Chapter Six: Plan A.
Pagkatapos mag-usap nina Kisha at Sharine, they came up with some plans. At ito na nga ang Plan A, make him fall in love.
How to make a guy fall in love by Sharine Dela Cruz:
1. Make him laugh.
2. Do something that can catch his attention.
3. Busugin mo.
4. Pakiligin at kulitin mo palagi.
5. Mag-pa miss ka.
6. Gayumahin mo. (Joke lang daw!)
7. Never forget to be just yourself.
****
“Sha, wala ka bang ‘how to make a gay fall in love’? Baka hindi tumalab ‘to sa kanya eh.” Tanong ni Kisha nang paalis na siya sa bahay nina Sharine.
“Tongek! Lalaki pa rin naman ‘yon ‘no?”
“Pusong-babae naman.”
“Nahihirapan ka na? Kung ayaw mo, eh ‘di ibalik mo na lang sa’kin ‘yan.”
“Sabi ko nga eh, lalaki pa rin naman siya. Wala ngang boobs eh.” Bigla siyang natawa nang maalala ang makapal na padding nito.
“Hoy! Sinilipan mo siya?”
“Ay grabi! Manyak na ‘ko ‘te?”
“Aba, malay ko sayo. Ngayon ka lang na in love ‘di ba? Baka naman nag-iisip ka na ng mga ganyang bagay.”
“Bakit nang ma-in-love ka ba nag-isip ka din ng mga ganyang bagay?”
“Hindi ‘no! We will get married first. Promise natin sa isa’t-isa ‘yan ‘di ba?”
“Eh, ‘yon naman pala eh. So,‘wag masyadong bintangera pwede?”
“Oh s’ya, umalis ka na at nang mapag-isipan mo kung pa’no gagawin ang mga nakasulat d’yan. Tsupi!”
Pagkatapos mag beso ng dalawa ay dumiretso agad ng bahay nila si Kisha. She promised to her Mom kasi na do’n siya tutuloy ngayong gabi. Kung ga’no kasi siya ka miss ng mama at papa niya ay gano’n din siya sa mga ito.
“Hello baby girl!” Agad na lumapit sa kanya ang mama niya at hinalikan siya sa magkabilang pisngi.
“Mom naman eh, hindi na nga ako baby. Nagsasarili na nga eh.”
“Ikaw pa rin ang baby girl namin hangga’t wala pang papalit sa trono mo.”
“Sino naman ang papalit sa trono ko?”
“Eh ‘di ang mga magiging anak mo at ng kuya mo.”
“Ah, alam ko malapit na ‘yong kay Kuya.”
“Oo nga eh, sobrang excited na ‘ko.”
“Magiging lola ka na Mommy.”
“Oo nga, magiging pretty lola na ako.”
“Agree! Galing ako sayo eh.”
Kapag ganito ang takbo ng usapan, nagkakasundo talaga sila ng Mommy niya.
“Oh s’ya. Kumain ka na muna at naghanda ako ng mga paborito mong pagkain. Alam ko kasing pupunta ka dito eh.”
“Thanks Mom. Kaya ayokong nandito ako eh, nasisira ang diet ko.”
And they both laugh. Ganito sila ng Mommy niya ‘pag nasa bahay sila. Makulit ito kagaya niya. Pero ibang-iba ito kapag kaharap ang mga business partners ng Daddy niya. Mahirap na daw kasi ‘pag may masabi ang mga ito na hindi maganda tungkol sa kanya. Ganito na nga siguro ang mundo nilang mga nakakaangat sa buhay, madalas nagtatago. Sinusubukang ibahin ang sarili para maging katanggap-tanggap sa mundong ginagalawan nila. Kaunting pagkakamali lang kasi, pilit na pinapalaki ng iba. Patunay na kahit saan, merong mga chismosa. Walang pinipili ang sakit na ito, nakapag-aral ka man o wala, mayaman ka man o mahirap basta may kadaldalan kang taglay, hindi ka ligtas sa ganitong sakit. Pwera na lang sa mga madaldal na hindi chismosa katulad namin nina Mom at Sharine. Nyahahaha.
****
(Kisha’s POV)
Kinaumagahan, maaga pa akong gumising. Ipinagluto ko sina Mommy at Daddy. Magpapalakas muna ako kasi kahit nagtatrabaho ako sa sariling company namin, hindi ako basta-basta pinapayagan ng Daddy ko na umabsent. At hindi rin naman ako basta-basta uma-absent pero sa ngalan ng pag-ibig, gagawin ko ‘to kahit ngayon lang.
“Good morning Mommy! Good morning Daddy!” Nakangiting bati ko sa kanilang dalawa sabay halik sa kanilang mga pisngi.
“Mukhang maganda yata ang gising ng bunso ko ah?” Sabi ni Daddy.
“Syempre po! Nakapagbonding tayo kagabi eh?”
“Parang hindi rin, ramdam na ramdam ko na may gusto kang hilingin sa’min ng Daddy mo.” Sabi naman ni Mommy na nangingiti.
“What is it?” Tanong naman ni Daddy.
“Umm.. well, I have something to do today kaya kailangan kong umabsent ngayon Dad. Will it be okay?”
“Sige.” Nakangiting sabi niya.
“Yes! Totoo ba ‘to Dad? Hindi ko na kailangang mag-explain kung ba’t ako aabsent? I don’t need to make an excuse letter or fill-up a form for my one day leave?”
“Thanks for that suggestion. Submit one of that to my office later.” Sabi nito na halatang nagbibiro.
“Daddy naman eh! Parang nagtatanong lang naman.” Sabi ko na kunwari ay nagtatampo.
“Nagbibiro lang. Ganyan na ba talaga ako ka strict sa’yo?”
“Hindi naman masyado Dad.” Sabi ko sa kanya sabay taas-baba ng aking mga kilay.
Natawa naman sila nina Mommy.
“Ikaw talagang bata ka!” Sabi ni Dad na ginulo-gulo pa ang buhok ko.
“Daddy naman eh!”
“Kumain na nga tayo at nang masimulan mo na ‘yang mga gagawin mo. Mamasyal ka na rin at makipag-bonding sa mga kaibigan mo. Baka hindi ka pa nagkaka-boyfriend kasi masyado kitang nahihigpitan sa office.”
“Takot lang ‘yan ng Daddy mo kapag nasayang ang lahi niya kapag hindi ka nakapag-asawa.” Natatawa namang singit ni Mommy.
“Oo naman, I want to have a dozen of grandchildren.” Natatawang sabi ni Daddy.
“Dad naman, ano akala n’yo sa’kin baboy?”
Sabay kaming nagtawanan ngunit nasa isip ko pa rin kung pa’no ko gagawin ang mga planong nabuo namin ni Sharine. Kailangan makapaghanda ako. I want to give myself some time to practice the things that I have to do. Hindi ko inakalang magiging ganito kahirap.Hindi ko inakalang, matuto akong lunukin lahat ng pride ko para sa kanya. Hindi sana magiging ganito kung sa totoong lalaki lang ako na-inlove. Basta, isa lang ang masasabi ko. “If a prayer can move a mountain, how much more a gay into a real man?”
BINABASA MO ANG
HELP! I'm in Love with a gay! (FINISHED.)
Não FicçãoPaano kung yong taong mamahalin mo ay hindi bet ang mga kalahi ni Eba? Kaya mo kayang ipaglaban ang nararamdaman mo para sa isang lalaking mas kikay pa kesa sayo?