Chapter Seventeen: Missing her.

985 37 5
                                    

 Chapter Seventeen: Missing her.

(John’s POV)

Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya pero pagkatapos ng gabing lumabas kami, hindi ko na ulit siya nakita at hindi na rin siya nagte-text o tumatawag sa’kin. Mahirap aminin pero ‘yong totoo? Namimiss ko na siya.

Buong araw kong sinisipat ang cellphone ko ngunit wala talagang text galing sa kanya.

Bakit kaya? Dahil kaya sa sinabi kong may boyfriend na ‘ko? Hindi naman totoo ‘yon eh! Hay! Binili ko ‘yong mga damit na ‘yon dahil gusto ko nang magbago. Gusto ko nang ipakita kung ano talaga ako. The truth is … hindi naman talaga ako bakla. Minsan na rin naman akong nagmahal …

*Flashback*

First monthsary namin ni Jenny nang araw na ‘yon… syempre, nagpapogi ako nang husto. I bought her flowers and chocolates. Nag-usap na kami na magkikita kami sa isang sikat na restaurant kung saan nag pa reserve ako ng table for two. Gusto ko sana siyang sunduin sa school niya kaya lang, ayaw niya. Mahirap na daw baka pagkaguluhan ako ng mga babae do’n sa school nila. Hindi ko naman siya masisi dahil pogi naman talaga ako. Marami ngang nagkakagusto sa’kin eh. Isa ako sa mga heartthrob sa school pero sa dinadami ng babaeng gustong maging girlfriend ko, si Jenny ang minahal ko.

She’s a very pretty and smart young lady. Member siya ng cheerleading group sa school namin. She got almost everything kagaya ni Kisha … beauty, brains and fortune.

Hindi ko ini-expect na magtatagal ang panliligaw ko sa kanya since nasa America kami at alam ko kung ano’ng kultura meron sila.

Umabot ng anim na buwan ang panliligaw ko hanggang isang araw, sa wakas! Dininig din ng Diyos ang panalangin ko.

No’ng araw na sinagot niya ‘ko, nasabi ko sa sarili ko na I’m the happiest man alive … na wala nang mas sasaya pa than having the girl you love.

Seven o’clock dapat kami magkikita pero six o’clock pa lang, nasa restaurant na ‘ko. Excited eh! Hanggang sa umabot na nang seven fifteen ang paghihintay ko ngunit hindi pa rin siya dumating.

Natakot ako kasi baka kung na pa’no na siya kaya kahit sinabihan niya ‘kong ‘wag nang pumunta sa school nila … pumunta pa rin ako. Hindi ko kasi nadala ang phone ko para i-check kung ano na ang nangyari sa kanya kaya mas minabuti ko na lang na puntahan siya.Agad naman akong pinapasok ng guard sa school nila.

Nang makarating ako nang classroom nila, wala na sila. Nagpalinga-linga ako sa paligid hanggang sa nakita ko ang classmate niyang si Mary. Tinanong ko siya kong nasa’n si Jenny. Sabi niya hindi niya daw alam pero parang nakita niya daw niya papunta sa garden ng school nila. Tinungo ko naman ang direksyon na itinuro niya sa’kin ngunit nang dumating ako do’n, hindi ko pa rin nakita si Jenny. Naisipan kong bumalik na lang sa restaurant dahil baka dumating na siya do’n at nagkalipasan lang kami. Palabas na ‘ko nang garden nang makarinig ako ng tinig.

“I have to go.” Sabi ng tinig na sobrang pamilyar sa’kin. It’s Jenny!

Sinundan ko ang direksyon kung saan ko siya narinig at laking gulat ko nang makita ko siyang may kayakap at kahalikang lalaki.

Hindi ko ini-expect na ganito ang mangyayari sa’min! Ang akala ko, nahanap ko na ang babaeng mamahalin ko at mamahalin ako habang-buhay! Sa galit ko ay sinigawan ko sila! Get a room! At tsaka mabilis kong nilisan ang lugar na ‘yon.

Hindi ko man lang inisip na ‘yong mga couple pala do’n sa America, well … hindi naman lahat pero mostly, kung saan-saan na lang nag-me-make-out. Hindi na nga pala nila kailangan pa ng kwarto!

Umuwi ako nang bahay dala-dala ang sakit bunga ng pangyayaring aking nasaksihan. Minahal ko siya eh. Sobrang minahal ko siya pero niloko niya lang ako. Habang nakahiga ako sa kama ko, nag-isip ako kung ano ang pinakamabuting gawin para hindi ko na ulit maranasan ang sakit na tulad ng dinaranas ko nang mga oras na ‘yon. No’ng una, sabi ko susubukan kong laruin ang laro ni Jenny kaya lang naisip ko … ano ang ipinagkaiba ko sa kanya ‘pag ginawa ko ‘yon? Kaya para hindi na lang ako makasakit ng iba, nagdesisyon na lang akong ilayo ang sarili ko sa mga babae.

*End of flashback*

Hindi naging madali ang ginawa ko pero naisip ko, mas mabuti na lang ‘to kesa manakit ako ng mga inosenting babae.

Alam kong hindi naman magkakapareho ang mga babae dahil nakita ko naman kung pa’no minamahal ni Mommy si Daddy.

Maraming nagulat no’ng sinabi kong bakla ako pero lahat sila napapaniwala ko maliban na lang kay Nanay Tasya na nag-alaga sa’kin mula no’ng bata pa ‘ko. Lagi niya ‘kong pinagsasabihan na lumabas-labas din daw ako paminsan-minsan.

Simula kasi no’ng sinabi kong bakla ako, nalaman ko kung sino ‘yong mga taong totoong nagmamahal sa’kin. Walang natira ni isa man sa mga kaibigan ko. Pinagtawanan nila akong lahat.

Aaminin ko, sobrang nahirapan ako … there are times in my life na sinabi ko sa sarili ko na gusto ko nang bumalik sa dati ang buhay ko pero sa tuwing naaalala ko ‘yong ginawa sa’kin ni Jenny, bumabalik ang sakit. Ang sakit na sobra pa sa nararanasan kong pangungutya nila sa bago kung pagkatao.

Lumipas ang sampong taon, tuluyan ko nang ibinaon ang pagkatao kong nagdulot sa’kin ng sobrang sakit. Nakontento na ‘kong sina Nanay Tasya, ang pamilya nina Danica at sina Mom at Dad lang ang kasama ko. Sabi ko, hindi ko na kailangan pa ng ibang tao sa buhay ko … hanggang sa dumating si Kisha.

Una, tinanggap niya ‘ko. Pangalawa, minahal niya ‘ko up to the point na siya na mismo ang gumawa ng mga bagay na dapat lalaki ang gumagawa para sa kanya. She became so selfless pagdating sa’kin. Hinaranahan niya ‘ko, ipinagluto ng mga masasarap na pagkain, tiniis niya ang lahat ng pang-iinsulto na sinabi ko sa kanya at higit sa lahat … tinanggap at minahal niya ‘ko.

Nagsinungaling ako sa kanya, hindi ko ipinagtapat ang totoong nararamdaman ko, ang totoong plano ko. Naduwag ako masyado. Ang duwag-duwag ko!

“’Kesa sa nagmumukmok ka d’yan … ba’t di ka na lang gumawa ng paraan para matapos na ‘yang pinoproblema mo?” Nagulat ako nang biglang magsalita si Nanay Tasya.

“Kanina pa po ba kayo d’yan?”

“Oo, kanina pa at pansin na pansin ko ang pagiging balisa mo.”

“Hindi na po kasi siya nagte-text at tumatawag eh.” There’s no use of denying anymore total matagal nang alam ni Nanay na hindi naman talaga ako bakla. Hindi ko lang diretsahang inaamin sa kanya sa tuwing tinatanong niya ‘ko.

“Namimiss mo siya?” Nangingiting tanong niya sa’kin.

“Opo.” Diretsahang sagot ko.

“Kung namimiss mo siya, eh di puntahan mo.”

“’Yan po ang gagawin ko, bukas na bukas din mismo.”

“Sa wakas! Naging totoo ka rin sa sarili mo.” Nakangiting sabi ni Nanay Tasya.

Niyakap ko lang siya bilang pasasalamat sa walang-sawang pag-iintindi at pag-aalaga niya sa’kin simula no’ng bata pa ako.

HELP! I'm in Love with a gay! (FINISHED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon