Chapter Nine: Puzzle.
Hindi na namalayan ni Kisha na gabi na pala. Masarap kasing kausap si Aling Tasya. Marami rin siyang nalaman tungkol kay John.
Hindi niya inakala na nag aaral pala ito ng taekwando. Pero hindi naman daw regular kasi nga masyado itong busy. Except Danica, wala na daw itong ibang kaibigan sa States man o sa Pilipinas. Nagsimula daw itong lumayo sa mga tao ten years ago. Kasabay ng pag-amin nito ng kanyang pagkatao ay ang paglamlam ng mundo nito. Hindi na daw ito lumalabas kasama ang mga kaibigan. Umikot na lang sa bahay at trabaho ang mundo nito. At the age of seventeen, tuluyan na itong nawalan ng social life.
Sabay silang napalingon ni Aling Tasya sa bumukas na pinto. It’s john. Mukhang pagod na pagod ito. Napakunot ang noo nito ng makita siya.
“Bakit ka nandito?” Tanong nito.
“Ah, Ijo … pumunta siya dito para ibigay ‘yong mga ginawa niyang cookies para sa’yo.” Si Aling Tasya ang sumagot.
“Sa susunod ‘Nay, ‘wag kang magpapapasok ng kahit na sino dito sa bahay, baka ma bodol-bodol kayo.” Sabi ni John sa malumanay na tinig.
“ Pero kapatid naman siya ni Andrew hindi ba?”
“Opo, pero hindi sa lahat ng pagkakataon, nagsasabi ng totoo ang isang tao.”
“Tulad mo Ijo? Kailan ka magiging totoo?” Tanong ni Aling Tasya na nakapagpalito kay Kisha.
“Kung ano po ang nakikita ninyo, ‘yon po ang totoo.”
“Ipinagdadasal ko na lang na sana, ‘wag mawala sayo ang lahat ng dahil sa mga ginagawa mo.” Wala nang maintindihan si Kisha sa takbo nang usapan ng dalawa. Naramdaman niyang tinitigan siya ni John. Tiningnan niya ito at nagkasalubong ang kanilang tingin.
“Maghahanda na muna ako ng hapunan Ija. Kung nanaisin mo, sumabay ka na lang sa’min.”
“Hindi po ‘Nay, uuwi na po siya ngayon din.” Sagot ni John.
“Ewan ko sa’yo John.”
“Johnna po.”
Napabuntong-hininga na lang ang si Aling Tasya at nagtungo na sa kusina. Agad namang bumaling si John kay Kisha.
“Oh, ikaw? Ano pang ginagawa mo dito? ‘Di ba ang sabi ko kung magpapasalamat ka lang ulit, tigilan mo na kasi okay na.”
“Hindi mo ba nakukuha kung bakit ko ginagawa ito?” Gusto nang sumabog ni Kisha sa mga oras na ‘yon kaya lang naisip niya na baka mas magalit si John at mawalan na talaga siya ng pagkakataong baguhin ang mundo nito. Ang totoo, naawa siya dito. Mahal niya ito kaya ayaw niyang manatili ito sa madilim na mundo.
“Hindi ko alam at wala akong balak na alamin pa.” Walang emosyong sagot nito.
Sa halip na sumagot ay tumayo na lang si Kisha at nagmamadaling tinungo ang pinto. Ngunit bago siya umalis, hinuli niya muna ang tingin ni John sabay sabing:
“Tandaan mo, hindi ako susuko.”
***
Napahinga ng maluwag si John nang makaalis na si Kisha. Hindi niya inakalang napakatigas pala ng ulo nito. Dagdagan pa ng Nanay Tasya niya na wala nang ibang ginawa kundi ipilit ang gusto nito. Hindi ba nito alam na ligtas siya sa ganitong paraan? Maraming taon na ang nakalilipas pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya maintindihan nito.
“Handa na ang hapunan.” Maya-maya’y sabi ni Nanay Tasya.
“Susunod po ako.” Sagot ni John sabay lakad patungo sa kanyang silid. Nagpalit lang siya ng damit at nagtungo na sa kusina.
BINABASA MO ANG
HELP! I'm in Love with a gay! (FINISHED.)
Kurgu OlmayanPaano kung yong taong mamahalin mo ay hindi bet ang mga kalahi ni Eba? Kaya mo kayang ipaglaban ang nararamdaman mo para sa isang lalaking mas kikay pa kesa sayo?