Chapter Eleven: Pakiligin at KULITIN mo palagi.

854 34 4
                                    

Chapter Eleven: Pakiligin at KULITIN mo palagi.

(Kisha’s POV)

Nakahiga lang ako sa kama habang nakatingin sa kisame. It’s already ten in the evening ngunit hindi pa rin ako makatulog. Naiisip ko si John. Si John na lang palagi. Sa paggising, sa pagkain, sa trabaho pati na rin sa pagbabanyo. Hay! Drugs ba siya? Naaadik na yata ako sa kanya eh! Hmm ... speaking of him, tawagan ko kaya siya?

Ilang sandali pa ay sinagot na niya ang tawag ko.

“Hello?” Sabi niya sa tila naaasar na boses.

“Pangarap ka ba?” Tanong ko sa kanya.

“Inaantok na ‘ko kaya matulog na tayo.”

Eeeeh! Sumesegwey kaya ako!”

“Pakialam ko?”

“Ang sungit mo!”

“Meron ako eh! Paki mo?”

“Meron ka?”

“Oo sabi!”

“Meron kang itlog! Kaya hayaan mo na ‘kong sumegwey or else pupuntahan kita sa office mo bukas at hahalikan kita buong magdamag!”

“Sige na nga!”

“Ayan! madali ka naman palang kausap eh! Uulitin ko, pangarap ka ba?”

“Bakit?”

“Ano’ng bakit? Oo dapat ang sagot mo! Pangarap kaya kita!”

Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya.

“Uy, tumawa siya. Kinikilig ka na?” Panunukso ko sa kanya.

“ Ano’ng kinikilig? Natatawa lang ako sa pinagsasabi mo ‘no!”

“Nag-deny pa si kuya oh!”

“Tse! Hindi ako nagdedeny no! Nakakaloka ka! Itulog mo na ‘yan!”

“Sandali lang … meron pa eh!”

“Tsk! Sige, bilisan mo na, pagod ako eh kailangan ko nang magpahinga.”

“Prinsipe ka ba?”

“Tange! Prinsesa ako ‘no!”

Eeeeh! Prinsipe ka!”

“Hindi mo ‘ko mapipilit! Bye!”

At bigla na lang siyang nawala sa kabilang linya. Sa ngayon siguro hindi niya pa matanggap na prinsipe ko siya pero naniniwala ako na sa mga susunod na araw, hari na siya at ako ang kanyang magiging reyna! Wala nang iba.

Before I decided to go to sleep, nagtext muna ako sa kanya.

Sana antok na lang ako, para pwede kitang dalawin gabi-gabi. (End of message.)

Hindi na ‘ko nag-expect na magrereply siya kaya laking gulat ko nang tumunog ang message alert tone ko at makita ang pangalan niya sa screen ko.

“Sana antok din ako, para pwede kitang dalawin ngayon din mismo at nang hindi ka na d’yan nang-iistorbo.”(End of message)

Hindi kagandahan ang reply niya pero infairness, may improvement ‘di ba? Hindi naman kasi siya nagrereply dati eh! Let’s look at the bright side!

I texted him again.

“Sana keyboard keys na lang tayo. Ako ang ‘I’ at ikaw ang ‘U’ nang hindi tayo nagkakalayo.” (End of message.)

And for the second time, he replied again!

HELP! I'm in Love with a gay! (FINISHED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon