang malapad na ngiti ang mukha niyang parang hirap na hirap kanina!

“Gotcha!” Sabi niya sabay hatak sa’kin.

Nanlaban naman ako. Hindi ako makakapayag! Akala mo ha?!

Hinatak ko pabalik ang kamay ko kaya napatayo siya pero dahil nanlalaban din siya, kapwa kami bumagsak sa buhanginan. Sayang! Hindi naulit ‘yong nangyari sa kusina ng condo ko! Hahaha.

I can feel his heartbeat. Bakit sobrang lakas ng tibok ng puso niya? Ay, oo nga pala … we exert too much effort sa hatakan namin kanina tsaka pareho kaming tumakbo.

Hmm ... pero bakit nakatitig siya sa’kin ngayon? My heart beats even more nang mapansin kong bumaba ang kanyang tingin sa’king labi. I automatically lick my lips kasi parang nanuyo sa paraan ng pagkakatitig niya. Is he going to kiss ------- Ahahahahahahaha! Ahahhahaha! Napagulong ako sa tindi nang pangingiliti niya sa’kin. Hindi ko na kaya! Aaaaaaaaaaaah! Tinatadyakan ko na siya, pero syempre mahina lang. Ayokong masaktan siya eh!
“Ano baaaaaaaaa! Tama na John! Ahahaha!

Kapwa kami nagpagulong-gulong sa buhanginan. Nakayakap ‘yong isang kamay niya sa’kin habang ‘yong isa naman ay patuloy akong sinusundot-sundot sa tagiliran.

***

(John’s POV)

Wala sana akong balak na tigilan ang pangingiliti sa kanya. Kasalanan naman niya eh. She did something that made me act this way. Ang sarap pa’ng pakinggan ng tawa niya.

Na-i-inlove na nga ba ako sa babaeng ito?

Ano sa palagay niyo?

Hinihingal na tumayo ako at nagpagpag ng sarili habang siya naman ay nagpunas ng luha. Napaluha siya sa kakatawa. Ikaw ba naman ang kilitiin ng non-stop, hindi ka maiiyak?

Tahimik niyang pinagpag ang kanyang damit. Nagtataka ako kung bakit hindi na siya naimik.

Maya’t maya pa humikbi siya hanggang sa napaiyak na siya ng tuluyan.

Hala! Ano’ng nangyari sa kanya? Nasaktan ko yata siya?

Nag-aalangang  lumapit ako sa kanya. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko. Parang may masakit din sa loob ko habang minamasdan ko siyang umiiyak.

“Kish, ano’ng nangyari? Bakit ka umiiyak?” Alanganing tanong ko sa kanya.

Hindi niya ‘ko sinagot. Patuloy lang siyang umiyak.

“Kish, sorry na. Bakit ka umiiyak? Sagutin mo naman ako oh …”

“Eh  kasi … huhuhuhu.” She said in between sobs.

“Eh kasi ano?”

“Huhuhuhu … eh kasi … huhuhuhu.”

“Bakit nga kasi?”

HELP! I'm in Love with a gay! (FINISHED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon