Chapter Thirteen: First Date?
(Kisha’s POV)
Exactly seven o’clock nang mamataan kong pumarada na sa harap ng restaurant ang sasakyan ni John. I feel a bit nervous habang hinihintay ang paglabas niya ng kotse. Maya-maya lang, I saw him. He is not wearing a skirt or a dress anymore. Hmm … ano kaya ang nangyari at biglaang nagbago ng fashion itong ‘shining-silver-gown-hero’ ko? Hindi kaya na-i-inlove na sa’kin ‘to kaya dahan-dahang nagbabago? Baka bukas damit panlalaki na ang suot nito. Nakaramdam naman ako ng kaunting kasiyahan sa naiisip ko.
“Hi!” Batik o sa kanya ng makalapit na siya sa mesang pina-reserve sa’min ni Ate Nica.
“Hello.” Ganting bati nito na nakangiti.
Wow! Improvement! Nakukuha na niyang ngumiti sa’kin!
“Where are they?” Tanong niya sa’kin nang makaupo na siya.
“Umm … hindi mo alam? Hindi ka ba sinabihan ni Ate Nica?”
“Hindi eh. Bakit? Is there any problem?”
“Hmm … wala naman, kaya lang sabi niya hindi daw siya makakarating.”
“What?!” Napatayo siya sa sinabi ko.
“Okay lang naman kong ayaw mong ituloy ‘to.” Nahihinayangan kong sabi.
“Sige, kumain na lang tayo. Total, nandito na naman na tayo eh.” Sabi nito na umupo na ulit.
“Sige, umorder ka na.”
Tinawag niya ang waiter at umorder na nga kami. Wala kaming imikan habang naghihintay kaming dumating ang mga inorder naming.
Ano ba ‘to? Napa-awkward.
Maya-maya pa’y dumating na ang mga inorder namin. Tahimik kaming kumakain kaya hindi naiwasang pumasok sa isip ko ang tips na binigay sa’kin ni Sharine. All this time, nagpapakatotoo ako sa harap ng taong ito kaya hindi ko na kailangang gawin ang tip number seven at mas lalong wala akong planong gawin ang tip number six. Kahit kailan, hindi ko naisip na gayumahin si John, gusto ko kasi ‘yong totoong pagmamahal. Anyway, hindi naman ako naniniwala sa gayuma eh. Marami akong naririnig na kwento tungkol dito pero wala pang nakapag-testify na totoo nga ito. Ready na kaya akong gawin ang tip number five? Baka sa halip kasi na ako ang ma miss niya eh, ako pa ‘tong makaramdam ng pagka-miss sa kanya.
“Are you okay Kisha?” Nagulat ako nang bigla siyang magsalita.
“Umm .. yes, I’m okay. Bakit mo naman natanong?”
“Kasi parang nakatulala ka d’yan sa pagkain mo eh. Hindi mo ba gusto ang lasa?”
“Hindi ‘no? Masarap kaya.” Sabi ko sa masiglang tinig.
Ngiti lang ang isinagot niya sa’kin. Alam ko na ngayon ang gagawin ko. I will make this date memorable for him. ‘Yong tipong, ‘pag nawala ako hahanap-hanapin niya?
“John?” Tawag ko sa kanya nang maubos ko na ang pagkain ko.
“Yes?” Sagot naman niya.
“Nagmamadali ka bang umuwi?”
“Hindi naman, bakit?”
“Sama ka sa’kin!” Excited na pagyaya ko sa kanya.
“Saan naman tayo pupunta?”
“Basta, malalaman mo mamaya.”
“Ayoko sa madidilim na lugar. Baka mamaya niyan, ma-rape tayo.”
“Ikaw talaga parang sira!”
Natawa kami pareho sa takbo ng aming usapan.
Teka? Totoo ba ‘to? Tumatawa ba talaga siya?
BINABASA MO ANG
HELP! I'm in Love with a gay! (FINISHED.)
No FicciónPaano kung yong taong mamahalin mo ay hindi bet ang mga kalahi ni Eba? Kaya mo kayang ipaglaban ang nararamdaman mo para sa isang lalaking mas kikay pa kesa sayo?