Chapter Three: First kiss.

1.3K 37 0
                                    

Chapter Three: First Kiss.

(Johnna’s/John’s POV)

Mataas na ang sikat ng araw nang magising ako. Nagulat ako dahil pagmulat ko, hindi pamilyar sa’kin ang kamang hinihigaan ko. My gosh! Did someone raped me? Tiningnan ko ang katawan kong nakatago sa ilalim ng kumot. I am wearing a night dress na alam kong hindi akin. Teka? Bumangon ako mula sa kama ngunit nakaramdam ako ng kaunting pagkahilo. Dahan-dahan akong tumayo habang nakatingin sa paligid. Naglakad ako hanggang sa umabot ako sa maliit ngunit magandang sala. Nakita ko ang isang pamilyar na babae na nakabaluktot ng higa sa sofa. Siya ‘yong kapatid ng fiancée ni Nica! At siya ‘yong babaeng iniligtas ko sa kamay ng mga hudas! Lumapit ako sa kanya. Hindi ko alam kung gigisingin ko ba siya o aalis na lang ako. Naisipan kong umalis na lang at mag-iwan ng note para sa kanya. Nakakahiya naman kung aalis ako nang walang paalam. Bakla lang ako, hindi ako bastos na tao. Nang tumalikod na ako para maghanap ng papel at ballpen, bigla namang nagsalita ‘yong babae. “Salamat John, niligtas mo ang buhay ko. Kung hindi dahil sayo, patay na siguro ako o di kaya, nakuha na nila ang virginity ko.” Sabi ng babae. Muntik na akong natawa sa mga huling katagang sinabi niya, lumingon ako para sabihin sa kanyang “walang anuman” ngunit nagtaka ako nang makita kong nakapikit pa ang kanyang mga mata. “Hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan” Sabi ulit nito nang nakapikit. Nilapitan ko siya kasi baka ginu-good-time niya lang ako ngunit nakita kong tulog talaga siya. Medyo tulo-laway pa nga, yayks! Habang tinitingnan ko siya, bigla akong nahilo at nanlambot ang mga tuhod ko. Nawalan ako ng balanse kaya napa-upo ako sa sahig at napahawak sa sofa’ng hinihigaan niya. I can see her in a closer view right now. She looks like an innocent baby sleeping soundly. Oo, naghihilik siya. But there’s another thing I’ve noticed, She’s cute.

(Kisha’s POV)

Nagising ako dahil naramdaman kong tila may nagmamasid sa’kin. Pag dilat ko, nakita ko si John na nakangiti habang nakahawak sa pisngi ko. It feels weird kasi kahit suot niya ang night dress ko, lalaki pa rin ang tingin ko sa kanya. Mas nagulat ako ng dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa’kin. It’s like, he’s going to kiss me! Kilala ko ang sarili ko, hindi ako easy-to-get pero parang gusto kung hayaan siyang halikan ako. Will I give him my first kiss? Puso ko ang sumagot kaya hinayaan kong lumapat ang kanyang mga labi sa labi ko. It feels awesome! Para akong nasa alapaap habang ninanam ang kanyang halik. Ganito pala ang feeling kapag first kiss? Parang ayoko nang lumayo siya sa’kin, kung pwede na nga lang i-staple ‘yong lips niya sa lips ko eh. Nadismaya ako nang maramdaman kong dahan-dahan na siyang lumalayo sa’kin. ‘Wag muna! Awtomatikong pumulupot ang mga kamay ko sa batok niya at patuloy ko siyang hinalikan.

*****

Napabunghalit ng tawa si John habang tinitingnan si Kisha. Nakanguso ito na tila may hinahalikan. Lalo siyang natawa nang bigla itong umaktong tila may niyayakap. Hindi na niya napigilan, napalakas na talaga ang tawa niya dahilan para magising ito.

“John?!” Gulat na bulalas nito. Agad siyang napabangon sabay punas ng pisngi na nabasa ng laway.

“It’s Johnna!” He said in between laughter.

Namumulang tumayo si Kisha mula sa sofa habang tawa pa rin nang tawa si John. Akala niya totoo ‘yong nangyari. Panaginip lang pala? Nagmukha tuloy siyang manyakis.

“By the way Kish, I have to go.” Sabi ni John nang makabawi na mula sa kakatawa.

“Hindi ka ba nagugutom? Ipaghahanda kita.” Sabi niya na halos hindi makatingin ng diretso sa kausap.

“Hindi na, baka mamaya gayumahin mo pa ako.” Sabi nito na nagsimula na naman sa kakatawa.

“Grabi ka. Alam ko namang hindi tayo talo eh.” Sabi niya na naghatid ng kaunting kirot sa kanyang puso.

HELP! I'm in Love with a gay! (FINISHED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon